10

545 41 5
                                    


"T-THALIA, nakokonsensya ako. May anak si Ange-si Xenon karapatan nilang dalawa ang malaman ang totoo. Why can't you just be honest with them? Dinadamay mo pa pati ang mga taga-isla."

Ang nag-aalala,kong sabi kay Thalia. Kahit ayaw kong manatili sa isang lugar na kami lang dalawa,naglakas loob talaga ako na pumasok dito sa kwarto.

Narinig ko kasi mula kay Xenon iyong tagpo nilang dalawa ng anak niya kanina. I think Thalia is being selfish this time.

"It's fine, I just want them to learn,a little lesson. This is not my plan though. Si mama ang may plano nito. Aisen Xenon was bullied and discarded by the Castillos like a fucking peice of trash. They don't,deserve her."

Ang sagot niya bago,sinindihan ang sigarilyo naka-ipit sa pagitan ng kanyang mga labi.

"And you do?" Ang kunot-noo kong,tanong dito.

"Maybe. I'm an bitch-I admit,that, but I'm better than that Amber Castillo." Anang sagot niya dahilan para mapabuga ako sa frustrations.

This isn't supposed to,be about the adults. Tungkol dapat ito sa mga batang naaapektuhan at maaapektuhan.

"Alam mong malalaman at malalaman pa rin ni Xenon ang katotohanan. What if she's going to hate you for this? Paano kung umalis na siya? Paano si Zian? Alam mong napamahal na ang bata sa kanya." Ang paliwanag ko dito.

Nagpatuloy lang ito sa paghithit ng sigarilyo niya habang nakatingin sa labas. "Thalia! You're not taking this seriously. Hindi mo ba iniisip ang kapakanan ng anak mo?!" Ang inis kong bulyaw dito dahil nanatili lang itong nakatulala sa labas.

"With the way you're acting you seemed to really care for my daughter.",Ang sa halip ay sabi niya na ikinatigil ko.Mariin itong nakatitig sa mukha ko. A-Anong alam niya?

"O-Of course..napamahal na rin sa akin ang bata." Ang sagot ko dito habang iniiwas ko ang aking paningin.

"Mmm. I heard you're going to Thailand.When is your flight?" Ang tanong niya. Mabilis na napabalik ang paningin ko sa kanya. Wala akong pinagsabihan tungkol doon.

"How did you know?"

"Narinig kitang may kausap sa telepono." Ang sagot niya. I wanted to get mad at her para sa pakikinig ng pribado kong tawag but I know she's just going to shrug it off. Malakas akong napabuga ng hangin.

"Next week, friday."

"Why?"  Nagtagpo muli ang kilay ko sa tanong niya. Why? Siguro dahil noong naisipan kong mag-apply sa isang school sa Thailand inakala kong nasa mabuting kamay na silang dalawa ni Zian.

The both of them no longer needs me dahil nandito na si Xenon. I thought it was already time to make an exit from their life.

Don't get me wrong, Xenon is a good person.Bagay sa kanya ang ibinigay na pangalan ng mga taga-isla Angel. She was indeed an angel who graced our life with her kindness and beauty.

Everyone was rooting for her and Thalia to end up with each other kaya akala ko iyon na. Akala ko oras ko ng umalis sa isla.

"Why-Ah...M-Maganda kasing opportunity 'yon. Alam mo namang,matagal ko ng gusto 'yon. Aalis na ako. Goodnight Thalia.

"Ang paalam ko sa kanya. I tried to sound normal. Ayokong mapansin niyang nagmamadali ako at gusto nang lumipad paalis dito sa kwarto niya. Hindi ko nagugustuhan ang tinutunguhan nitong pag-uusap namin.

"That was your dream pero bakit mo tinanggihan ang naunang offer sa iyo? You were supposed to fly to New Zealand but you turned down the offer at sumama sa amin."

Sabi niya na naging dahilan para tumibok ng malakas ang puso ko. Nanginginig na ang mga kamay ko at tagaktak ang aking pawis kahit sobrang ginaw dito sa kwarto niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heart Desire (Desire Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon