PROLOGUE

1.1K 45 4
                                    


"XAMBER bye na Kay dada. Mag behave ka dun ha? Matuto karen mag sleep mag-isa k-kasi big girl kana." Ang naka ngiti kong bilin sa anak ko.


"Opo dada" Ang naka ngiti niyang sagot sa akin.


"Very good talaga ang baby ko eh."Ang naka ngiti kong sabi dito at ginulo Ang buhok niya.lumagpas ang paningin ko sa aking anak, tumugil ito sa pigura ng babaeng minsa'y naging akin.


"A-Amber mag-ingat kayo sa daan." Ang Huli kong paalala dito. Nanatili ang ngiti sa aking mga labi habang sinasabi iyon.

Saglit kaming nagkatitigan pero binawi niya rin ang kaniyang paningin. "We will." Ang tipid niyang sagot at binitbit Ang maliit na maleta ng anak namin.

"Xamber let's go." Tawag niya sa anak namin. Ihahatid ko sila hanggang sa gate ng bahay.

"Amber tawag ko sa pinaka magandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko.

Isinara nito ang sasakyan at bumalik sa harapan ko. Tinanggal ko ang wedding ring namin at binukas ang palad niya.


"What is it."

"Amber I loved you for more than 10 years. Amber Castillo, you will always be my wife, my best friend, my partner the love of my life. I love you even if your love is no longer mine. Amber death didn't part us like what we vowed Infront of god. Humugot ako ng malalim na hininga at mahinang tumawa "Wag mong kalimutan kumain sa tamang oras at baka atakihin ka nanaman ng ulcer mo. Wag karin uminom ng madami. Good bye mmy. Mag-ingat kayo palagi ni xamber." Habilin ko sa kanya at itiniklop ang kanyang palad kung saan laman lahat ng aming pangako.

"Congratulations on your upcoming wedding with Brix. Sabi ko sa kanya at tumalikod na.

Mabilis akong pumasok sa tahanan kung saan puno ng aming mga alaala.kung saan namin pinanood ang paglaki ni xamber. Ang Bahay na puno ng alaala ay mananatiling taguan ng aking magandang panaginip

Mabilis Kong isinara ang pintuan at napa dausdus dito. Pinukpok ko ang aking puso dahil sa sobrang sakit nito.


Bakit? Bakit nawala ang lahat ng sakin. May kasalanan Bako sa diyos para gawin sakin ito.

Heart Desire (Desire Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon