"Isara na ang tarangkahan, magsilikas na kayo, paparating na sila!"
Isang nakakabinging-tunog nang trumpeta ang umalingaw-ngaw sa buong bayan. Naging sanhi ito ng kaguluhan sa bayan ng Belja, kung saan naninirahan ang mga taong gumagamit ng maitim na mahika. Mapatanda o bata ay mabilis na tumatakbo para lang makaligtas sa matinding panganib na paparating. Bakas sa mga mukha nila ang takot, ganun din sa mga mukha ng batang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari.
Nandito ako ngayon sa loob ng silid aklatan nang mangyari ang kaguluhan na kanina ko pa hinihintay. Simula ng maipanalo namin ang laban mula sa kabilang Kampo ay nagmistulang kasumpa-sumpa ang nangyayari sa'min ngayon. Dahil unti-unti nang natitibag ang aming dipensa laban sa kanila.
"αυτό δεν είναι το τέλος," isang hilaw na ngiti ang pinakawalan ko bago ako sumilip sa balkonahe upang tignan ang kaguluhan sa loob ng aking pinaghaharian.
Hindi ko mapigilang malungkot dahil wala akong magawa. Mababakas sa'king mukha ang pagsisisi habang pinagmamasdan ko ang gulong nangyayari sa'king paligid, pero mas nangingibabaw doon ang naririnig kong ingay at yabag na papalapit sa'king kinaroroonan.
Kahit naka talikod sa pintuan ay alam kong nasa likuran ko na ang taong kanina ko pa hinihintay.
Marahas na bumukas ang pintuan at kasabay noon ang isang sigaw na kanina ko pa hinihintay.
"Ano ang gagawin natin? wala na tayong natitirang oras para kalabanin sila. Napaka dami nila at nakapasok na sila sa'ting bayan. Pinapaslang ang mga mamayang ating sinasakupan at sinusunog ang mga kabahayan na kanilang pinaghirapan!" saad nito habang bakas sa boses nitong hinihingal ito.
Alam kong mababakas sa maamo nitong mukha ang pangamba dahil sa biglaang pangyayari na nagaganap ngayon. Ramdam ko din ang panghihinayang niya dahil sa nakikitang unti-unting pagkatalo namin laban sa kanila.
"Ang mga sundalo?" mahinahon kong tanong.
Narinig ko pa ang pagsinghap nito na para bang kinakalma ang sarili bago ako sinagot nang mahina.
"Halos maubos na ang sundalo natin matapos ang labanan na nangyari noong nakaraang araw. Ang iba ay hindi pa gumagaling sa mga matinding sugat na natamo."
Sinulyapan kong muli ang paligid bago ko ito tinignan. Tumambad sa'kin ang kaniyang itsura, mula sa napakagandang mukha niya na ngayon ay natatabunan na ng ilang hibla ng buhok. Ang mga labi n'ya na nanginginig at ang kanyang suot na halos masira at may mga bahid ng dugo. Ang malapolseras na balat niya ay puno na ngayon ng galos at matinding sugat.
"Kung ganoon, isa nalang ang natitira nating pag-asa," bulong ko at binaling ang aking tingin sa buwan na bilog na bilog.
Nagmistulang dugo na ito dahil sa kulay nito. Kasabay ng paglitaw ng buwan sa ulap ang siyang kasabay ng sigawan at pagsabog na aming narinig.
Nilingon ko ang babaeng kanina pa nakatitig sa'kin na may halong gulat at takot sa mala bughaw nitong mga mata.
"Kailangan na natin ang tulong nila,"
----------------------------
BINABASA MO ANG
The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)
FantasyAll she wanted to do is to survive and escape, but if the moment she opens her eyes and wakes up, she'll be dead, what should she do? A paradoxical story of whether she will continued being chained by her own mind or whether she will brave the darkn...