Chapter 2 - Victim of the Curse

77 8 9
                                    

Victim of the Curse

***

Ela's POV

A rush of dissapointment filled my entire system.

"I'll just pretend I didn't hear a single thing, so never bring that topic again" malamig ang tono na sabi ko. I immediately put back the dress inside the paper bag and left it on the table as I pass over them and walk towards the door of my room. But I halted when somebody grabbed my elbow and softly force me to face them again.

"Ela, please! " nagmamakaawang sabi ni kuya pero hindi ko man lang siya tinapunan ng tingin. Ramdam ko ang mga luhang nagpupumilit tumulo sa mga mata ko pero pilit ko ring pinipigilan.

"Until when? " mababa ang tono ngunit may diin na sabi ni Eros. " Hanggang kailan mo iiwasan ang nakaraan mo? Hanggang kailan ka magiging duwag? " matigas na sabi niya.

"Kuya! " mataas ang boses na saway ni Eris sa kanya.

Binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kuya Carlos. Ang kaninang pagkadismaya ay napalitan ng galit. Blangko ang mukha na hinarap ko si Eros at sinalubong ang kanyang mga mata.

"Don't act like you know everything" matalas ang dila na sabi ko sa kanya.

"Ano ba ang hindi namin alam?! Na malungkot ka at nagdurusa dito sa gubat?! We know everything Ela! Kahit hindi mo sabihin nakikita at nararamdaman namin! Nasasaktan rin kami pag nakikita kang ganiyan! " salubong ang mga kilay at mataas ang boses na sabi niya.

" Gusto ka lang naming tulungan na harapin ang mga kinatatakutan mo Ela dahil ayaw naming habangbuhay kang maging ganito. " mababa ang boses at malumanay na sabi ni kuya. Tumingin lang ako sa baba. I know kuya but besides my past, I'm more afraid of the possible consequence kapag hinayaan ko ang gusto niyo.

" We just want to make your birthday a happy memory best" sinserong sabi ni Eris na inabot ang aking kaliwang kamay at pinisil iyon.

My birthday? A happy memory? Haha. What a joke! Me being happy could only lead to more deaths and tragedy.

Napahinga ako ng malalim at binawi ang kamay mula sa hawak ni Eris.

"Just leave. " walang gana kong utos sa kanila dahil tila napagod ang utak ko sa mga sinabi nila.

"But--"

"I SAID LEAVE!! " malakas na sigaw ko sa kanila at tinuro ang pinto.

Narinig kong napabuntong hininga si kuya. "Tayo na Eris, hayaan na muna natin siya" sabi niya at hinila si Eris papunta sa pinto.

"Tss! Coward!" asik ni Eros at sumunod sa kanila.

Napakuyom ang mga kamao ko.

"You may know my pain but you will never understand it... " nagtitimping sabi ko at ramdam kong napatigil sila kahit nakatalikod ako. Dahan-dahan ko silang hinarap at tiningnan sa mga mata. "...because you are not me."

Blangko ang mukha na binawi ko ang tingin at tinalikuran sila tsaka nagtungo sa kwarto ko at malakas na binagsak pasara ang pinto.

Napasandal ako sa pinto matapos ang eksenang iyon at naninikip ang dibdib na nag-unahan sa pag-agos ang mga maiinit na likido sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan.

I heard the closing of the door and the sound of their footsteps fading away as they walk farther from my house.

Napadausdos ako mula sa pagkakasandal sa pinto at napaupo sa sahig. Tears continued streaming down from my face as I curled and lean on my knees.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon