Chapter 7.

287 15 0
                                    

I immediately excused myself sa tindera at kay Sean nang maalala ko na kung saan ko naiwan ang bracelet ko.

"Saglit, saan ka pupunta?" Sean asked after he also excused himself sa tindera at sinundan niya ako.

Baka mangyari nanaman ang nangyari nung nakaraang linggo kaya hindi ko na muna isasama si Sean until alam ko na kung ano ang nangyayari, at kung ano ang gagawin.

"Naalala ko na kung saan ko naiwan 'yung bracelet ko." I answered habang naglalakad kami papunta sa may tricycle-an.

"Talaga? Sama ako!" He offered but I immediately shook my head.

"Ayos lang, ako nalang. Chat nalang kita mamaya kapag nakita ko na." I said and once na nakalapit na kami sa may tricycle-an, agad akong lumapit sa isa sa mga tricycles. "Una na 'ko, bye!"

Agad akong sumakay sa tricycle at sinabi sa driver ang address namin. Hindi ako mapakali sa upuan ko. Kapag wala pa iyon doon, iiyak na talaga ako.

Naalala ko lang kasi na noong nakaraang Linggo lang, pumunta ako sa forest sa may village namin. At naalala ko rin na napaupo ako sa lupa noon nang umatras ako mula sa wall sa kaduluduluhang bahagi ng forest. Malamang natanggal ang bracelet ko nang hindi ko napapansin.

Kakaoverthink sa maaaring mangyari mamaya pag punta ko sa forest, hindi ko na namalayang nandito na kami sa labas ng village namin. Halos tatlong beses pa akong tinawag ni Manong tricycle driver at tinanong niya pa kung ayos lang ako pagkababa ko ng tricycle. Ngumiti ako at tumango bilang tugon bago ko siya bayaran at magpasalamat.

Agad akong dumiretso sa forest without even looking at our house when I passed by it. Sana talaga tama ang naiisip ko.

Habang naglalakad papunta sa forest, nakakaramdam ako ng pagod sa paglalakad dahil sa dulo pa ng village ang forest. Gosh, bakit hindi ako nakaramdam ng pagod noong una akong naglakad papunta sa forest last Sunday?

Once I set my foot on the boundaries of the forest, I took a deep breath before continuing to walk. Lumilinga linga ako sa paligid as I find something shiny, something na pwede kong masabing bracelet ko. While doing that, sinusubukan ko rin alalahanin kung saang gawi ako pumunta. Ang natatandaan ko lang kasi dire-diretso lang ako. Pero baka mali ako ng natatandaan... hay bahala na. Kung kailangan ko pang libutin buong forest para lang makita ko yung bracelet ko, gagawin ko.

It's something valuable and important to me. Friendship bracelet namin yun ni Nathan for fuck's sake. At kung sakali mang ireject niya ako once na umamin na ako sa kaniya, kahit papano may dala-dala akong alaala ng pagkakaibigan namin — which is yung friendship bracelet.

I stopped walking nang maabot ko na ang dulo ng forest. Isang malaking wall ngayon ang nasa harap ko. Heto nanaman tayo.

I braced myself as though I was expecting na mangyayari ulit yung mangyayari noon, pero after ilang minutes wala namang ganap.

Once I took a step closer, biglang may nagliwanag nanaman, pati ang necklace ko ay nagliwanag dahilan para takpan ko ang mukha ko dahil sa nakakasilaw na liwanag sa harap ko ngayon.

Hindi ba nagtataka ang mga tao sa village kung bakit may nakakasilaw na liwanag mula sa forest? Marami pa namang tumatambay sa labas ng bahay nila tuwing Linggo.

Nang mapansin kong wala na ang liwanag, unti-unti kong tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko and unconsciously, I looked at the ground — and it was as though nagkapagasa ulit ako nang may makitang silver thingy.

I bent down and reached for it and para akong nabunutan ng tinik nang makita ko iyon ng malapitan.

'Yung bracelet ko! Finally, nakita ko na!

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now