06

433 33 2
                                    


"YOU'LL get through this, Angel.
Concentrate on your breathing. Good
job." Muli akong nagbalik sa reyalidad
nang marinig ko ang boses ni Thalia.

Unti-unti kong pinakalma ang sarili
habang mahigpit na nakahawak sa
mga kamay niya. Doon ako humuhugot
ng lakas.Alam kong hindi ako
papabayaan ni Thalia. I'll be fine.
"Good job, Angel. That's it. You're doing great." Napasandal ako sa dibdib nito pagkatapos kong kumalma.

Lupaypay ang katawan ko at parang hinigop ng kung ano ang lakas ko.
"What do you want, angel?" Ang malumanay nitong tanong habang taas-baba ang kanyang kamay sa likuran ko.

"Gusto kong magpahinga. Please?"
Inalalayan niya ako humiga. "Thalia, mabigat ako."

"It's fine and you're not heavy." I did not make a fuss dahil pati pagsasalita ay pakiramdam ko nakakapagod.

Sa tatlong buwan na nandito ako, kahit gaano pa sila kabuti sa akin hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng mga negatibong bagay.

May mga gabing hindi ako makatulog ng maayos dahil pakiramdam ko may kailangan akong maalala. Hindi ako makatulog kakaisip sa bagong buhay ko.

Kahit gaano ko pa subukang makibagay hinding-hindi ako babagay dito, kina Thalia at sa mga taga-isla. At natatakot ako sa kung anong naghihintay sa akin sa totoong mundo ko. May naghihintay nga ba?

Naguguluhan at nalilito rin ako sa mga bagay-bagay pero nahihiya akong sabihin iyon kay Thalia. Masyado na siyang busy sa trabaho niya ayoko ng dagdagan.

"Thank you, Thalia." Ang mahina kong pasasalamat dito ng malalayan niya ako sa kama.

"Do you want to eat?"Wala akong ganang kumain pero ayoko namang palipasan ng gutom ang anak ko. Tanghali na kasi at hindi pa ako kumain. Balak ko sanang makisabay kay Thalia at Zian. Kailangan kong maging matatag para sa mga taong mahal ko.

"Mhhm. Pero kaunti lang." Sagot ko dito.

"I'll be quick." Nag pahalik muna ito sa noo bago umalis para bumaba, napatawa nalang ako.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung hindi ko nakilala si Thalia. Hindi ko alam kung saan na ako ngayon kung hindi ako napadpad dito sa Isla. Siguro patay na ako ngayon.

LINGGO ngayon at todo paghahanda pa rin ang ginagawa ng mga taga-isla. Simula kahapon hanggang ngayong umaga ay naglilibot si Thalia kung may mga problema ba.

"Ija, pagsabihan mo nga iyang si Thalia na huwag i-overwork ang sarili.Everything is going to be fine." Ang nakabusangot na utos ni tita Helen sa akin, mama ni Thalia.
Dahil maayos na ang signal dito sa isla, kahapon pa nakikipag-videocall si tita sa amin.

"Sinabihan ko na po siya pero ayaw mapirmi.Pati si Aisen ay pinagsabihan na ito pero ayon at nilibot ang buong isla." Ang natatawa kong sabi dito.

"Masyado kasing perfectionist iyang babaeng 'yan. Anyway, nasaan na ba ang apo ko, ija? I want to see her."

"Nasa pool po, tita." Iniharap ko ang screen ng cellphone paharap sa pool at tinawag si Zian.Sobrang laki ng ngiti nito ng makita ang lola niya sa screen. "Hi po, lola! Nagustuhan ko po 'yong Doll house and Teddy bear na toy po. Pati 'yong pillow ni mama."

Narinig ko ang pagtawa ng matanda sa kabilang linya. "Para kay mama mo yong headache pillow bakit ka nakikigamit ha? When your lolo and I visit there, bibilhan kita ng human size barbie pillow."

Napasigaw at napatalon si Zian sa narinig mula kay tita Helen.

Tita Helen...kahit hindi kami personal
nitong nagkakilala pero sobrang bait
nito sa akin. Noong una ay natatakot
ako dito dahil may pagka-maldita at
bossy ang boses nito pag nagsasalita
but she have been nothing but good
to me. Sa halip na pandirihan o
pagtawanan ako, inalam ni tita ang
kondisyon ko. Nagulat ako nang
sabihin ni Thalia sa akin na bumili daw ng mga libro ang mama niya tungkol sa mga intersex. Sabi ni Thalia mahilig daw mag-aral at magbasa ang mama
niya kaya open minded ito sa mga
bagay-bagay.

"Angel, Zian, mag-lunch muna tayo. Hi, ma!" Kumaway ito sa screen ng cellphone bago inilagay ang tray na may lamang pagkain sa lamesa. Nakasunod pa sa kanya si Chiko, isa sa mga tauhan dito sa resort.

Nandito kami ngayon sa harap ng hotel ng isla at isa lang ang masasabi ko dito,pang-world class ang hotel na ito.Sigurado akong dadayuhin ito ng mga turista sa opening.

Sa kabila ng magandang istraktura ng resort sinisigurado rin ni Thalia na hindi masisira ang kalikasan at mapapanatili itong malinis.

"Hello, anak. Mabuti naman
at naisipan mo pang kumain.
Angel told me you didn't eat your
breakfast.Hindi ka rin nag-dinner
yesterday. Mas mauuna ka pa yatang
mamatay kesa sa opening niyang
resort mo." Ang sermon dito ni tita.
Parang batang napakamot na lang sa
ulo si Thalia habang pinapangaralan ni tita.

"Ma, I just want this to be perfect,
okay? In just an hour darating na
ang mga Castillo at mga bisita
nila."Ang narinig kong sabi nito.

Thalia is a confident woman, confident ito sa hindi mayabang na paraan,ngunit ngayon ay halata ang kaba sa boses niya.

Pinasuot ko muna ng pambatang roba si Zian bago ito tinulungang maka-upo sa pagitan namin ni Thalia. Nilagyan ko muna ng mga pagkain ang plato nilang dalawa bago ang akin.

"Why are you so nervous ba? It's just the Castillo. Huwag silang magkakamaling ipahiya iyang resort mo at makikita nila."

"Ma, naman!"

"I'm just kidding, ija. Don't worry kasi. Everything will be fine, ikaw pa ba? You're my daughter! Whatever you do is perfect. Look at my apo, kahit tamod lang ang nai-contribute ng magaling niyang tatay she looks perfect!" Ang masiglang sabi nito dahilan para mapa-ubo ako sa aking kinakain. Diyos ko, aatakihin yata ako dito kay tita.

"Lola, what's tamod po?" Kaming dalawa na ni Thalia ang napa-ubo sa tanong ni Zian. Tumawa lamang ng malakas si Tita.

"You will know someday apo kapag big ka na like your mama at Mommy. Tamod is-"

"Ma," saway ni Thalia dito.

"What? Sasabihin ko lang na adult word 'yon."

Napailing na lang si Thalia dito at napahilot sa noo. Dahil ayaw pa ibaba ni tita ang tawag, kumain na rin ito ng lunch niya habang naka-video call sa amin.Natatawa na lang ako sa kanilang dalawa ni Zian.

"Siya nga pala, Angel, ija. Nakita mo ba yong mga damit na binili ko. It's so beautiful right?"

Ngumite ako dito at tumango. "Opo. Nagustuhan ko talaga. Hindi ko po alam kung paano kayo pasasalamatan." Ang nahihiya kong sabi dito.

"Wag mo ng alamin, you taking care of my Daughter and apo is enough." Ang nakangiti nitong sabi sa akin.

Napatagil lang ang aming usapan ni tita nang dumating ang isang tauhan ni Thalia.

Nakasuot na ito ng kanilang uniporme at halatang kabado rin.

"Madam, malapit na daw ho ang barko ng mga Castillo." Yumuko si Thalia at tiningnan ang kanyang relos bago kami tiningnan. "Do you guys want to welcome them with me?" Tanong nito sa amin.

Hindi ako sumagot kaagad at tiningnan si Zian. Namumungay na ang mga mata nito at mukhang babagsak na. Hahaha! Ang cute talaga.

"Pwede bang ikaw na lang? Mukhang inaantok na tong si Zian."

Tumango siya at tumayo. "Sure.
Ihahatid ko na lang muna kayo
doon." Bahagya akong yumuko at
binuhat si Zian siya naman ay humarap sa screen ng cellphone. "Ma, magpahinga na po kayo. Don't forget to take your meds."

"Yes,yes. Sige na. Goodbye, Angel, Zian. Take care you guys. We will see you soon. Mwuah!" Kumaway kaming tatlo dito bago pinatay ni tita ang tawag.

"Angel, let's go." Nang mapadaan kami sa tabing dagat papunta sa bahay pansin ang kumpol ng mga taga-isla na tumatanaw sa unang mga bisita ng isla. Isang malaki at magarang barko ang papalapit na dito sa isla.

"You okay?" Napalingon ako kay Thalia na may nag-aalalang tingin.

"Okay lang ako. Tayo na."

"Tayo na?" Taas kilay niyang tanong habang nakangisi.

"HAHAHA! Tayo na po sa bahay." Baliw talaga.

Bago pa kami tuluyang nakapasok sa loob ng bahay, rinig ko pa ang pagsisimulang pagpapatugtog ng banda at mga hiyawan ng mga taga-isla.





Heart Desire (Desire Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon