Epilogue.

323 20 1
                                    

Nathan's POV

"Do you believe in vampires?" Alliyah asked curiously at us dahilan para matahimik kami.

The world's cruel. Bakit si Alliyah lang ang makakalimot? Bakit hindi rin kami?

Bakit hindi rin ako?

"No." Mariin kong sagot, which caught the others' attention. Tumaas naman ang kilay ni Alliyah.

"Paano mo naman nasabi?"

"I just know they don't exist." I said plainly, at buti nalang ay hindi na nagtanong pa si Alliyah tungkol doon.

Sean diverted the topic. Ngayon ay pinaguusapan namin ang paparating na buwan — February. Birth month namin ni Alliyah yun.

~~~

It's already the third day of February, which means it's Alliyah's birthday already.

Hindi ako makakapunta sa birthday party niya ngayon dahil may pupunta ang pamilya namin. Kahit sa pangalawang pagkakataon, hindi pa rin ako nakaattend sa birthday party niya.

Pero ang alam ko ay nung birthday niya mismo natanggap ang kwintas. Hinihintay ko nalang ang chat ni Sean.

We just wanted to confirm kung... wala na ba talaga. Kung hindi na nga mauulit ang nakaraan.

Speaking of, nagvibrate ang phone ko at tumambad sa screen ang chat ni Sean.

Sean

Sean:
Wala siyang suot na kwintas.

Somehow... nakahinga ako ng maluwag.

Nathan:
Okay.

Sean:
I asked her na rin para sure, kung wala bang binigay si Tita Trisha sa kaniya. Sabi niya wala naman daw.

Nathan:
Hindi naman siya nagtaka bakit ka nagtanong sa kaniya?

Sean:
Medyo naweirduhan siya, pero nakalimutan niya rin agad yung tungkol dun.

Nathan:
Oh, okay. Enjoy.

Sean:
Ingat din kayo.

Nathan:
Yep, thanks.

And I turned off my phone.

Sana nga... sana hindi na talaga maulit ang nangyari noon.

~~~

Nagkasakit pa rin si Charles.

Nandito kami ngayon sa labas ng ospital. Hinahatid ako ni Alliyah palabas dahil magsstay muna siya sa ospital kasama sila Tita Trisha.

"Ingat ka." Aniya at tatalikod na sana nang hawakan ko ang kamay niya.

Baka ito na talaga yung tamang oras para umamin sa kaniya. Sinayang ko lang yung pagkakataon noon. Pero now that I'm given a second chance...

"Alliyah." Pagtawag ko which makes her look at me.

She's so beautiful. Hindi siya nakakasawang tignan.

Tumaas ang kilay niya, "Bakit?"

Binitawan ko na ang kamay niya before clearing my throat. Napatayo pa ako ng maayos.

Sandali... di ko gaanong napaghandaan to pero gusto ko nang umamin agad.

Magpapaligoy ligoy ba ako o—

"Gusto kita." I suddenly blurted out dahilan para maging ako ay magulat.

Tumaas lalo ang kilay niya. "H-ha?" She asked.

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now