Chapter 10.

218 12 0
                                    

TW: Mentions or thinking of suicide.


Buo na ang desisyon kong bumalik sa kung anoman ang tawag doon.

Alam kong mas maganda sana kung i just hanged myself pero ayoko. Gusto ko bawian ako agad ng buhay. Mabilisan.

Tutal those beasts are craving for my flesh. Mabilisang pagkamatay lang din, diba?

Pero hindi ako pwedeng lumabas ng bahay through our door. Maraming makakapansin sa akin.

Then I suddenly thought of Tita Trisha and Mia.

I'm sorry... pero mas maganda nang wala ako. Kung pwede nga lang na mabuhay si Charles kapag nawala ako eh... I can't bear living in a life without him... I'm so sorry Tita for being weak... Mia, be strong for Tita, okay? I left some money in my drawer, baka sakaling makatulong. Sorry kung kaunti lang 'yun Tita. Hayaan mo, isa nalang ang aalagaan mo. You don't need a lot of money na. Mag-iingat kayong palagi.

Nagmamahal,
Alliyah

I left the note on top of my desk.

Hindi ko pa talaga napagiisipang mabuti kung paano ako makakaalis ng bahay nang hindi nakakaattract ng attention, basta I'm going to aim for my goal. Which is to die.

Walang second floor ang bahay. May bintana dito sa kwarto pero marami kasing tao sa labas.

Pag naman naghintay pa ako nang matagal, baka di na ako makalabas. Bahala na.

Aktong bubuksan ko na ang bintana nang magkagulo ang mga tao sa labas. Sumilip ako sa bintana at nakita ang isang van papunta sa amin. I sighed. It's the Mayor.

Ewan, di ko lang talaga siya bet. Wala naman siyang masyadong ginawa para sa city. Kumbaga, display lang siya para masabing may city mayor kami pero ang totoo, wala naman siyang ambag.

Totoo 'yung sinasabi ko. Lahat ng mga tao rito alam na walang ambag 'yang mayor na 'yan pero nagbubulag-bulagan sila dahil lang sa pogi raw.

Hay, nakakabulag talaga ang panlabas na anyo.

Anyways, napansin kong nakuha ng mayor ang lahat ng atensyon ng mga tao rito sa amin, kaya wala nang masyadong tao sa labas ng bahay — which means I can now execute my plan.

Dahan-dahan kong binuksan ang bintana and was about to go nang may kumatok sa pinto ko.

"Ate Lia?"

It was Mia.

Her voice... shocks, parang may kumurot sa puso ko nang marinig ko ang boses niya.

"Ate..." I heard her call out again.

I left my window open at lumapit sa pinto. I wanted to hug her one last time before I go pero... hindi ko yata kakayanin pag nakita ko pa siya bago ako magpalamon sa mga hayop na nandoon sa lugar na iyon.

"Ate, I miss you po..." I heard her softly say on the other side of the door. Kusang tumulo ang mga luhang kanina pa gustong tumulo. "Ate, mahal na mahal po kita. Hindi niyo po kasalanang wala na si Kuya Charles, Ate... kinuha na siya ni God... safe na si Kuya kasi he's in the hands of God na..." She said.

Napapikit nalang ako, baka sakaling tumigil na sa pagtulo ang mga luha ko, at tinakpan ko ang bibig ko para hindi marinig ni Mia ang mga hikbi ko.

"Ate, stay strong, ha? For Tita, for Kuya, for me..." Mia said.

Para bang may nag-push sa akin dahilan para tumayo ako bigla and I was about to open my door and pull Mia in a tight hug nang matauhan ako.

Hindi... tama na, Alliyah. Tama na.

Beyond the Border (COMPLETED)Where stories live. Discover now