Chapter 2

12 4 0
                                    

Habang bumabagsak ay nananalangin na siya dahil sa sobrang taas nito, pero imbis na hangin ang marinig, ay nakarinig lang siya nang malalakas na katok kaya natigilan din siya at nagtaka-takang luminga sa paligid para hanapin kung saan nga ba ito nang-galing.

Sunod-sunod na katok ang kanyang naririnig na nakapagpagising sa kanya.

Malabo pa ang kanyang paningin nang tumigil din ang katok, marahil ay nangawit na.

Muli pa siyang pumikit upang ipagpatuloy ang pagtulog dahil baka panaginip muli ang lahat pero, "Ma'am Zharinna,"

Isang malakas na katok muli ang nakapag padilat sa kanyang nang husto dahil malakas na sigaw na kanyang narinig.

Tila nabuhayan siya ng lakas, kaya bigla siyang napatayo at napansin niya ngang nakabalik na pala talaga siya sa kwarto niya.

"Totoo ba ito? nakabalik na ako?! Hala, oo nga, mabuti at nakauwi ako. Shit! baka mapatay talaga ako ng lalaking yun. Sa paraan pa lang ng mga titig niya nakakatakot na. Pasalamat siya at yung lang ang ginawa ko sa kanya" bulong niya sa hangin habang yakap-yakap nang napakahigpit ang paburitong baboy na unan.

Nahiga siyang muli ng pumasok na naman sa isipan niya ang nangyari sa panaginip pero nabasag din ito nang kumatok muli ang taong nagligtas sa kanya mula sa bangungot.

"Ma'am Zharinna? Gising na po ba kayo? Pinapatawag na po kayo ng iyong Papa sa dining area," sigaw nito habang kumakatok pa.

"Gising na po ako. Pakisabi po kay papa na susunod na lang ako. Maliligo lang po'ko at gagayak na rin." magalang at pasigaw niyang sagot habang gumugulong sa higaan.

"Masusunod po."

Narinig niya pa ang papalayo nitong mga yabag paalis kaya naman ay nahiga siyang muli nang maayos.

Nang akmang tutuwid ay nakaramdam naman siya ng sakit sa kanyang likuran na tila ba binali at dinurog ang mga buto niya.

"Zharinna, enhale...exhale. Hindi totoo yang napaginipan mong iyon. 'Yan kasi kaka wattpad mo kaya kung ano-ano ang naiisip mo" pag babawal pa nito sa kanyang sa isipan.

Nang makumbinsi naman niya ang kanyang diwa, ay bumangon na din siya para magbihis. Napatingin naman siya bigla sa orasang nakasabit kan'yang kwarto. Doon ay damang dama niya na talaga ang ang salitang..

..SOBRANG LATE NA LATE NA SIYA.

Pinilit niyang kumilos nang mabilis habang ininda ang sakit ng likuran nang makita ang oras. Panigurado na naman siya na naman ang pag i-initan ng guro nilang baboy.

Mabilis siyang nagpunta sa banyo at walang patumpik-tumpik na naghubad sa harapan ng salamin. Pero natigilan na lang siya nang makita niya na para bang may marka sa likod ng kanyang. Pero kahit nagtataka ay binaliwala niya na lang ito.

Habang nag hahanda si Zharinna sa pagligo ay napansin din niya ang pangingitim ng kanyang pulsuhan. Tila kumikirot pa ito lalo na ang kanyang likod sa tuwing nabibigla siya nang galaw.

"T-teka saan ko ito nakuha? Sa pag kakaalala ko la---. Oh, my god! Sinasabi ko na nga ba. Hindi panaginip ang lahat ng iyon dahil kung panaginip lang naman 'yon, ay hindi ako magkakaroon nito." Nanghihina niyang bulong habang iniinda ang sakit.

Sinubukan pa rin niyang gumalaw nang mabilis kahit pa halos mangiyak-ngiyak na siya habang sinasabon niya ang kanyang katawan.

Maingat ang bawat paggalaw niya lalo na sa mga kamay dahil pakiramdam niya ay dinaig pa niya ang nadurugan ng buto.

The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon