chapter fourteen

1 1 0
                                    

"DO YOU THINK makakaabot po tayo?" tanong ko habang tumatakbo na kami papunta sa gym kung saan ang assembly

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DO YOU THINK makakaabot po tayo?" tanong ko habang tumatakbo na kami papunta sa gym kung saan ang assembly.

"We will, sweety."

After sabihin ni Mommy na my doctor said I can join the team building biglang tumawag si Melanie para sabihin na malapit ng kunin ang waiver. Walang pagdadalawang-isip naman na hinila ako ni Mommy sabay takbo papunta sa sasakyan para makaabot sa oras kaya lang alam kong imposible.

"It's fine naman kahit hindi ako makasama..."

"Tigilan mo yan, makakasama ka!" Tumahimik na lang ako dahil alam kong wala akong laban kay Mommy. "At last! Let's go!"

"Mommy! You need to be care..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita kong napunta sa amin ang atensyon ng lahat ng tao sa gym.

"My daughter will be joining. I'm sorry for late..."

"Madam! Mabuti naman po at makakasama na si Ms. Joie. Ms. Joie, masaya akong makakasama ka sa wakas." Ngumiti lang ako kay Mr. Principal habang si Mommy pilit ngiti dahil pinutol ang sasabihin niya na siyang ayaw na ayaw niyang ginagawa sa kanya.

Natawa ako kaya naman napatingin na naman ang lahat sa akin. "Hi?" I said awkwardly.

"Oh, my, gosh! This team building is going to be fun!"

"Melanie!"

Mabuti na lang biglang pumunta si Melanie kaya nawala ang kaba ko sa mga tingin nila.

"Vice!" Bigla akong siniko ni Melanie nang makita niyang papalapit sa amin si President.

"President!"

"Mabuti naman pinayagan ka na sumama. Akala ko matatapos ang term ko hindi pa rin kita nakaka-bonding." Natatawang sabi niya kaya naman natawa din ako.

"Mabuti na lang hindi na siya na-baby ng parents niya." singit ni Ms. Secretary kaya naman napatingin kaming lahat.

"Shut the fuck up, bitch! Wala kang alam kaya tumahimik ka!" sigaw ni Melanie, susugod na sana siya mabuti na lang nahawakan ko ang kamay niya.

"Calm down, Lanie." bulong ko.

"I'm sorry." Bulong niya kaya nginitian ko lang siya para malaman niya na okay lang.

Humarap ako sa mga taong hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig nila. Ngumiti ako sa kanila.

"Sorry for being late. I need to attend something."

"If you're sorry why don't you sponsor our snacks?" may halong sarkastikong tanong ni Ms. Secretary kaya natahimik ang lahat.

Ngumiti ako. "Sure! That's not a problem."

"I also volunteer to buy our snacks." President Cyrus said kaya napailing ako.

"It's fine, ako na."

"Gideon will also volunteer. More snacks, more fun!" sigaw naman ng isang lalaki na nasa mga bleachers habang hawak ang kamay ni Weirdo na nakatitig na naman sa akin simula pa kanina.

The Art of PretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon