MABILIS akong naka sakay sa barko pabalik sa probinsya namin.bandang ala sais narin ng gabi ng kaming magsimulang maglayag palayo sa syudad."Hindi ba parang masama ang panahon?" Napa lingon ako sa babaeng katabi ko. May karga karga itong bata na natutulog, ngumite ako dito.
"Mukha nga. pero hindi naman siguro ganoong Kasama. Pinayagan naman tayong maka alis sa port. Natuon ang pansin ko sa lumiiliit na imahe ng lungsod na pinanggalingan ko.
"Kung sa bagay."
Sinubukan Kong kontakin si Amber para maka usap ko si Xamber kaso hindi ko naman ito makontak. Busy siguro ito. Pagdating nalang sa Bahay ko ito tatawagan.
Napayakap ako sa sarili ng umuhip Ang malakas na hangin, sinundan pa ito ng malakas na alon. Umuga-uga Ang sinasakyan naming barko sa sunod sunod na pag hampas ng malaking alon, nagsimula naring pumatak ang ulan. Patuloy paring umuuga ang barko dahil sa mga alon, dinig keep ang tiliian at pagdadasal ng mga Kasama ko sa barko. Mahigpit akong napa hawak sa railings at blankong napatingin sa paligid naka pasok na sa barko namin ang maraming tubig.
"Kumuha ka ng life jacket ija lumulubog ang barko."
Napatingin ako sa matandang naka suot ng life jacket, pero nagawi ang tingin ko sa batang naka upo sa gilid at takot na takot, mabilis ko itong nilapitan dahil Wala itong suot na life jacket.
"Bata! nasaaan ang magulang mo? Magsuot ka ng life jacket." Mariin itong umiling at tiningala ako.
"Ate hindi po kase ako nagbayad ng pamasahe sikreto lang Po akong pumasok dito kase wala akong pamasahe pauwi sa amin, para lang po sa mga nagbayad Ang life jacket" Ang umiiyak nitong sabi saglit akong napatigil at napa lingon sa paligid.
Naisip ko bigla Ang anak ko. Kumpleto parin ang pamilya Ng anak ko kahit Wala ako at masaya siya doon.alam Kong di siya papabayaan ni Amber kahit Wala ako, si Leo ay nakapag tapos na ng pag aaral,kaya niya nang mabuhay nang Wala ako. Kaya ng mga mahal ko sa buhay ang buhay nila kahit wala ako.
"Ate!, Ate lumabas kana po tayo palubog na ang barko" Itinulak ako ng bata palayo sa kanya pero hindi ko magawang iwan ito.
Mariin akong napa pikit at mas lumapit pa sa bata. Isinuot ko sa kanya ang life jacket at kinarga patungo sa mga crew
Muling hinampas ng malakas na alon Ang barko kaya, nabitawan ko ang bats mabuti na lamang at nakuha na ito ng crew.
"Ma'am nasan ho ang--" hinampas Ng malakas Ang barko namin at tuluyan nakong nawalan Ng balanse tumilapon ako palabas ng barko at tumama ang ulo ko sa poste ng barko.
Lumubog ang katawan ko sa dagat, pilit kong hinihila pataas ang katawan ko pero sobrang lakas ng alon nanghihina ang katawan ko.
Ito na ba talaga ang katapusan ko?
Kung may diyos man sana, sana kung ano man ang kasalanan ko sa Inyo sana napag bayaran Kona ito, kung may susunod na buhay man sana Hindi niyo nako pahirapan ng ganto, kayo ng bahaha sa anak ko.
HATING GABI na ngunit nagkakatuwaan parin ang pamilyang Catillo sa pag-uusap sa magaganap na kasalan kinabukasan ng mapatigil dahil sa lumabas na flash report sa telebisyon.
"Isang masamang balita po ang natanggap namin. lumubog po ang barkong Fast Jester kaninang bandang alas otso ng gabi. Limampu ang sugatan, dalawampu ang patay at labing tatlo naman po ang patuloy paring pinag hahanap. Kabilang sa nawala sina Juan hernandez, Chorie Pepito, chloe Fanlo, James Policarpio at Xenon Leona Del Francia." Nabitawan ng batang si Xamber ang hawak-hawak na baso ng gatas at tinitigan ang ipinakitang imahe ng kanyang ama.
"Xamber.....Xamber... Nag-uunahang tumulo ang kanyang luha ng maalala ang kaarawan ng amang nag alaga sa kanya.
"Mommy..."umiiyak na tumakbo ito sa kanyang ina at yumakap. Tulala lamang si Amber habang pinag mamasdan ang telebisyon. hindi niya maintindihan ang namumuong takot at kaba sa kanyang dibdib "Mommy... si dada..si dada...birthday po ngayon ni dada!
BINABASA MO ANG
Heart Desire (Desire Series #1)
Romance[Editing] Xenon Leona Del Francia Amber Louisiana Castillo Xenon is inlove with a woman named Amber Castillo married a woman named Amber Castillo carried her child of the woman named Amber Castillo and divorced a woman named Amber Castillo. When eve...