Chapter 11 - Conditions

27 1 5
                                    

Conditions

***

Zedrick's POV

"Brey, bakit sa gubat mo gustong magpahatid? Hindi ba delikado doon? Alam mo ba na may sabi-sabi tungkol sa gubat Pinasikat? Wala daw nakakalabas na buhay doon. May kung anong misteryo raw na bumabalot sa gubat. Hindi kaba natatakot na bumalik doon?"

Walang sumagot.

Namutawi lang ang Photograph na kanta ni Ed Sheeran sa loob ng sasakyan.

"Brey? Talagang pinanindigan mo ang pagpapaka-silent mode?"

Still walang sumagot. Kaya hindi ko na napigilang lingunin siya. Only to find out na mahimbing siyang natutulog habang nakasandal sa bintana ng sasakyan ang kanyang ulo.

Napailing nalang ako.

After a few more minutes ay narating na namin ang bukana ng Pinasikat, kung saan kami dumaan noong pumunta kami dito.

Napatingin ulit ako kay Brey. Tulog parin siya.

Napatitig ulit ako sa harapan. Kagaya nung una, sumisigaw parin sa misteryo ang gubat nato. Madilim. Matatayog parin ang mga puno. Tila punong-puno ng sekreto na labis na sumusundot sa aking kyuryusidad. Tila nangungusap ang gubat na ito, may gustong sabihin. Anong gusto mong iparating Pinasikat? Anong gusto mong malaman ko?

Naramdaman kong gumalaw si Brey sa kanyang kinauupuan pero nanatili parin siyang tulog. Napatitig ako sa kanyang mukha.

Anong mayroon sa iyo Brey?

Sino ka bang talaga?

Masyado kang misteryoso para sa akin.

Binuhay mo ang buong pagkatao ko.

I want to know more about you.

Mas tinitigan ko pa ang mukha niya. Napalunok ako.

Patawad Brey. Mukhang hindi pa ito ang panahon para bumalik ka sa gubat. Hindi ko maaatim na ibalik ka roon lalo na at hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa iyo roon. Ramdam kong delikado. Hindi ko alam kung may gustong manakit sayo o ikaw mismo ang may gustong manakit sa sarili mo. Alinman sa dalawang iyon, hindi ko hahayaang masayang ang pagligtas namin sayo. Kaya gustohin mo man o hindi, ilalayo kita sa gubat nato.

.
.
.

Nakaupo ako sa sofa habang nagbabasa ng libro. Ilang oras narin ang lumipas mula nang makarating kami dito sa condo ko at hanggang ngayon tulog parin siya.

Ngayon ano nang gagawin ko?

Kapag nalaman ng parents ko na may dinala akong babae dito siguradong gigisahin nila ako.

Hayy. Di bale na nga, mamaya ko nalang iyan poproblemahin.

Ipinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ngunit wala akong maintindihan sa binabasa ko. Hindi dahil bobo ako, sadyang lumilipad lang talaga ang isip ko.

Bigla kong naalala ang eksena noong matagpuan namin si Brey sa gubat. Ngayon ko lang talagang na realize na ang creepy pala ng pangyayaring iyon. Madilim ang paligid. Maraming puno na nakapalibot. Tapos may makikita kaming babaeng nakaputi na nakalambitin sa isang puno, mahaba pa ang buhok at dumudugo ang katawan.

Partida! Parang horror scene!

Naloko na ano ba tong pumapasok sa isip ko? Tinatakot ko lang ang sarili ko.

Naputol lang ang iniisip ko nang biglang bumukas ang pinto sa guest room at lumabas doon si Brey na tila naguguluhan.

"Oh, gising ka na pala"

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon