Escape in the Crowd
***
Ela/Brey's POV
Nahihiya ako.
Nahihiya ako sa sobrang pagka-ignorante ko. Iba parin talaga pag aktwal mo nang mararanasan ang mga bagay-bagay kaysa sa mga nababasa lang sa libro. Napagtanto kong vacuum cleaner iyon kanina pero di ko akalaing ganoon ang tunog nun. Nagulat ako at napasigaw. Talagang nakakahiya! Ayaw ko nalang alalahanin 'yong nangyari kanina sa kusina. Malamang inis na inis si Zed sa akin kaya siguro pinili nalang niyang bumili ng pagkain para ngayong gabi. Jollibee pa talaga. Paborito ko. Hindi ko mapigilang magalak at pinilit nalang na pigilang mapangiti.
Napatitig ako sa kinakain kong burger at di napigilang maalala ang mga mumunting alaala na pinakaiingatan ko sa loob ko -- ang mga alaala noong normal pa ang buhay ko.
"Good morning, my princess! It's time to wake up we have to go somewhere!"
Una kong nasilayan ang nakangiting mukha ni Daddy. Pinaliguan niya ako at binihisan ng favorite kong fairy pink dress. Inayos rin niya ang buhok ko.
Habang nasa sasakyan papunta sa kung saan ay katabi ko sa backseat sina Ate Suzzete at Kuya Diego, habang magkatabi sa harapan sina Daddy at Mommy. Natutulog naman sa lap ni Mommy si kuya Carlos.
"Fairy sis, ba't ang cute-cute mo!!" pinanggigilan ni kuya Diego ang dalawang pisngi ko. Tinampal naman ni Ate Suzzete ang kamay niya.
"Ano ba kambal!! Paano kung masira ang pisngi niya dahil diyan sa panggigigil mo?!" Hinila ako ni ate Suzzete papalapit sa kanya at pinotrektahan laban kay kuya.
"OA naman neto! Parang pisil lang! Wag ka mag-alala lalaking maganda tong baby princess ko, mas maganda pa sayo!" Dahil sa sinabi ni kuya ay nagbangayan na sila ni Ate Suzzete. Tumatawa lang akong nakamasid sa kanila.
"Mom! Look at Ela's dimples! They're cuuuteee! I wanna pinch themmm!" sigaw nang nagising na si kuya Carlos sa harap. Napuno lang ng tawanan ang biyahe namin.
Huminto kami sa isang establishimento na pamilyar na pamilyar sa akin.
Una kong napansin ang kumakaway na pigura ng isang bubuyog na kasing laki ni Daddy.
"JOLLIBEE!!!" sigaw ko sabay takbo papunta kay Jollibee habang nakabuka ang mga kamay sa gilid para yakapin siya. Sinalubong naman ako nito at binuhat. Tuwang-tuwa ako at di mawala-wala ang ngisi sa aking mukha. Nagparty kami sa loob ng nirentahang party room ni Daddy. Regalo raw niya dahil matataas ang grades ko.
BINABASA MO ANG
The Lady With A Cursed Smile
ParanormalA lady brought to life to suffer and kept from the eyes of the crowd by her family. It was due to her killer smile, literally. Anyone who will see her smile will meet their death immediately. Will she ever find happiness? Love? And a meaningful r...