Chapter 9 - Nothing is Free

47 3 9
                                    

Nothing is Free

***

Ela's / Brey's POV

"HERE, magbihis ka"

Napatingin ako sa kulay gray na paperbag na iniaabot niya.

"Sige na nangangalay ang kamay ko. Diba sabi mo gusto mong makabalik sa gubat? Ihahatid kita kaya magbihis ka na. "

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Maliwanag ang kanyang ngiti. Inabot ko ang paperbag at tiningnan ang laman nito. Damit at mga panloob. Inilagay ko ito sa kama kung saan ako nakaupo at saka ko sinimulang hubarin ang sabi nila ay hospital gown na suot ko.

"HOY! TEKA! TEKA! "

Napatigil ako nang pinigilan niya ang kamay ko sa pag-angat ng laylayan ng damit. Tiningnan ko siya habang bahagyang nakakunot ang noo.

"B-bakit ka naghuhubad?! "

Tila hindi mapakaling tanong niya.

"Sabi mo magbihis ako. " mahina ang boses na sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"Oo nga! Sabi ko magbihis ka! Pero tama bang sa mismo kong harapan ka maghubad?! Inaakit mo ba ako?! "

"Inaakit? Bakit naaakit ka ba? " nagtataka kong tanong sa kanya.

Nagkatitigan kami.

Biglang nanlaki ang mga mata niya at namula ang ilong niya. Agad niya itong tinakpan.

"ANONG NAAAKIT?! ASA KA PA!! " sigaw niya bago tumalikod at lumabas ng silid.

Anong nangyari doon? Hindi ko nalang ito binigyan ng pansin at agad nagbihis.

Sa totoo niyan ay natutuwa ako sa sinabi niyang ihahatid niya ako sa gubat. Limang araw narin ang lumipas magmula noong muntikan na akong masagasaan. Limang araw narin akong nandito sa silid na ito, pang-anim na ngayon pero sabi daw ng doctor ay maaari na akong lumabas. Hinintay pa kasing gumaling ang mga sugat ko gawa ng bubog ng baso. Hindi pa naman siya tuluyang gumagaling pero hindi na siya masakit at kaya ko nang makapaglakad ng maayos.

Sa loob rin ng limang araw na iyon ay si Zedrick lang ang kumpletong bumisita sa akin. Tatlong beses lang nakabalik dito si Matt at isang beses si Dairy. Tuwing gabi lang sila nakapunta rito dahil may klase daw sila at medyo malayo raw ang ospital na ito sa paaralan nila.

Paaralan. Pag-aaral. May kung anong kumirot sa puso ko ng maalala iyon. Ang alam ko masaya ang mag-aral. Nakakamiss rin pala. Hanggang Grade Three lang ako nakapag-aral at hindi ko pa nagawang matapos dahil ipinadala na ako sa gubat.

Napalingon ako sa pinto nang biglang nay kumatok doon. Bumukas ito ng konti.

"Tapos ka na ba? "

Si Zedrick lang pala.

Lumapit ako sa pinto at hinila ito pabukas. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat at nakapikit ang mga mata. Napakunot ang noo ko.

"Bakit ka nakapikit? " mahinang tanong ko.

Napadilat naman siya at tumingin sa akin. Bigla itong ngumiti ng malapad, iyong halatang pilit.

"Wala! " napababa ang tingin niya sa suot ko. At ang kaninang pilit na ngiti ay tila naging natural. Napatingin rin tuloy ako sa damit na suot ko. Isa itong puting bestida, walang disenyo, at hanggang tuhod ko ang haba.

Tumikhim siya at biglang nagseryoso ang mukha.

"Let's go"

Nagpatiuna siya sa paglalakad habang nakasunod ako sa likod niya. And there again, the feeling of intense anxiety to be in a crowdy place is resurfacing in my system. Napalunok ako ng laway at iniyuko ang ulo. Nakatingin lang ako sa sapatos ni Zedrick at tahimik na naglalakad. Ayaw kong makita ang ibang tao dahil baka magpanick ulit ako. Ngayon lang ulit ako nakalabas magmula noong sinubukan kong tumakas.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon