"Hija, alam mo naman siguro kung ano ito hindi ba?" seryosong saad ng ina ko na nakapagpatango sa'kin.
Napatitig naman ako sa ina ko. "'Yan yung kwintas na sabi mo po ay niregalo sayo ni lola, hindi po ba?"
Ngunit ngiti lamang ang sinagot sa'kin ng aking ina at umupong muli sa tabi ng ama ko bago lumingon sa'king muli.
"Anak, tutal nalalapit na ang kaarawan mo, minarapat konang ilabas ito dahil ang kwintas na ito ay kailangan na ng susunod na tagapag mana."
Isang matamis na ngiti ang binigay sa'kin ni ina bago ako lapitan habang hawak-hawak ang kahon.
"Wait, pero ma ibig mo po bang sabihin ay ibibigay mo sa'kin 'yan? Pero bakit?" kabado kong saad habang nakatitig sa kanila.
Dahil ang kwintas 'yon ay matagal ko nang gustong hingin noong bata pa lamang ako. Buong akala ko ay binenta na ito dahil ilang taon ko din itong hindi nakita.
"Ma, baka mawala ko lang 'yan," hindi ko napigilan ang mapasigaw kahit na gustong-gusto ko isuot ang kwintas na iyon. Pero hindi muna maaari dahil sa baka masira ko lamang ito at maiwala.
"Zharinna, ang kwintas na 'to ay may mahalagang simbolo ng ating pamilya at isusuot mo ito sa pagsapit ng iyong kaarawan. Eto na ang regalo ko sayo." nakangiti sabi ng ina ko habang inaabot sa'kin ang kahon.
Wala na akong nagawa kung hindi ang tanggapin habang nakatitig sa'king magulang na nakatayo na sa'king harapan at magkayakap pa.
Nilapitan naman ako ng ama ko at mariing niyakap bago hinalikan sa noo. "Anak may tiwala kami sayo ng ina mo. Huwag kang matakot dahil alam kong hindi mo basta-basta maiwawala yan. Basta ipangako mo sa'min na i-ingatan mo palagi ang sarili mo." masayang saad ng ama ko.
"Ma?" napalitan ng pag aalala ang aking boses ng lingonin ang ina kong halatang pinipigil ang pag iyak.
Nang mapansin niya naman ang pagtitig ko nilapitan na din niya ako at niyakap din ako nang napakahigpit.
"Shh, magiging maayos rin ang lahat Zharinna, may tiwala kami sayo." Bulong nila sa'kin.
Kahit puno ng tanong ang tumatakbo sa aking isipan ay wala na lamang akong nagawa matapos akong papasukin muli ng ama ko saking silid.
Humiga ako sa'king kama at pinakatitigan ang aking kisame ngunit nang maalala ko ang kwintas ay dali-dali ako bumangon upang tignan itong muli ng masinsinan.
Ingat na ingat ko itong kinuha at dinala sa higaan ko. Kahit sa pagbukas ng kahon ay sobrang ingat pa ang ginawa ko dahil sa kabang nararamdaman ko.
Nang mabuksan ko ng tuluyan ay doon ko lamang napansin na may limang simbolo nga talaga sa mismong pendant nito. Pero ang kanilang pwesto ay magkakaiba, dahil ang apat na simbolo ay tila ba pinalilibutan ang isa ring simbolo sa gitna nito.
"Napakaganda ngunit ano naman kaya gagawin ko dito sa kwintas? Hindi ko din ito maaring isuot basta-basta dahil isa ito sa pinaka ini-ingatan ng aking pamilya. Baka manakaw pa, mas mabuting itatabi ko na lang ito." bulong ko sa hangin at sinarang muli ang kahon at maingat itong nilapag sa tokador ko.
Pero nalungkot akong muli matapos ko na namang maalala lahat ng narinig ko kanina sa silid opisina. Imbis na magdrama akong muli sa pinto ay humiga na lamang akong muli at mariing niyakap ang unan ko.
"Sana naman ay hindi tama ang aking iniisip."
Bumuntong hininga akong muli at tumayo para itabi ang kahon sa aking aparador. Naisipan ko kasing lumabas nang aming tahanan para makapagpalamig saglit.
Nang masigurado kong nakatago na ito ay dumaretso na agad ako sa aming hardin upang tumambay sa may ilalim ng puno.
Ito kasi ang pinakapaborito kong pwesto sa'ming lupain.. ang hardin. Maliban sa bahay aklatan ay dito ako madalas magtungo, dahil mas nakakapag isip rin ako dito at mas nakaka pag-relax ako nang maayos.
BINABASA MO ANG
The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)
FantasyAll she wanted to do is to survive and escape, but if the moment she opens her eyes and wakes up, she'll be dead, what should she do? A paradoxical story of whether she will continued being chained by her own mind or whether she will brave the darkn...