BUSY ako sa pagde-decorate ng cake nang makarinig ako ng yabag ng paa mula sa entrada ng kusina. Lumingon ako dito at ngumite ng makita si Aisen na papasok.Gulo-gulo ang buhok nito habang humihikab.
"Good afternoon,Angel. Sorry late ako nagising. Akala ko kasi nasa bahay na ako." Ang nakanguso niyang saad bago umupo sa counter ng kusina.
"Si Thalia nga pala?"
"Good afternoon rin, Aisen.Nasa resort na si Thalia. Maaga siyang nagtungo doon."
Ang sagot ko bago ipinagpatuloy ang paglalagay ng strawberry sa ibabaw ng cake. "Kung nagugutom ka na may niluto akong lemon garlic tilapia, hindi ko lang alam kung magugustuhan mo."
"Lahat naman ng niluluto mo
masarap kaya siguradong
magugustuhan ko 'yan. Para kanino
pala yang cake?" Ang tanong niya
habang nakamasid sa ginagawa ko."Para kay Belle, hindi pa raw kasi siya nagkaka-cake. May isa rin akong binake kanina, nag-request kasi si Zianna na gusto niyang bigyan ng cake ang kaibigan niya." Ang magiliw kong pagkwe-kwento dito.
Habang nandito sa bahay nakahiligan ko ng mag-experiment ng luto at pagbe-bake. Noong una ay nahihiya pa ako pero kalaunan ay naging komportable din naman ako. Lalo na n'ong pinadalhan ako ni tita Helen ng mga pang-bake.
"Alam mo, nakakainggit ka." Ang nakapalumbaba niyang saad na nagpa-alarma sa akin. "Pero not in a bad way, no! Gusto ko rin kasing matuto mag-bake at magluto kaso parang ayaw sa akin ng kusina. Hanggang lamesa lang yata talaga ako." Pareho kaming natawa sa huli niyang sinabi.
"Marami namang tutorial sa youtube. Lalo na ngayon na mas malakas na ang internet pwede ka d'on manuod. Saka pwede ka namang pumunta dito, hindi ako ganoon kagaling pero may kaunti naman akong alam." Ang sabi ko dito.
"Thanks.Si Z-Zian? Nasaan?"
"Nakikipaglaro sa mga kaibigan
niya.Pagkatapos nilang magtanghalian dito at magpahinga saglit bumalik na naman sa labas." Ang naiiling kong sabi."I see.Masaya ako na may nag-aalaga na dito ng mabuti. Pansin kong mas sumigla pa ito ng dumating ka. Sana hindi ka magsawang alagaan at mahalin siya." May maliit na ngiti sa kanyang mukha. Nakangiti si Aisen pero bakit pakiramdam ko malungkot ito?
"Hindi naman siya mahirap mahalin.Malambing at mabuting bata si,Zian.Kahit sino naman siguro ay gustong alagaan ang cute na batang 'yon." Ang saad ko habang nakatuon ang buong pansin sa cake.
Hindi ko na ito narinig magsalita kaya tiningnan ko ang pwesto nito.Nakita kong kagat-kagat niya ang kanyang mga labi habang nakatitig sa kawalan.
"Aisen? Okay ka lang?" Ang tanong ko dito. Kumurap-kural ito saka humarap sa akin.
"Hmn..gutom lang siguro ako." Ang nakangiti niyang saad bago tumayo mula sa pagkakaupo. Naglakad ito papunta sa lamesa saka umupo doon.
"Kain tayo, Angel." Ang narinig kong pag-aaya niya na mabilis kong tinanggihan.
"Kumain na ako, Aisen. Thank you." Tumango lang ito saka inabala ang sarili sa pagkain.
Pagkatapos kong ibalot ang dalawang cake,muli akong nag-bake ng mga brownies at cookies para sa mga kaibigan ni Zian.
This time ay tumulong na si Aisen sa akin. Noong una ay para pa itong maiiyak dahil iba ang kinalabasan ng cookies niya.
Pinagawa ko kasi siya sa ibang bowl. Muli ko itong tinuruan mula sa una saka siya gumawa ng bago. Pareho pa kaming napapalakpak ng makita ang kinalabasan ng cookies niya.
"Sa tingin mo magugustuhan to ni Zian?" Ang tanong niya sa akin habang yakap-yakap ang tupperware na may lamang cookies na ginawa niya.
"Sigurado!" Ang pagpapalakas ko ng loob dito. Narinig ko mula kay Thalia na si Aisen ang tumutulong sa kanya dati sa pag-aalaga kay Zian nang lumipat sila dito kaya siguro close sila ng bata.
BINABASA MO ANG
Heart Desire (Desire Series #1)
Romance[Editing] Xenon Leona Del Francia Amber Louisiana Castillo Xenon is inlove with a woman named Amber Castillo married a woman named Amber Castillo carried her child of the woman named Amber Castillo and divorced a woman named Amber Castillo. When eve...