NAGMAMADLI akong naglalakad patungo sa gate ng paaralan ng anak kong si xamber. Sabi kase sakin ni amber kahapon na pwede daw akong dumalaw sa bata. Hindi naman ako Ang kadalasang kumukuha kay xamber dahil nahihiya siya sakin. Ngayon lang ulit ako sumundo sa kanya. kase Hindi na kami nag kikita sa bahay. Ayoko rin namang ipagpilitan Ang sarili ko sa anak ko dahil naging tampulan ito Ng tukso dahil sa akin.Alam kong Hindi normal Ang katulad ko naintindihan ko kung ayaw niya akong lumapit sa kanya sa school. Siguro paraan ko narin yon para protektahan siya kahit sino namang magulang gagawin Ang lahat maprotektahan lang Ang anak nila. kahit masakit at nakakababa sa sarili mo minsan ok lang para sa anak mo.
Masaya akong dumungaw mula sa malayo habang hinihintay Ang pag labas niya. Mag Isang linggo narin simula nung Kunin siya ng mommy niya paalis ng Bahay.sobrang miss ko na sila pero Wala akong laban sa mommy niya at nakikita ko namang masaya siya doon. Sino ba ako para sirain Ang kaligayahan ng anak ko?uunahin ko pa ba ang sarili Kong pabgungulila sa kanya?
"Anak! Xamber!"Ang nasasabik Kong tawag dito Ng Makita siyang lumabas Ng gate. Mabuti nalang walang gaanong tao sa labas.kumaway ako dito para mapansin niya ako.
Lumingon-lingon muna ito sa paligid Bago patakbong lumapit sa akin. Mabilis niya akong hinila sa kinatatayuan ko.hawak-hawak niya Ang kamay ko habang palayo kami sa lugar nayon.
Pagdating namin sa Lugar na Walang masyadong tao doon lamang siya tumigil sa pag takbo. Napatukod pa
ang kaniyang kamay sa tuhod dahil sa pagod."Naku basa na ng pawis Yung likuran mo nak,lagyan ko muna ng towel" kumuha ako ng towel sa bag ko at nilagyan ang basa niyang likuran madali pa naman itong ubuhin.
"Dada ihahatid mo Naman ako Kila daddy Brix at mommy diba?" Tanong niya sakin dahilan para matigil ako sa pag punas sa kanya.
"A-ahh oo Naman" tumunog ang telepono ko kaya tinignan ko muna kung sinong nag text.
Next time mo nalang patulugin sa Bahay mo si Xamber papasukat daw siya ni mom at ni Brix, ihatid mo nalang siya sa Bahay ni mom.
Sa bahay mo, bahay natin yon dati.
Tinignan ko ang anak kong naka masid sa paligid at nag pakawala ng Isang malalim na hininga. Ginulo ko ang buhok nito at ngumiti.
"Halika na nak punta tayo sa lola mo."
Habang nag lalakad kami pauwi diko maiwasang pagmasdan ang anak ko. Habang lumalaki ito mas nagiging kamuka niya ang mommy niya, mas maganda pa ata ito e. Matalino rin ito at sporty, Hindi ako maka paniwalang pitong taon natong baby ko parang kailan lang halos di ako maka tulog dahil mayat-maya ito ngumangawa.
"Nak happy kaba sa b-bagong family mo?"
Mabilis itong tumango at ngumite.
"Opo kase may mommy at Daddy nako pareho na kami ng classmates ko di na nila ako tinutukso." Ang masayang kwento nito.
Ngumite ako dito at yumuko para halikan Ang kaniyang noo. "Masaya akong masaya ka nak."
Pagdating namin sa bahay ni mam-mrs castillo nakakalaro ang malaking boxes. Sa di kalayuan Nakita ko si Amber at Brix na bagay na bagay Ang kanilang wedding gown at suit. Minsan koring pinangarap na makasal sa kanya sa harap ng aming pamilya. Pero tutol Ang ankan niya sa amin kaya patago kaming nag pa-kasal noon.
Hinayaan ko na tumakbo si xamber palapit sa kanila at ako nama'y mabilis na tumalikod Hindi ako nararapat dito.
"Ahh Xenon kain ka muna." Napatigil ako sa pag lalakad ng marinig Kong tinawag ni Brix ang pangalan ko.
"Naku Hindi nakapag luto na kase ako sa Bahay. lumapit siya sakin at hinila ako palapit Kay Xamber.
Gusto ko siyang sapakin at agawin Ang kamay Kong hila niya pero ayoko ng gulo. Lahat sila ay boto kay Brix, lahat sila ay nag papasalamat Kay Brix dahil sinalba nito si amber mula sa akin. Ganoon Bako kasama para pasalamatan si Brix na parang bayani? Nagmahal lang naman ako eh.
"Ang ganda naman ng anak ko." Pinigilan ko ang luha ko dahil ayaw ko isipin nila na mahina ako.
Hindi ko maiwasang mapa tanong sa sarili ko habang pinag mamasdan ang anak namin. kung natanggap kami ng pamilya niya ganito din kaya kagulo Ang sala namin bago kami ikasal ulit? Makikita korin kaya Ang anak kong Dala dala ang singsing namin?
"Right kamukhang-kamuka ni Amber." Napatingin ako kay Amber na nakatitig rin pala sakin. Sinuri ko ang kabuuhan nito at ngumite.
"Hmmmm, bagay na bagay din sa kanya ang suot" Sobrang ganda nito sa suot nitong wedding gown na may mga dyamante na design, para siyang Isang diyosa.
"Xenon I know, we did not have a good relationship but I hope to see you in our wedding." Ang Sabi nito sakin. Kung maki pag usap ito parang Hindi niya inagaw sakin ang babaeng mahal ko. hindi ako naka sagot dahil biglang tumunog ang telepono ko.
Kung sino man ang tumawag sakin ay lubusan akong nag papasalamat dito.
"P-pasensya na.....sasagutin kolang to. Congrats sa kasal niyo bukas." nagmamadali akong lumabas ng mansyon nila, doon nagsimula magsilabasan Ang luha ko.
"Hello?" Pinilit Kong pinakalma Ang sarili ko habang binabaybay Ang daan palabas Ng kanilang gate. Marahas kong pinunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko.
Kailan ba ito mauubos?, Sobrang unlimited Naman ata nitong luha ko.
"A-ate.....si mama.."napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko ang boses ng kapatid ko. Garagal ito at hindi kasing sigla kapag tumatawag siya sa akin.
"Bakit Leo, Anong nangyari kay mama?" Hindi ko maintindihan bakit bigla akong kinabahan.
Pakiramdam ko....pakiramdam ko may masamang mang yayari.
"Si mama.....wala na si mama ate.." Napatutop ako ng bibig ng marinig ko ang boses ni Leo.
"Paanong...bakit?...nag jojoke kalang diba?!" Ang umiiyak na tanong ko dito.
Wala na bang imamalas tong buhay ko?
"Inatake ito sa puso ate, nalaman niya kase na balita na ikakasal na si ate Amber. Ang kwento nito sa pagitan ng pag iyak. Napa upo nalang ako sa gutter at napa sabunot sa sarili.
Bakit?...bakit ang mama ko pa? Bakit hindi nalang ako? Bakit Ngayon pang kailangan na kailangan ko siya.
"U-uwi ako hintayin mo ako ha?"pag aalo ko dito. Meron pa si Leo. Nandito pa ang Kapatid ko. Kailangan kong maging matatag.
Lutang at Wala sa sarili akong umuwi sa Bahay. Nilingon ko ang paningin ko Dito at napa iyak. Walang kabuhay-buhay itong Bahay na ito. Di kagaya nung kompleto pa kami, noong panahong nangangarap palang kami ni Amber. Noong panahong nag mamahalan palang kami.
Tinatagan ko ang aking sarili at pumunta sa kwarto namin dati ni amber. Inimpake ko lahat ng damit ko. hindi ko alam kung kailan ako babalik Dito. Wala narin namang silbi kung mananatili pako dito dahil dadalhin na ni Amber si Xamber sa paris para sa Isang buwang honeymoon nila Brix doon. Sigurado namang akong aalagan nila ng maayos si Xamber.
Dumapo Ang paningin ko sa maliit na chocolate cake na binake ko kanina. Kumuha ako ng kandila at sinindihan Ang kandila dito.
"Happy birthday Xenon" Ang pabulong kong pag bati sa sarili ko. Mahina akong natawa sa kabaliwan ko at mahinang inihipan yon.
Walang lingon-lingon Kong iniwan ang bahay. Mahirap lingunin Ang mapait na nakaraan. Pilit ko mang tanggapin na Wala na ang dati kong buhay Hindi ko parin maiwasang malungkot at masaktan. Ang masayang alaala namin sa bahay nayan ay mananatiling nakaraan.
BINABASA MO ANG
Heart Desire (Desire Series #1)
Romansa[Editing] Xenon Leona Del Francia Amber Louisiana Castillo Xenon is inlove with a woman named Amber Castillo married a woman named Amber Castillo carried her child of the woman named Amber Castillo and divorced a woman named Amber Castillo. When eve...