Chapter 6 | Γέρος

259 96 138
                                    

Zharinna's POV

It's been 3 days since I got discharged from hospital pero ako eto, nabulok na sa kwarto ko. Kasi naman si mama, ayaw ako pa-alisin kahit saglit.

Ano naman ang gagawin ko dito? tumambling at mag budots?  Nakakainip na kaya, kahit simpleng lakad man lang sa hardin ay ayaw ako payagan dahil baka may mangyari na naman daw.

Nagpagulong-gulong na lang ako sa aking higaan, at niyakap ang aking paboritong baboy.

Ganito ang palagi kong ginagawa simula nung pagbawalan nila akong mag gagawa nang makalabas ako sa hospital.

Ano ba kasing mali? Maayos naman na ako at malakas na. Ang sabi lang naman sa'kin ng doktor ay iwasan ang katakawan at kapupuyat, pero halos ata lahat ay pinagbawal na nila sa akin.

Napatitig na lamang ako sa kisame ng aking kwarto habang iniisip ko ang nangyari sa akin tatlong araw na ang nakakalipas. Lalo na sa loob ng araw na iyon ay gabi-gabi na lang akong hindi nakakatulog ng maayos. 

Pakiramdam ko talaga ay may iba kaming kasama noon kahit tatlo lamang kami sa aking silid. Ang mas nakakapagtaka pa doon ay bakit ako magkakaroon ng matandang kasama kung wala namang nakakapasok sa aming lupain.

"Pakiramdam ko ay minumulto na ako"

Tila kinilabutan naman ako sa aking iniisip. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang pag i-isip ngunit nagambala din ito ng tumunog ang Cellphone.

(Thea +699375******)

At dahil ayaw ko namang ma-istress kakaisip sa multong iyon kaya sinagot kona lamang ito para makipag kwentuhan kesa sa mabaliw pa ako dito.

"Hello, Zharinna?"  Mahinahong saad ng nasa kabilang linya.

Sumalubong lang naman sa'kin ang napaka among boses ng aking kaibigan na daig pa ata anghel sa pagkamahinhin nito lalo na sa pananalita pa lamang.

"Thanks God Thea, buti naisipan mo akong tawagan. Tulungan mo naman akong makalabas sa bahay please, maagnas na ako dito." Sagot ko agad habang sinisipa ang aking mga unan.

Natawa naman ito sa aking sinabi na naging sanhi ng aking pagkabusangot. "Ano ka ba naman Zharinna. Hindi ka pa pwedeng gumala, kalalabas mo lang kaya sa hospital and besides, I have a goodnews!"

Para naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa dahil kahit kaibigan ko ay ayaw akong tulungan makawala sa lungga ko, sino bang matutuwa do'n?

"Yeah, yeah, e di wow, sandali nga. Bakit ba nag tititili ka dyan ha? Wala bang klase?"

Humiga na lang ako at muling pinang gigigilan kong niyayakap ang paborito kong baboy, dahil sa namimiss ko na ang kaibigan ko. Since thursday naman ngayon, napag usapan na namin ng teacher ko na sa monday na ako papasok para makapag pahinga ako ng husto.

"Haha. Ano ka ba Zharinna. I know nagtatampo ka kasi di kita tinulungan and by the way, hindi ako yung natili kung hindi yung mga kaklase natin. Gusto ko lang sabihin sayo na we were having a party tomorrow night."

Napairap na lang ako dahil totoo naman ang sinabi nitong nagtatampo ako pero napatigil ako ng marinig ko ang huli nitong sinabi kahit na sobrang ingay ay dinig na dinig ko ito.

"I'll call you later, Thea." Binabaan ko ito agad ng telepono pag tapos kong sabihin iyon.

After hearing those words from my friend, I immediately run to my parents room and ask them if I can go to the party tomorrow's night.

The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon