Chapter 16 - Stranger's words

18 0 10
                                    

Stranger's Words

***

Ela's POV


Nakasisilaw na liwanag ang bumungad sa akin nang buksan ko ang aking mga mata.

"Gising ka na pala, iha."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita. Bago siya sa aking paningin. Nakangiti siya sa akin at sumilay ang maliliit na biloy sa magkabila niyang pisngi. Nakaupo siya sa isang silya malapit sa aking hinihigaan habang may hawak na towel.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" malumanay niyang tanong sa akin.

"Sino ho kayo?" nanghihina kong tanong sa kanya.

Bakit ganito? Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Tila wala akong lakas para igalaw ang aking katawan.

"Ako nga pala si Peter. On-call driver ako ng pamilya Govez partikular na ni Senyorito Zedrick. Maaari mo akong tawaging tatay Peter. " sabi niya habang nakangiti parin at nakamasid lang sa akin.

"Ano po bang nangyari sa akin? Bakit po tila hapong-hapo ako? "

Inilagay niya muna ang hawak na towel sa isang maliit na planggana bago tumingin ulit sa akin.

"Hindi ko alam ang buong pangyayari pero ang sabi sa akin ni Senyorito Zedrick ay naghabulan daw kayong dalawa? Muntik pa kitang masagasaan dahil bigla kang humarang sa daan. Pasensya ka na, iha. Pero ang di ko maintindihan ay kung paano nagkasugat ang ulo mo. Ano ba talaga ang nangyari sa inyo? Sana naman ay hindi ka pinagbuhatan ng kamay ni senyorito, alam kong malabo iyon pero mabuti narin iyong sigurado. " May bakas nang pag-aalala sa boses at mukha niya.

Napailing ako ng mahina.

"Kasalanan ko po kung bakit ako nagkasugat. Nahulog kasi ako sa hagdan dahil sa kakatakbo. Wala pong kasalanan si Zedrick. Kasalanan ko po ang lahat. Pasensya na kung pati kayo nadamay pa. "

"Naku wag mo nang alalahanin iyon, iha. Masaya akong makatulong. Pero, maaari ko bang malaman kung bakit kayo naghabulan? O kung bakit tumakbo ka palayo kay senyorito Zedrick?"

Bakit ang bait-bait niyang magsalita? Napakamalumanay. Iyong tipong mukhang di marunong magalit.

Hindi ako makasagot agad sa tanong niya. Ano namang isasagot ko? Na dahil humiling si Zedrick na ngitian ko siya?

"Humiling si Senyorito na ngitian ka niya? Kaya ka tumakbo palayo?"

"Po? Paano niyo po nalaman? Sinabi ba ni Zedrick sa inyo?" Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya na nalaman? Malamang sinabi ni Zedrick sa kanya.

Napatawa ito ng mahina at ngumiti ulit sa akin.

"Iha, ano bang pinagsasabi mo? Ang sabi mo kaya ngayon lang, 'dahil humiling si Zedrick na ngitian ko siya?' hindi ko ba dapat na narinig iyon?" Nakangiti parin ito. Maaliwalas ang kanyang may katandaan na mukha.

"Naisatinig ko iyon?"
Napataas ang kilay ko dahil di ako makapaniwala.

Tumango lang ito.

Napapikit ako nang mahigpit. Ano bang meron sa utak at bibig ko? Bakit di sila magkasundo?

"Huwag niyo nalang po pansinin ang sinabi ko. Tinopak lang ho ako kagabi" sagot ko nalang.

"Sige, hindi ko na ipagpipilitan. Kamusta naman ang pakiramdam mo? Masakit ba ang ulo mo?"

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon