Chapter 5.

290 13 0
                                    

Hindi ako nakatulog ng maayos buong gabi. Napapanaginipan ko kasi na kinagat ako ni Nathan.

AHHH ewan ko ba! Paano ba nagkapangil si Nathan?

Hindi kaya... namamalik-mata lang ako kahapon? Hindi kaya dahil kakaisip ko kay Nathan at sa naudlot naming usapan... akala ko nakita ko siya?

Kasi.. imposible. 'Yung pangil... tapos 'yung kulay pa ng mata niya... para bang bampira siya na ewan.

Mariin kong iniling ang ulo ko, na para bang mawawala ang imahe na 'yun sa isip ko at makakalimutan ko na 'yun. Kasi ang imposible. Napakaimposible na magkaroon ng bampira! Imposible iyon... kasi... basta, imposible!

Ako na din pala ang sumagot ng tanong ko sa kung totoo ba ang bampira. Basta imposible 'yun.

Malamang namamalik-mata nga lang talaga ako kahapon.

Agad akong tumayo nang mag-alarm ang cellphone ko. Halos wala pa sa limang oras ang tulog ko. Babawi nalang ako mamaya pag-uwi. Bukas pa makakauwi sila Charles kaya wala pa rin akong kasama dito ngayong araw.

Nagising ang diwa ko ng kaunti pagkatapos kong maligo. Kumain na din ako, nagluto lang ako ng sunny side up egg bilang almusal. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng buhok ko. Hindi naman ako magaling magtali ng buhok kaya ponytail lang ang ginawa ko.

Nang matapos ko nang maayusan ang sarili ko, umalis na ako ng bahay. Sumakay muna ako ng tricycle papunta sa bus stop at pagkadating na pagkadating ko sa bus stop, sakto naman na kakadating lang din ng bus kaya sumakay na din ako agad.

Nang makahanap ako ng mauupuan sa bus at nakapagbayad na ng fare, binuksan ko muna ang cellphone ko. Grabe, baka madami nang chats ang mga kaibigan ko.

At tama nga ang nasa isip ko. Tinadtad ba naman ako ng mga kaibigan ko ng chats. Nagscroll down ako ng nagscroll down hanggang sa nakita ko ang chat ni Nathan. Private message siya. Naalala ko nanaman ang nakita ko kahapon.

Umiling ako sa sarili. Wala 'yun, Lia. Wala.

Binuksan ko ang chat niya at nagreply. Ganoon din ang ginawa ko sa chat ng iba kong mga kaibigan. 'Yun lang ang ginawa ko buong byahe papunta sa school, at nang makarating na kami sa bus stop na malapit sa school, pinatay ko muna ang phone ko at bumaba ng bus.

Pagkatapak ko sa school premises, para bang may nakalimutan ako na ewan. Hindi ko din alam bakit naisip ko iyon eh mukhang wala naman akong nakalimutan.

Ipinagwalang bahala ko nalang ito at nagpatuloy sa pagpunta sa classroom namin. Pagpasok ko ng classroom, agad akong kumaway kay Sean na siyang kumaway din sa akin. Nandito na din ang iba naming mga kaibigan.

Inilagay ko ang bag ko sa upuan at pumunta sa kung saan nakakumpol ang mga kaibigan ko. They started ask questions about what happened on that night. I filled them in about Charles' situation.

"I can tell my Mom about it." Sabi ni Jake. "Malamang hindi na kayo pagbabayarin ni Mom niyan kapag nagpa-chemotherapy na si Charles since magkaibigan naman Mom ko and si Tita Trisha."

I smiled at him. "That would be great. Sabihin ko muna kay Tita, then I'll tell you kung anong sagot ni Tita."

"Okay then." Sabi ni Jake at nagsimula na kaming magkwentuhan tungkol sa kung saan-saan.

Napansin ko na nakatingin lang si Nathan sa akin. Tumingin ako sa kaniya at nginitian siya, ngumiti din siya sa akin.

After ilang minuto lang, I excused myself dahil pakiramdam ko na-flat ang pwet ko kahit na hindi naman ganoon katagal ang pag-upo ko sa lapag. Tumayo muna ako at umupo na sa upuan ko. Maya-maya naman ay magsisimula na din ang klase niyan.

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now