Chapter 9.

258 16 0
                                    

TW: This chapter contains a character's death.


Walang mapagsidlan ang saya na nararamdaman ko mula nang marinig ko kay Charles na tutuloy siya sa chemotherapy. Hindi man ganoon kasigurado na maisasalba talaga siya nito, nagkaroon pa rin ako ng pag-asa na gagaling siya. Kahit na kaunting porsiyento lang na may tsansang mabuhay siya, ayos na ako doon.

Ang mahalaga, kahit papano ay makakasama namin siya nang matagal.

"Pero, pwede po ba akong humiling bago ako magpa-chemotherapy?" Charles asked dahilan para lahat kami ay mapatingin sa kaniya.

"Sige lang, anak. Ano ba iyon?" Tita Trisha asked.

"Pwede po ba lumabas tayo bukas? Tapos picture po tayo? Balita ko po kasi, hihina lalo ang katawan ko kapag nag start na po ako magpa-chemotherapy. Gusto ko po na may picture akong kasama kayo habang mukha pa akong malusog." He said gently. Dahil doon ay parang maiiyak nanaman ako.

Napatingin sa akin si Tita Trisha. I already know why she's looking at me like that.

May pasok ako bukas. Malapit na rin ang midterms exam namin kaya dapat hindi ako lumiban.

Pero minsan lang humiling si Charles. Hindi ko rin siya matitiis. At saka isa pa, isang araw lang naman akong aabsent.

But who am I kidding? Maraming pwedeng ituro ang mga guro namin sa isang araw lang. Pero wala na akong pake.

Alam kong pagsisisihan ko rin in the future 'tong iniisip ko pero, wala na akong pake kung bumagsak pa ako ngayong midterms. Sasama ako bukas. I'll grant Charles wish.

I'll be with them tomorrow.

Lumuhod ako sa harap ni Charles para magka-level na kami and I held his hand while smiling at him.

"Sige lang, Charles. Ikaw ang susundin namin. Gagawin natin ang mga gusto mong gawin bukas, okay?" I said and I smiled to myself when I saw him smile widely at me na para bang siya na ang pinakamasayang tao sa buong mundo.

He deserves all the happiness in the world.

"Yehey, salamat, Ate!" He said and hugged me, making me hug him back.

Nagpaalam na ako sandali na magpapalit muna ako ng damit at hinayaan naman nila ako. Agad akong dumiretso sa kwarto ko and after a few minutes, pagkatapos kong makapagpalit ng damit, I immediately took my phone para ibalita sa mga kaibigan ko ang nangyari ngayon ngayon lang.

pitong gwapo, sabit lang si lia

Lia:

Hi, tao po

Benjamin:

Pogi lang

Sean:

Baho

Ni-ki:

Asim

Benjamin:

Grabe ka na 2022

Jay:

Sira HAHAHAHAHA

Btw, ano pala 'yun, Lia?

Lia:

Charles decided to undergo chemotherapy!

Ethan:

Uy good news yan ah

Jake:

That's great! I'll pray na sana maging maayos din siya

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now