Days passed and I noticed Nathan started to act so... weird whenever he's with me. Hindi in a bad way ha. It's just that...
He suddenly started to be so.. sweet towards me?
Ewan, baka ako lang din pala ang nagbibigay lang ng meaning pero kasi, hindi niya na ako inaasar masyado o binubwisit. He's being nice na and caring... not that he wasn't nice and caring before.
Naging extra lang siguro pagiging nice and caring niya? To the point na nag-aassume ako na may gusto na din siya sa akin.
Pero hindi dapat ako magpadala sa mga ganiyan lang. Maaaring kaya naging ganiyan ang pakikitungo niya ay dahil nasa legal age na ako. At baka mapatay ko siya sa sobrang inis at makulong ako dahil sa kaniya— joke lang.
I just tried hard not to give meanings to his gestures kasi he's my friend so it's okay, and normal, na ganoon ang pakikitungo niya. Although hindi bagay sa kaniya, e siya na ang bahala basta ako, eto ako. Maganda lang.
Sa ngayon, I'm preparing for his birthday. 'Yung pangit na 'yun — na pogi lang dahil crush ko, joke — ay 18 na din sa wakas. Pwede na kami mag-inuman, joke ulit.
Kahit na ganito ako mag-isip, sa totoo lang, sobrang conscious ko ngayon sa itsura ko. Gusto ko maayos ang itsura ko, maganda ako tignan. Kaarawan ni Nathan ngayon aba, at aamin ako ngayon. Kung irereject man ako ng lalaking 'yun (hindi ko minamanifest na irereject niya ko, though), dapat maganda padin ako kahit na-reject ako.
Joke lang.
Syempre kaarawan ni Nathan. Kailangan presentable ako lalo na at birthday party ng iba ang pupuntahan ko. Mabuti na nga lang at nandiyan si Tita Trisha para tulungan akong pumili ng damit.
I'm now wearing a simple onahau-colored dress with a few beads attached on it. Tita Trisha helped me with my hairdo dahil alam niya kung gaano ka-espesyal ang araw na ito para sa akin. She also knows I'm about to confess.
"Handa ka na ba?" Tanong ni Tita pagkatapos niyang maayos ang buhok ko. "Handa na ba puso mo?"
Huminga ako ng malalim. Matagal-tagal ko na din itong kinikimkim. It's time to let it out.
It's time to tell him.
"Handa na." I responded, with determination in my voice.
Pagkalabas namin ng kwarto — dala-dala ko na ang mga gamit ko maging ang regalo ni Nathan which is 'yung sapatos na nabili ko at scarf na ako mismo ang nagtahi — sinalubong kami nila Mia at Charles.
"Wow, kamukha mo na si Barbie, Ate Lia!" Ani Mia dahilan para matawa ako.
"Talaga?" Tanong ko once I bent down para magka-level na kami ni Mia. She nodded in a cute way which made me pinch her cheeks.
"Si Kuya Nathan si Ken." Sabi ni Charles dahilan para tumingin ako sa kaniya. Ngumisi lang siya sa'kin. Ang batang ito talaga.
Pinisil ko nalang din ang pisngi niya at niyakap sila, as well as Tita Trisha, one last time before ako umalis ng bahay. Nakalayo na nga ako sa bahay at papunta na sa sakayan ng tricycle pero kumakaway padin sila sa akin mula sa labas ng bahay namin dahilan para matawa ako lalo.
Kahit papaano naibsan ang kaba na nararamdaman ko dahil doon.
Pagkasakay ko ng tricycle, sinabi ko agad kay Manong ang address ni Sean. Sabay kaming pupunta kay Nathan dahil pinakiusapan ko siya. Nakakahiya din kasi kapag ako lang mag-isa ang pupunta doon. Balita ko marami daw bisita si Nathan eh.
Once I arrived at Sean's house, naabutan ko siyang naghihintay sa labas. Mabuti nalang at nakahanda na siya, akala ko pa naman kailangan ko pa siyang gisingin kaya nagmamadali akong pumunta sa bahay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/293035941-288-k244181.jpg)
YOU ARE READING
Beyond the Border (COMPLETED)
Fiksi Penggemarwritten in taglish. unedited. Do you believe in parallel universe? What about in vampires? Alliyah Park does. She believes in every magical creatures, even though most sounds so... unrealistic. But a necklace changes her world. A necklace, which tur...