Chapter 16.

215 14 0
                                    

TW: mentions of getting killed

"So, where is she?" Delilah asked impatiently.

"Wala." Jungwon answered in gritted teeth. Pinipigilan niya lamang ang sarili niyang gumawa ng hindi maganda lalo na nang malaman niyang tita pala ni Lia ang taong nasa harapan niya ngayon.

"Do you want me to search the whole house for you?" Inis na sabi ni Delilah. She looks pissed.

"Wala nga siya rito. Umuwi na siya." Inis naman na sagot ni Jungwon at halatang nagtitimpi nalang siya.

"Oh." Ani Delilah, then she smirked. "Then wait for her at the portal."

Tumaas ang kilay ni Jungwon. "Para saan pa? Hindi na siya babalik."

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Delilah sa sinabi ni Jungwon.

"Don't worry, I made sure she'll come back."

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Hindi nila gaanong naintindihan ang sinabi ni Delilah. Pero Jungwon knows one thing.

She's up to no good.

~~~

Alliyah's POV

Nang makaapak na ako ulit sa premises ng gubat sa village namin, biglang nagsara na ang lagusan.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas ay nakabalik na ako sa mundo namin. Makakauwi na ako! Shocks, miss na miss ko na sila Tita.

Pero... bakit ganun? Bawat hakbang ko... parang ang bigat sa loob.

Para bang ayaw ng mga paa kong dalhin ako pabalik sa bahay... parang mas gusto nalang nilang nagstay rito sa gubat.

Pero kahit na ganoon ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Although may something sa atmosphere ng village.

Parang... ang lungkot.

Mas lalong bumibigat ang mga hakbang ko ngayong malapit na ako sa bahay. Bakit parang walang tao?

Shet... lumipat na ba sila Tita ng bahay?

Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at nang makarating na ako sa labas ng bahay, kumatok ako sa pintuan, umaasa na sana hindi pa talaga sila lumipat.

Na sana may aabutan pa ako rito.

I heard the doorknob click, indicating na may nagbubukas na ng pinto and when it opened, it revealed Jungw— I mean, Nathan.

Fudge, ngayon ko lang narealize na sobrang kamukha niya si Jungwon.

Kumunot ang noo nito na parang di makapaniwalang nakikita niya ako.

"Alliyah? Ikaw ba talaga yan?"

"Hi." I said at ngumiti ng tipid. I was expecting na he will hug me pero... he didn't.

Tumaas ang kilay niya.

"Akala namin wala ka na." Aniya, at biglang naging seryoso ang mukha niya. "Saan ka pumunta?"

Napakamot ako sa batok. "Sa tabi-tabi." Pagsagot ko. Then I tried to take a look inside the house from the outside kahit hindi ko masyadong makita ang loob dahil sa katangkaran ni Nathan. "Ano palang ginagawa mo rito? Hindi ba nailibing na si Charles? Or... hindi pa? Na-move ba? Sila Tita, nasaan?" Sunod sunod na tanong ko dahil hindi talaga ako makapaghintay na makita sila Tita.

Alam kong nagalala sila, kaya I feel really bad. Ang tanga tanga ko rin kasi eh, nagpadala ako sa emosyon.

"Tita and Mia are gone, Lia." Ani Nathan dahilan para tumaas ang kilay ko.

"Ha? Lumipat na ba sila?" I asked at parang lumungkot ako bigla.

"Wala na sila, Lia. They were killed. Just like how Charles was killed."

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now