Chapter 7 - Saving Jane Doe

42 5 2
                                    

Saving Jane Doe

***

Zedrick's POV

"ZED babalik ka ba sa ospital? "

"Actually, nandito na ako Matt" sagot ko sa tawag ng kaibigan ko habang naglalakad papunta sa kwarto ng babaeng niligtas namin kahapon.

"What?! Ang aga mo naman diyan, kanina ka pa ba? "

"Hindi kakarating ko lang din, ikaw pupunta kaba dito? " binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob ng kwarto. Nakita ko ang babae na wala paring malay at nakahiga sa kama.

"Pupunta, pero kakagising ko pa lang kaya baka mamayang tanghali na ako makakarating diyan"

"Okay sige, hintayin kita rito" sabi ko bago nagpaalam sa kanya at inilagay sa bulsa ng jeans na suot ko ang cellphone.

Pinatong ko sa bedside table ang isang basket ng mga prutas na dala ko at umupo sa upuang katabi ng hospital bed ng babae. Nang makaupo ay tiningnan ko ang hitsura niya. Una kong napansin ang matangos na ilong nito. Medyo makapal ang kilay niya na halatang hindi pa nabibinyagan ng anumang pang-ahit. Katamtaman ang laki ng kanyang mga mata at manipis ang kanyang labi. Mahaba rin ang kanyang itim at alon-alon na buhok. Maganda na sana siya pero maputla parin ang kanyang mukha.

Ano kaya ang nangyari sa kanya at nagawa niya ang bagay na iyon? Bakit may mga sugat siya ng bubog? Paano kaya siya napunta sa gubat? Sino kaya ang babaeng ito?

Hindi ko man kilala ang babaeng ito pero napakaraming katanungan ang bumabagabag sa akin dahil sa kanya. She got me really curious.

Sabi ng doctor ay maaaring hindi maayos ang pagkakalagay ng lubid sa leeg niya dahil hindi nito direktang naipit ang mga ugat sa kanyang leeg. Nakatulong rin daw ang turtle-neck na damit nito. At ayon sa kanilang teorya ay nawalan na siya ng malay dahil sa mga sugat niya bago paman siya maubusan ng hangin dahil sa pagkakabigti. Buti nalang daw ay agad namin siyang naibaba at nabigyan ng paunang lunas dahil kung nahuli pa kami ng ilang minuto ay maaaring bangkay na siya bago paman namin siya naibaba mula sa puno. Iyon namang biglaang pagtigil ng puso niya ay dahil sa maraming dugong nawala at sa temperatura ng lugar na malamig.

Wala na siya sa critical na kondisyon at hinihintay nalang namin na magising siya. Napalingon ako sa may paanan ng kama kung saan nakalagay ang pangalan ng mga pasyente, nanatiling Jane Doe parin ang naroon.

Napatingin ulit ako sa babae at napatitig sa mukha niya habang iniisip kung ano kaya ang rason kung bakit kami pa ang nakatagpo sa kanya. Ano kaya ang magiging parte niya sa buhay namin? At ano ang magiging parte namin sa buhay niya?

Nabagot ako sa kawalan ng magawa kaya lumabas muna ako. Nagpunta ako sa rooftop nitong hospital at malayang tiningnan ang tanawin sa baba.

Hindi ko namalayan ang pagdaan ng mga oras at tanghali na pala. Nagtext si Matt na nandito na siya sa ospital kasama si Dairy. Sa cafeteria kami magkikita para kumain.

"Zed anong balak niyong gawin ngayon?" biglang tanong ni Dairy habang kumakain kami.

"Anong ibig mong sabihin Diary? " balik tanong ko habang ngumunguya.

"I mean, tungkol doon sa babae.. Bakit pa kayo bumalik dito? Hindi pa ba sapat na dinala niyo siya sa ospital? "

" Ano ka ba Dairy, kahit hindi namin kilala ang babaeng iyon mali naman siguro na pabayaan nalang namin siya, lalo na't walang nakakaalam kung sino siya at kung mayroon pa ba siyang guardian!" si Matt ang sumagot sa kanya.

"Tss. Edi ikaw na mabait! Nag-aalala lang naman ako sa inyo, paano kung hindi pala suicide ang kaso ng babaeng iyon? Paano kung attempted murder pala? Tapos nakamasid lang iyong salarin? " putak na naman ni Dairy na may hand gestures pa.

The Lady With A Cursed SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon