09

442 44 2
                                    


NANDITO lang ako palagi sa bahay nitong nagdaang dalawang araw. Hindi ako gaanong lumalabas at lumalayo sa bahay.

Hindi ko na rin naihahatid,si Zian sa school nila.Palagi na lamang siyang dinadaanan dito ni Aisen.

Kasalukuyan akong nagsasampay ng mga damit ni Zian dito sa likuran,ng bahay nang maramdamang kong parang may naka masid sa akin mula sa malayo Inilibot ko ang paningin ko sa paligid,at wala namang ibang nakita bukod,sa mga matatayog na puno ng niyog.

Ngunit napataas ang aking kilay nang tumigil ang paningin ko sa pinakamalaking puno ng niyog.

Sumilay ang isang maliit na ngiti sa,aking mga labi nang makita ang isang maliit na ulo na sumisilip mula doon. Agad na nanlaki ang mga mata niya nang magtagpo ang mga paningin naming dalawa.

Malakas akong natawa sa reaksyon nito. "Hi!" Ang magiliw kong tawag sakanya."Xamber,right?" Lumabas ito mula doon habang nakayuko.

Hawak-hawak niya sa dalawang kamay ang laylayan ng kanyang damit. "Na-bored ka siguro. Nasa school kasi ang mga bata dito ngayon." Ang nakangiti kong sabi dito.

Pero hindi pa rin siya sumagot at patuloy lang sa pag yuko.,"Gusto mo bang kumain ng cookies?"Ang marahan kong tanong dito.

Umangat ang kanyang ulo at mabilis,na tumango sa akin.,"Upo ka muna doon." Sabi ko sa kanya habang itinuturo ang lamesa sa ilalim ng pergola.

Paborito ko iyong tambayan dahil nakaharap ito sa dagat. Tumakbo siya doon at ako naman,ay pumasok sa loob ng bahay para kumuha ng b-in-ake kong cookies,brownies at apple juice. May nakita,akong mga laruan sa lapag kaya,kinuha ko rin'yon at dinala patungo sa pergola.

Nadatnan ko si Xamber nanaka palumbaba sa lamesa habang nakamasid sa dagat.

"Pinaghintay ba kita?"Agad siyang napa ayos ng upo nang makita ako.

Umiling ito pagkatapos niyang marinig ang tanong ko.,"Hindi po. Cookies ko"Ang malakas niyang sigaw nang makita ang bitbit ko. Agad ko lyong inilapag sa lamesa at saka umupo ako sa kaharap niyang upuan. Kumuha ako ng baso at sinalinan iyon ng juice.

"Kain ka na," sabi ko bago ko itinulak papalapit sa kanya ang bowl na may lamang cookies at brownies.

Thank you po!" Ngumite ako dito saka kumuha rin ng brownies mula doon.

Hindi naman sa pinagyayabang pero itong cookies at brownies talaga ang pinakamasarap sa,mga gawa ko.

"Masarap ba?"Ang tanong ko dito.Tumango ito saka mabilis na lumamon.

"Oh dahan-dahan lang. HAHAHA!,Hindi ka naman mauubusan eh May cookies pa sa loob."

Hindi ito nakinig sa akin at patuloy,lang sa pagkain.Nagulat ako ng bigla itong yumuko nagpunas ngmukha.

"O-okay ka lang,nak?"Ang nag-aalala kong tanong dito.Dali-dali akong tumabi dito at pina-inom siya ng juice.

"B-bakit? Bakit ka umiiyak?Pangit ba ang lasa? Masakit ba ang tiyan mo? May masakit kabang nararamdaman?

"Ang taranta kong tanong dito habang sinisipat ang,kanyang mukha at katawan.

"H-Hindi po ba talaga kayo ang, Dada ko po.Bakit po pareho kayo ng cookies ng Dada ko?"

Ang umiiyak,niyang tanong Napakagat ako ng labi ko at marahang umiling dito.

"Hindi baby eh."Ang,malungkot kong sabi sa kanya.

"Miss na miss ko na po ang Dada,ko. Gusto ko ng umuwi sa house namin at tumabi sa Dada ko. Hindi na ako magba-bad.Palagi na akong
nagpre-pray para bumalik na ang,Dada ko pero hindi talaga siya bumalik po. Kapag bumalik siya,palagi ko na siyang iki-kiss saka hindi na ako sasama kay Mommy. Magiging good girl na ako."

Heart Desire (Desire Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon