After that incident, hindi na ako makausap ng maayos nila Tita... as in.
Madalas akong tulala for the whole evening. Hindi ko rin alam ano nang nangyayari sa'kin. Isa lang ang alam ko. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang takot at kaba sa nangyari kanina.
Nathan looks so scary... no, I mean, Jungwon. Jungwon is his name right? Or alyas? Ah basta. Hindi si Nathan 'yun. Imposible. Hindi ganoon si Nathan.
He's caring and soft when it comes to me. Hindi niya hinawakan ang kamay ko ng sobrang higpit to the point that he's already hurting me. Never ako nithreathen ni Nathan.
He will never be Nathan. At hinding hindi na ako pupunta doon.
Ang mahalaga, nakuha ko na ang dapat kong makuha. Napatingin ako sa bracelet ko na nasa kamay ko na ngayon.
Isa lang ang hiling ko sa pagtulog ko. Wag ko na sana yun mapanaginipan... and sana, makalimutan ko na siya paggising.
~~~
"Uy, Lia? Ayos ka lang ba?"
Natauhan ako nang may kumalabit sa balikat ko. Agad akong tumingin sa taong kumalabit sa akin at nakita ko si Sean.
"Ha?"
"Ang sabi ko, ayos ka lang? Kanina pa kita tinatawag te. Break time na oh. Tara na! Marami nang tao niyan sa canteen."
"A-ah... sige sige." Dahan-dahan akong tumayo at sasabay na sana kela Ni-ki at Sean palabas ng classroom nang may humawak sa wrist ko dahilan para agad kong itulak ang taong humawak sa wrist ko.
Agad akong napatingin sa taong humawak sa wrist ko and si Nathan lang pala iyon...
"S-sorry." I said and smiled apologetically at him.
He just looked at me, kitang kita ko ang pagaalala sa mukha niya.
"Did something happen?" He asked at agad akong umiling.
"W-wala naman. Pagod lang yesterday." I said and gave him an assuring smile.
"Are you sure?" He asked once again, kaya muli akong tumango. "Hindi ka na dapat nagabala pang hanapin yung bracelet. I can buy a new one for you naman."
I chuckled. "Ayos lang! I found it naman na!" And I showed him the bracelet I'm wearing.
I saw how he smiled. Sus, kunware pa 'to. Gusto niya rin namang makita ko na 'yung bracelet!
"Naks, nakita mo pa rin pala." He said.
"Syempre, ako pa ba?" Sabi ko in a mayabang tone which made him ruffle my hair.
"Tapos na ba kayo?" Biglang sabat ni Ni-ki, dahilan para mapatingin kami ni Nathan sa kanila.
Nakatingin silang lahat sa amin, yung iba parang nangaasar pa nga.
"Yeah. Tara, kain na tayo." Nathan said at bigla akong inakbayan. Bigla namang lumakas ang kabog ng puso ko dahil doon.
Sabay-sabay kaming magkakaibigang lumabas ng classroom at naglakad papuntang canteen. Hindi naman kami sikat, pero maraming kinikilig sa amin ni Nathan. Enebe kasama na ako doon, joke. Pero kasi matagal na talaga kaming shiniship ng mga tao rito. Ewan ko rin, nahulog siguro ako lalo dahil nagpadala ako sa pangaasar nila HAHAHAHA.
Nang makarating kami sa canteen, we split up. Sila Nathan ay pumunta doon sa mga stalls while kami ni Sean ang naatasan na humanap ng mauupuan namin.
Nakakita naman agad kami, mabuti nalang at tumayo agad 'yung grupo ng magkakaibigan doon sa may dulo. Umupo agad kami ni Sean at every time may gusto umupo katabi namin, sinasabi namin na hindi pwede dahil may mga kasama pa kami.

YOU ARE READING
Beyond the Border (COMPLETED)
Fanfictionwritten in taglish. unedited. Do you believe in parallel universe? What about in vampires? Alliyah Park does. She believes in every magical creatures, even though most sounds so... unrealistic. But a necklace changes her world. A necklace, which tur...