Chapter 19 - The Pros and Cons of a Mask

12 1 3
                                    

The Pros and Cons of a Mask

***

Ela/Brey's POV

Napagpasyahan kong sumama kay Tatay Peter sa palengke. Alam kong delikado pero hindi ko magawang pigilan ang kagustuhan ng kaloob-looban ko na muling makihalubilo sa normal na mundo. Ngayong alam na ni Zed and sekreto ko, hindi ko alam kung hanggang kailan nalang ako dito. Maaaring anumang oras ay ibalik na niya ako sa gubat. Mas makakabuti nga iyon para sa lahat pero di ko mapigilang malungkot sa isiping iyon. Kaya nais ko sanang sulitin man lang kahit papaano ang nalalabi kong oras sa mundong ito.

"Iha, bakit ka naka facemask?"

Napatingin ako kay Tatay Peter na naghihintay na sa may sala.

"May allergy po kasi ako sa alikabok, Tay." palusot ko. Malamang hindi sinabi ni Zed sa kanya ang tungkol sa sekreto ko o baka nililihim lang niya na alam na niya. Napapikit ako nang mariin sa naisip. Walang patutunguhang maganda kung pananaigin ko ang pagdududa at pagiging negatibo. Kung may balak man sila laban sa akin, siguro ay makikisabay nalang ako sa magiging takbo ng pangyayari. Baka sakaling sila na ang maging sagot para matapos na ang lahat ng ito.

"Mabuti nga iyan, iha. Mas mainam ang may panangga kaysa sapitin mo pa ang epekto pag na allergy ka." sabi ni tatay bago lumabas.

Sumunod naman ako sa kanya.

Tama ka nga, Tay. Mas mainam ang ganito para walang mapahamak nang dahil sa akin.

May mga tao kaming nakasalubong sa paglabas patungo sa sasakyan. Kahit kinakabahan parin ako pero kahit papaanoy nagagawa ko nang maglakad ng maayos sa presensya nila. Buti nalang rin at may kalayuan ang distansya namin sa kanila. Siguro nakatulong rin ang agwat ko sa kanila para kumalma ako kahit papaano.

Habang nasa sasakyan at nagbabiyahe ay nagpatugtog lang si Tatay Peter. Ako naman ay iniisip ang mga nangyari kagabi.

'Naging masaya ako na naligtas namin ang buhay mo. Pero ngayon, hindi na ako sigurado.'

Hanggang ngayon ay malinaw parin sa isip ko ang sinabi ni Zed.

Naguguluhan ako sa sarili ko. Bakit nasasaktan parin ako sa sinabi niyang iyon? Hindi ko rin alam kung may karapatan ba akong masaktan na malamang pinagsisisihan na niyang niligtas niya ako.

Kahit paman isang malaking balakid para sa akin na alam na ni Zed ang sekreto ko may parte rin sa puso ko na tila nabunutan ng tinik. Sa maliit na parteng iyon pakiramdam ko nakahinga ako nang maluwag dahil tila nabawasan ang bigat na matagal ko nang kinikimkim sa loob ko. Totoo nga siguro ang mga sinabi nila sa libro na nababawasan ang bigat ng isang bagay kapag natuto kang ibahagi ito sa iba. Alam kong mabigat parin ang problemang dulot nito, maaaring mas bumigat pa nga, pero kahit papaanoy nabawasan ang takot ko na matuklasan niya ang sekreto ko. Haha. Malamang alam na niya eh.

Matapos iparada ni tatay ang sasakyan ay nagtungo na kami sa bukana ng palengke. Nakasunod lang ako sa kanya at nakamasid sa paligid.

Napakuyumos ako sa gilid ng tshirt na suot ko.

Ang daming tao.

Ramdam ko na naman ang namumuong pawis sa noo ko. Tila rin nanglalamig ang talampakan ko pataas sa katawan ko.

Natuod ako sa kinatatayuan ko. Naliliyo ako sa dami ng taong nakikita ko. Hindi ko yata kakayaning pumasok sa loob.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon