Chapter 4

303 107 147
                                    

"You're not allowed in here," malamig ngunit ma-awtoridad na pahayag ni Trex, habang lumalapit sa'kin na may awa at galit sa kanyang mga mata.

"Alam mo ba ang lahat ng ito?" mahina ngunit may halong garalgal kong tanong habang nag i-iwas nang tingin sa kanya. Dahil parang unti-unti ako nitong bibitayin sa paraan nang pagtitig niya.

"Sorry, but I don't know what are you talking about. Besides, if I ever know this, I won't let you hear any single words from your parents without an authorization," masungit ngunit may bahid pag alala sa tono na pahayag nito.

Napa-angat naman ako nang tingin sa kanya dahil sa sinabiya niya. Pero nagulat na lang ako nang bigla itong tumingin sa pintuan na nakaawang.

Kabado kong tinititigan ang ekspresyon nito pero nakahinga din ako nang maluwag dahil bumaling din ito sa akin. Marahil wala na doon ang aking mga magulang.

Nasisiguro ko ding na nasa balkonahe ito at doon nag uusap ng maayos.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalit. "I- I want you to do me a favor, please," humihikbi ko pang saad habang nakatitig sa mata niya nang daretso, kahit na puno na nang kaba at takot ang nararamdaman ko.

"Let me hear those favor before I'd say yes."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang marinig ko ang salitang iyon. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Sinilip ko pang muli ang silid opisina ng mga magulang ko bago ko pinasunod si Uncle Trex sa hardin upang doon ko mai-paliwanag ang lahat ng mga kahilingan ko.

Na sana naman ay magtagumpay at makaya niya.

Huminga muna ako muli bago nagsalita.

"Uncle," saad ko at nilingon siya na ngayon ay may pagtataka sa mukha.

"Uncle?"

Ngumiti naman at tumango. "Yes, Uncle remember? You are my lolo's friend. So from now on, I will call you Uncle, and also my sign of respect to you po," mahinahon kong saad.

Tumango na ito bilang pag sang-ayon.

"Ano pa lang yung pabor mo?"

"As you can see earlier, I already know their secrets." mahina kong saad at yumuko para itago ang lungkot na nararamdaman.

"Pwede po ba na itago muna natin ang nangyari kanina? Ayoko pong masira ang kaarawan ko sa susunod na buwan, kung totoo nga ang sinasabi nila. Gusto ko po na masulit yung oras ko habang kasama ko pa sila."

Pahina na ng pahina ang boses ko dahil nagsisimula na naman akong umiyak sa tuwing nagbibitaw ako ng salita.

"Hindi ko man kilala kung sino ang tinutukoy nila, pero malakas ang kutob ko na may hindi magandang mangyayari." saad ko pa at naglakas loob akong tumingin muli sa kanya habang nahikbi.

Huminga muna ito ng malalim bago tumango. "Ok. I will keep this as a secret, but you need to promise me too, because this is not a good damn easy. Understand?"

Ramdam ko pang sinu-subukan niyang palamigin ang boses nito na naging sanhi nang pagkataka.

"A-Ano 'yon?" tanong ko at kabado siyang tinitignan.

"You need to come with me after your birthday, as long as possible. Don't worry, Harry already know about this, and they already accepted my offer." seryoso nitong saad.

Natigilan naman ako dahil sa narinig ko. "O-Offer? Excuse me, but did you say offer? What kind of offer is that? Do you have any plan to sell my body?!" nanlalaking mata kong saad sabay atras na nagpatawa naman sa kanya ng sobrang lakas.

"Nope. Silly girl, Well.. you will know about this soon, just relax, okay? Now go back to your room." natatawang sabi niya pa sabay talikod at lakad na papasok ng bahay.

"Oh my gosh, mukhang namali ako nang nasabi. Nakakahiya, panigurado ng namumula ang mukha ko kanina." sigaw ng isip ko.

Tulala akong pumasok sa'king silid at napa-upo na lamang sa sahig habang sinasabi ko iyon sa'king sarili matapos kong ma-realize ang mga binitawan kong salita kani-kanina lamang.

Natigil lang ako sa pag iisip nang may biglang kumatok kaya dali-dali kong pinag buksan kung sino iyon, at mas lalo kong napatulala nang makita ko kung sino ang taong nasa labas ng aking kwarto.

"Zharinna kaya mo 'yan cheer up, arasseo? Baka maka halata sila,"

Napangiti ako nang makita ang ama ko saking harapan.

"Pa? May problema po ba?" Kabado kong pahayag habang pinag ki-kiskis ang aking mga paa.

Ganito ako sa tuwing may problema o kaya ay galit at malungkot ako, pero pinagpapa salamat ko naman dahil hindi ako nagkakasugat dahil sa hilig kong ito.

"Anak, kanina ka pa namin tinatawag sa baba," saad niya habang nakatitig sa'kin.

"Ah, bakit po pala pa?" taka kong saad.

"May pag u-usapan lang kasi tayo, anak."nginitian ako nito habang nag aantay ng sagot ko.

Napalunok naman akong tumango."Sige po, susunod po ako, hahanapin ko lamang po ang tsinelas ko at baba na din po ako," mahinahon kong sagot na nakapagpatango sa kanya.

"Sige. hi-hintayin ka namin."

Dahan-dahan ko namang sinara ang pinto at muli akong napasandal nang tuluyan ko itong isara. Ngunit nang maalala ko ulit ang sinabi niya sa'kin ay dali-dali ko ngang hinanap ang aking tsinelas at umalis na sa aking silid.

Habang pababa ay nakita ko sila sa sala na naghihintay sa'kin. Napalunok naman ako nang mapansin ko na ka-kaiba na naman ang ihip ng hangin sa paligid.

"Maupo ka," seryosong saad ng ina ko na nakapagpasunod sa'kin ka-agad.

"Zharinna, kaya ka namin pinatawag ng papa mo dahil may mahalaga kaming bagay na ibibigay sa iyo,"

Nakangiti sa akin parehas ang aking mga magulang, pero hindi pa rin mapag ka-kaila na may bahid na lungkot ang kanilang mga mata habang nakatitig sila sa akin nang daretso.

"A-Ano po 'yon? atsaka para saan po?" nagtataka kong tanong.

Biglang tumayo ang aking ina at pumunta sa pinakamalapit na lamesa, kung saan may nakapatong na isang kahon.

Kung ti-tiganan mo ay parang napakamahal nito dahil sa kulay ginto nitong kulay, at may salamin sa gitna. Pero mas nakaka-agaw pansin naman ang kwintas na nagpa ganda pa lalo dito ng husto.

Mukhang isang dyamante ito o brilyante na may simbolong nakaukit sa gitna. Kung sa malayo ay parang normal lamang ang itsura nito na may maliliit na limang puting tuldok.

Nagulat naman ako nang makita ko ito nang malapitan.


To be continue...

The Lost Princess of Zapphora (Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon