Chapter 3 - Blood and Excitement

58 4 8
                                    

Blood and Excitement

***

Anonymous' POV

TAKBO! Sige, takbo pa! Bilis! Ang bagal mong tumakbo! Dali!

Sabik na sabik na akong ihatid ka sa iyong huling hantungan!

Kamatayan lang ang nararapat sayo!

Nang malapit na siya ay agad akong tumalon mula sa punong pinagtataguan ko at inilabas ang sandatang lagi kong dala-dala.

"s-si-sino ka? " tanong ng hangal.

"makiusap kana para sa buhay mo! "
Sabi ko sa kanya habang nakangisi at maingat na pinaglalaruan sa aking kaliwang kamay ang sandatang gagamitin ko para gilitan siya sa leeg.

"p-pakiusap, wag!!! "
Natatakot na sabi niya, habang paatras ng paatras bawat hakbang ko palapit sa kanya.

"Anong sabi mo? "

"Huwa--acckkkk!! "
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin ng mabilis na sumirit mula sa leeg niya ang kanyang sariling dugo.

Hmmmm, kawawang nilalang!
Agad kong iniligpit ang katawan niya at itinapon ito sa malaking hukay sa lupa na ginawa ko malayo sa lugar ni Angela.

Agad na humalo ang bangkay ng lalaki sa mga kalansay at bulok na laman ng tao na naroon.

"wala kang karapatang tawagin siyang halimaw! " sabi ko bago dinuraan iyon at umalis.

Naaamoy ko parin ang masangsang niyang dugo sa aking katawan. Nakakaadik ang ganitong amoy.

Namiss ko to!

Ngayon kailangan ko na siyang puntahan, kailangan niya ang tulong ko.


***

Z

edrick's POV


NAKAPANG-LUMBABA ako sa aking lamesa habang nagsusulat ng notes na ipanapakopya ng guro namin.

"Sino sa inyo ang may ideya kung ano ang mito o myth?" tanong ni Mrs. Martha.

"Isa po itong ideya o kuwento na pinaniniwalaan ng maraming tao pero maaaring hindi totoo. "

"Mga kuwento po ito na pinasa-pasa sa mga henerasyon. "

"Mga kuwento po ito na kadalasan ay hindi alam ang pinagmulan "

"Ginagamit po ito para ipaliwanag ang mga partikular na bagay"

"Mga kuwento po ito na maaaring bunga lamang ng imahinasyon ng mga tao"

Sagot ng mga kaklase ko pero ang pinakagusto kong sagot ay iyong nauna at panghuli. Iyon ang mga pinakatumpak sa paniniwala ko.

"Tama ang inyong mga sagot na alam kong sa notes na pinapakopya ko lang ninyo kinuha" nakangiti ngunit umiiling na sabi ni Mrs. Martha.

"Ngayon naman ay bigyan niyo ako ng mga halimbawa ng isang mito o myth, alam kong makapagbibigay kayo dahil napag-aralan niyo na ito sa Junior High School niyo" dagdag pa ng guro namin.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon