Habang tumatakbo siya palayo sa madilim na silid ay hindi na mawala sa kanyang napakagandang mukha ang takot at kaba habang binabaybay niya ang pasilyong hindi pamilyar sa kanya.
Sa tindi ng kaba na kanyang naramdaman ay muntikan na siyang mahilo. Simula kasi nang magising siya sa isang hindi pamilyar na silid ay mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umalis.
Napatigil na lamang siya nang hindi niya inaasahang bigla-bigla na lang siyang nakasaksi ng isang litrato na tila nakatitig at sinusuri nito ang bawat kilos na kanyang ginagawa.
Ito rin ang naging sanhi upang mapahinto siya sa kanyang pagbaba sa gitna ng napakalawak na hagdan. Nakita niya pa ang kanyang sarili na nakatayo sa gitna ng napakalaking palasyo at sa harapan ng isang litrato na tila ba hinuhukay ang kanyang isipan at damdamin.
Isa itong napakakisig na lalaki na may lobo na nakadikit sa kabilang mukha nito at ang ginintuang mga mata nito na tila may tinataglay na kapangyarihan at pang hipnotismo.
Pero isang nakakabinging pagkidlat ang nakapag pagising sa kanyang pagkakatulala na naging dahilan kaya siya umalis sa harapan nito.
Takbo lang siyang nang takbo pero nang makaliko siya sa isang madilim na pasilyo ay bigla siyang dinapuan muli ng kaba na naging sanhi ng kanyang paghinto. Hindi niya ininda ang lamig ng simento dahil nakayapak lang din siya. Ganun na lamang ang kanyang gulat ng biglang nagsindi ang mga munting ilaw o kandila na nakasabit sa pader na gawa sa marmol na pinarisan ng ginto at itim na kulay.
Hindi maiwasan ni Zharinna ang mamangha sa kanyang mga natuklasan at kahit kabado ay binaybay niya pa rin ang pasilyo habang tinititigan ang mga nag gagandahang pigurin at bulaklak.
"Grabe, napakaganda naman sa lugar na ito. Hindi ko masukat kung gaano kalawak 'to pero sigurado ako na nasa palasyo ako ng mga mahaharlika," mahina niyang bulong habang hawak-hawak ang laylayan ng kanyang kasuotan.
"Pero nakakapag taka lang, bakit ako nandito at ganito pa ang aking suot? Sa pagkakaalala ko naman, eh. Nakatulog ako pag uwi ko galing sa paaralan? Ang Creepy ng gown na 'to puti pa talaga, sana naman hindi ako na-ikasal sa engkanto at baka mapatay ako nila mama at papa ng maaga," mahina pa niyang ani sa sarili habang naglalakad pa rin sa madilim na parte ng pasilyo.
May isang pintuan na katulad ng mga nasa fairytail ang nakaagaw sa kanyang pansin kaya hindi na siya nagdalawang isip na lapitan ito at buksan. Pero mas lalo lang siyang nabigla dahil sa natuklasang hindi kanais-nais.
Hindi niya napigilang mapaupo at mapasigaw matapos masaksihan ang hindi kaaya-ayang sitwasyon na ngayun pa lang niya natuklasan sa tanang ng buhay niya. Dahil sa takot at lakas ng pagsigaw niya ay naagaw niya ang pansin ng taong gumagawa ng miligro mismo sa kanyang harapan. Kahit nakatalikod ay alam niyang nabigla din ito dahil tumigil na lang ito sa kanyang ginagawa.
"Sino ba'ng poncio pilato ang matutuwa kapag may nakita kang ibon na parang manunuklaw"
Agad niyang tinakpan ang bibig ng mapagtanto niya ang nangyari. Pero huli na ang lahat para magsisisi dahil marahas na siyang nilingon at tinitigan ng taong kanina ay gumagawa ng milagro.
Matalim siya nitong tinitigan na mas lalong nakapagpakaba sa kanya.
Kahit masama ang titig ay nag panggap na lang si Zharinna na para bang walang nakita.
Nakayuko pa siyang uma-atras nang dahan-dahan nang may isang kamay ang biglang humigit sa kanya at sinandal siya ng malakas sa pader.
Sa sobrang lakas nito narinig pa niya na tila nag crack ang pader at bigla ding nanakit ang kanyang likod na naging dahilan para mapapikit at mapamura siya. Pero bigla na lang siyang nanigas nang makaramdam ng isang mainit na bagay na tila tumatama sa kanyang mukha. Sa pag mulat niya nang mata ay tumambad sa kanyang harapan ang isang napaka kisig at pamilyar na lalaki.
"What the hell are you doing here?" mas malamig pa sa yelo ang boses nitong saad. Pero hindi niya naintindihan ang narinig dahil mas pinakatitigan lang ni Zharinna ang mukha ng lalaki na ngayon ay isang pulgada na lang ang pagitan.
When their eyes locked, all Zharinna could think about is how handsome this man is, his soft black hair, his golden eye, his pointed nose, his red and kissable lips and the patch in his eyes that shocked her.
"Oh, my gosh adonis! Kahit may eye-patch pa siya ay naman yun hindi naging dahilan para mas lalong kahangaan ko ang kanyang napaka gwapong mukha." saad nito sa kanyang sarili.
Kagat labi siyang napalunok while making her self busy just to memorized those face of this man infront of her.
"Speak or I will kill you," Tila natauhan siya nang marinig niyang muli ang napakalamig nitong boses at sinalubong niya pa ang masasamang titig nito sa kanya.
"T-Teka lang pogi este manong, baka p'wede mo na akong bitawan dahil kailangan ko nang umalis." Pinipilit niyang maging buo ang boses niy sa harapan ng lalaki 'to, dahil kulang na lang ay mapaluhod na siya dahil sa panginginig at takot na nararamdaman.
"Huh. So, you're expecting me to let you go after you trespassed in my mansion. Tell me? Are you planning to take the rings and the weapons?" Diin nitong saad habang mas lalo siyang diniin sa pader kaya hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha.
Lumunok pa siya habang iniiwas ang kanyang mukha. "Manong naman. Wala akong balak na magnakaw, Jusko. Kakauwi ko lang galing school at natulog lang ako, malay ko ba kasing gigising ako sa ganitong sitwasyon." pagdadahilan niya.
Mukhang hindi naman nito nakumbinsi ang lalaki kaya sinalubong niya na ang titig nito. "Isa pa ni hindi ko nga gusto 'tong nangyayari ngayon, dahil malilintikan talaga ako sa mama ko ng 'di oras, eh." Kagat-labi niya pang sagot habang tinititigan niya lalo ito sa mata.
Sa paraan nang pagtitig ng lalaki sa kanya ay alam niya ng hindi niya talaga ito nakumbinsi kaya mariin muna siyang lumunok bago ulit nagsalita.
"At saka nga pala, kung may nanakawin man ako, aba! Hindi ako tatanga-tangang hihiyaw ng gano'n kalakas." mangiyak-ngiyak niyang paliwanag sa binata.
Pero kulang na na lang talaga ay humilata siya habang bumubula ang kanyang bibig dahil sa sobrang sama ng titig nito sa kanya.
"Kahit ang titig, ang gwapo ay mali, mamaya na ang landi, kailangan ko muna mag isip kung paano ako makakatakas sa lalaking 'to. " sigaw ng isipan niya.
Tinaasan naman siya ng kilay ng lalaki na naka-agaw sa kanyang katinuan. "Then, I'm asking you, why the hell are you here and who the fuck are you." mariin nitong saad at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang pulso.
Kulang na lang talaga ay tawagin niya na ang lahat ng santo dahil sa takot na nararamdaman.
Isang malakas na kidlat muli ang tumama malapit sa bintanang pinaroroonan nila, at kahit saglit ay tuluyan niya nang nakita ang mukha nito pero bigla na lang kumulog at nabingi ako sa lakas ng tunog nito.
Pero mas lalo siyang napahito nang makarinig siya nang mga yapak na papalapit sa kanilang kinaroroonan kaya hindi na siya nagdalawang isip na sipain ang oh-so-called "Birdy" nito. Na naging dahilan para mapabitaw sa sa kanya mula sa marahas na pagkakahawak.
"Arggg, fuckk!" Kagat labi nitong sigaw habang nakawak sa kayamanan.
Nais namang matawa ni Zharinna sa sitwasyon ng lalaki nang mapaluhod ito at mangiyak-ngiyak na sinapo ang ari.
Halos mapaatras siya nang tignan siya nito nang sobrang talim.
Mariin siyang napalunok lalo. "Lagot! Napalakas ata, jusko sana magka anak pa siya. Hindi ko naman sinasadya, eh. Pero kasalanan niya pa rin yun, patawarin niyo po ako, Papa God,"
Napaatras na lang ulit siya nang makarinig ulit ng mga sigaw sa labas ng pintuan kaya dali-dali niya nang tinakbo ang malapit bintana.
Malakas pa niyang hinagis ang nakitang pigurin upang mabasag ang salamin.
At akmang tatalon na sana siya ng mapagtanto niyang sobrang taas pala ng pagtatalunan niya.
Pero hindi na siya nagdalawang isip ng tuluyan na ngang nakapasok yung mga tao sa kwarto kaya tumalon na lang siya kaagad.
"Mas gugustuhin ko pa ang mamatay nang hindi tino-torture."
-----
To be continue...
BINABASA MO ANG
The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)
FantasyAll she wanted to do is to survive and escape, but if the moment she opens her eyes and wakes up, she'll be dead, what should she do? A paradoxical story of whether she will continued being chained by her own mind or whether she will brave the darkn...