NAPAHAWAK ako sa dibdib ko ng maramdaman ang malakas nitong
pagkabog."Are you okay? Asan ang masakit? Tatawagin ko na ba si Mitch?"
Ang paranoid na tanong niya sa akin. Napatayo pa ito sa gilid ko. Umiling ako bilang pagtanggi.
"O-okay lang ako. Tapusin mo na yang pagkain mo." Ang sabi ko dito pero nanatili pa rin itong nakatayo sa gilid ko at mariin akong tinitigan. "Please, Thalia."
Napabuntong hininga nalang ito habang pabalik ito sa kanyang upuan.
"You can stay here as long as you want. Hindi lang ako ang sasaya kung mananatili ka dito pati ang mga tao sa isla at si Zian. But we can't force you to stay here, ang iniisip ko lang ay baka gusto mo ng umuwi sa pamilya mo."
Ang seryoso nitong paliwanag sa akin. I can feel her honesty while saying that to me at masaya akong malaman ang lahat ng 'yon. I feel like l found a home again. Again? Ewan ko.
"Masaya ako dito." Ang tangi ko lang naisabi sa kanya.I know l should take this opportunity to find my family but something in my heart says otherwise. Parang pinipigilan ako nito. I don't feel like going away from here.
"I'm glad you are." Natapos kami sa pagkain ng hindi nag-uusap tungkol doon. Tungkol lang sa kondisyon ko ang naging topic namin hanggang sa matapos kaming kumain. Sinamahan lang namin si Zian sa sala na kakagising lang.
Tinulungan ito ni Thalia sa kanyang mga assignments habang ako naman ay hinahanda ang mga ipinapadala ng teacher niya.Pagkatapos namin sa kanyang mga school works ay nagsalang si Thalia ng cd sa dvd player. Nanood lang kami ng trolls buong gabi.
Mahina kasi ang signal dito sa isla kaya paminsan-minsan lang nakakasagap ng mga channel ang TV. Ganito ang palagi naming routine araw-araw. Kahit napakasimple lang ng ginagawa namin kuntento ang pakiramdam ko.
Kinabukasan hindi ako sumama kay Thalia na umalis. Masaya pa ako dito at hindi komportable ang puso ko sa kabesera. Wala naman sigurong mawawala kung mananatili ako saglit dito.
Inihatid na lamang namin ni Zian si Thalia sa barko na magdadala sa kanya at ng kanyang mga tauhan sa kabisera
"Tatlong araw akong mawawala dahil sa mga meetings. Kung may problema man, don't hesitate to call Mitch or kahit sinong taga dito."
"Aisen will sleep in the house para samahan kayo. Please, take good care of yourselves. Zian, wag kang makulit, Okay? Makinig ka sa mga nakakatanda. Goodbye." Ang mahaba nitong paalala sa amin bago kami nito hinalikan sa noo si zian.
"Mag-ingat ka din doon saka wag kang masyadong mag-alala sa amin. We'll be fine." Ang sabi ko dito.
"I will. Sige na, baka malate pa kayo ni Zian. Wag masyadong mag pagod." Dagdag nito bago tuluyan pumasok sa barko.
Pagtalikod namin nadatnan ko doon si Mich na may malisyosang ngiting naka-ukit sa kanyang labi. Pinaikutan ko ito ng mata. Ito na naman po tayo.
"Hi, inaanak kong maganda!" Bati nito kay Zianna.
"Hello po, ninang. Good morning po." Ang sagot ng anak ko bago ito lumapit kay Mitch at nagmano.
"Good morning din, nak." Anito bago kinurot ang pisngi ng bata.
"So ano na, AYN-GEL? Ano nang real score niyo ni Thalia?" Ang tanong nito sa akin habang sinasabayan kami nito sa paglalakad.
Nagtaas-baba pa ang kanyang maiitim na kilay at siniko-siko ako. Nakakahiya kay Thalia kapag nalaman niyang pinagiisipan kami ng mga tao na may namamagitan daw sa amin.
"A-anong real score? Magkaibigan lang kami. Tsaka amo ko rin siya at utang ko sa kanya ang buhay ko. Wala ng iba pa. Tapos."
Pero mukhang hindi ito kumbinsido dahil hindi pa rin nabubura ang
mailisyosa nitong mga ngiti.
BINABASA MO ANG
Heart Desire (Desire Series #1)
Romance[Editing] Xenon Leona Del Francia Amber Louisiana Castillo Xenon is inlove with a woman named Amber Castillo married a woman named Amber Castillo carried her child of the woman named Amber Castillo and divorced a woman named Amber Castillo. When eve...