Chapter 20 - Granny is Back

9 1 8
                                    

Granny is Back

***

Carlos' POV

"Hayyy, salamat! Pilipinas kong mahal narito na ulit ako!"

Unang tapak palang namin sa makinis na sahig ng airport ay hinubad ni Granny ang tsinelas niya at nakapaang patuloy na naglakad. Napailing nalang ako at napangiti. Namiss nga niyang talaga ang Pilipinas, walang duda.

Matapos kong makuha ang mga gamit namin ay sinundan ko na siya palabas. Pinagtitinginan ng ibang tao ang lola ko. Ngayon lang siguro sila nakakita ng matandang nakatungkod at nakapaa pero masayang-masaya na naglalakad kahit na may kabagalan na.

"CJ, bilisan mo diyan! Gusto ko nang makatapak ng lupa!"

"Opo, Granny!"

Binilisan ko ang paglalakad at sumabay na sa kanya palabas.

Sinalubong kami ni Eros at tinulongan niya ako sa mga bagaheng dala. Si Granny naman ay tila nilalasap pa ang hangin dito sa labas. Bigla siyang napa-ubo.

"Okay lang po ba kayo, Granny?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo, okay lang ako. Ang alikabok na pala ng hangin dito sa Pinas!"

Tinitigan ni Granny si Eros, pilit inaaninag. Malabo na kasi ang mga mata niya kahit pa may mga gamot siyang iniinom at may eyeglass na suot. Hindi siya nakakakita ng maayos sa malayo.

Ngumiti ulit si Granny.

"Kay gwapong bata!" Puri niya kay Eros.

"Thanks po!" Sagot naman ng huli.

Habang nasa biyahe. Panay ang tingin ni Granny sa labas. Pilit ino-obserbahan ang mga pagbabago sa lugar kahit paman hindi niya gaanong makita ng malinaw.

"Granny, kain po muna tayo bago umuwi sa bahay."

"Sige, doon tayo sa bubuyog na pula."

Hindi man lang ako nilingon ng lola ko. Aliw na aliw lang ito sa tanawin sa labas. Napangiti ulit ako. Nagmana talaga sa kanya si Ela sa pagkahilig sa Jollibee.

Pumunta kami sa pinakamalapit na Jollibee at habang kumakain ay panay ang puna ni Granny sa mga pagbabagong naaninag niya sa paligid.

"Pakiramdam ko apo isa na akong estranghero sa sarili kong bayan. Matagal rin talaga akong hindi nakabalik dito."

" Oo, marami ngang nagbago Granny pero ito parin naman ang siyudad na minahal mo."

"Oo nga. Magawa mang baguhin ng panahon ang buong paligid pero kailanman ay hindi nito mabubura ang mga alaala na nakaukit na sa puso ng bawat isa. Well, maliban nalang kung magka amnesia. Hahaha"

"Ang lalim na sana nun, Granny."

Napailing nalang ako. Eto talagang lola ko. Nagpatuloy lang siya sa pagkokompara sa US at Pilipinas. Minsan hinahaluan rin niya ng mga biro niya. Napapatawa nalang kami ni Eros.

Nang mabalik sa sasakyan ang atensyon niya, ay biglang naging seryoso ang mukha ni Granny. Napahinga siya nang malalim at tiningnan ako.

"CJ, bumili ka nga ng Jollibee. Iyong kumpleto lahat ng meron sila. Kahit isang piraso lang bawat isa."

Tumalima nalang ako at hindi nalang muna nagtanong kung bakit.

Nang makabalik ako sa sasakyan dala-dala ang mga pinabili niya ay pinalarga agad niya si Eros.

"Puntahan na natin ang papa at mga kapatid mo, CJ. Napakalaki ng kasalanan ko sa kanila. Masyado akong natagalan," malayo ang tingin na wika ni Granny. Tumalima nalang kami ni Eros. Alam na namin kung sinong mga kapatid ang tinutukoy niya. Kung maaari ko lang sanang sabihin na buhay si Ela ay ginawa ko na. Pero kahit sabihin ko man hindi ko rin naman alam kung nasaan ngayon ang kapatid ko.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon