Chapter 3

351 116 171
                                    

Hindi pa man nakakalapit ay rinig na rinig ko na ang boses ng aking pinakamamahal na mga magulang. Pero mas nangi-ngibabaw doon ang tawa at masayang tinig ng aking ama na tila ba nanalo ito sa loto dahil mukhang good-mood ngayong araw na ito.

Huminga muna ako ng malalim at muling nagpatuloy sa aking paglalakad. Hindi ko rin maiwasan ang mapayakap sa aking sarili habang lumalapit ako. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa aming pamamahay.

Habang mas lumalapit bigla na lang akong napatigil sa paglalakad at napatitig sa pigura ng isang lalaking nakatalikod na tila ba kanina pa ito nag hihintay at inip na inip na.

Nilingon at binati pa ako ng nakasalubong kong katulong na si Dona kaya naman naagaw ko ang pansin ng aking ama.

Isang minuto rin akong nakatayo sa bungad ng pinto bago naglakad muli papalapit sa mesa na may kabang dinadala.

"Good morning hija, halika at sabayan mo na kaming kumain ng umagahan," sinalubong ako ng ama ko na mayroong malaking ngiti. Ganun rin ang aking ina na tila ba may isang himalang nangyari.

"Good morning. Kamusta ang naging tulog mo? Sinadya kong ipagising ka ng mas maaga dahil may bisita tayong darating. Nasabi pala sa'kin ni manang Kora ay nag sisisigaw ka pa daw sa kwarto mo. Sabihin mo nga sa'kin, Reign. May ginawa ka na naman bang kalokohan?" tila mapanuri, matalim at nagtatakang tanong sa'kin ni ina.

Napalunok naman ako sa paraan ng pagtitig niya sa'kin. "Good morning din po. Nako, wala po iyon mama, nanaginip lang po ako. Napasama po kasi, medyo bina-bangungot na." natatawa kong sagot ng may halong kaba.

Kamot batok pa akong natawang muli at muntik nang mabulunan ng sariling laway nang mapansin ko pang hindi ko ata napaniwala ang ina ko.

Dahil sa medyo siguro mahina kong paliwanag at dahil na rin sa pasulyap-sulyap na tingin ng lalaki sa sa'kin kaya hindi na ako makapagsalita ng maayos.

Pero mas pinagtataka ko pa dahil nakatagilid sa'kin ito na animoy walang balak humarap kahit isang segundo lamang.

"Bakit parang may kakaiba ngayong araw? Hindi ko mawari kung ano ba ang aking nararamdaman." bulong ng isipan ko.

Sa lalim ng aking pag iisip ay hindi kona pala namalayang nalalaro ko na ang isa sa mga baso na naglalaman ng inumin habang tinititigan ko ito ng walang buhay sa'king mga mata.

"Reign, stop playing your milk!" madiing ani ng aking ina at kulang na lang ay umusok ang ilong at tenga nito nang lingunin ko ito.

Doon ko na lang din napansin na halos matapon na pala ang aking gatas sa mga pagkain. Dali-dali ko naman itong binitawan at tinago ko na lamang ang aking mga kamay sa ilalim ng lamesa.

"Pasensiya na po mama, papasok na po siguro ako." nakayuko at nahihiya kong sagot bago ako tumayong muli.

Akmang aalis na ako pero pinigil ako ng ama ko ng isang tingin kaya yumuko na lamang akong muli, at napakapit na lang nang mahigpit sa aking uniporme.

"Ano ka ba hon? 'wag mo pagalitan yung bata at baka mawalan ng gana kumain, pinaluto ko pa naman ang mga paburito niya." Malambing na saad ng aking ama habang hinahawakan sa kamay ang ina ko para pakalmahin.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang pagtatanggol sa'kin ng aking ama. Pero hindi pa rin nakalagpas sa pangin ko ang titig ni ina na ngayon ay matatalim ang mga titig na ang pinupukol sa'kin.

Sa katunayan, hindi naman talaga masungit ang ina ko. Sadyang ayaw niya lang ng ganitong asal sa harapan ng pagkain.

"At isa pa, nakakahiya sa bisita natin."

The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon