"GIDEON!" sigaw ko sabay bangon.
Napanaginipan ko siya. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakangiti, pinagmamasdan niya lang ako. Tinatawag ko siya siya kaya lang walang boses ang lumalabas sa bibig ko hanggang sa unti-unti siyang nawawala.
"Hey? Are you...are you okay?" Natatarantang tanong ni Lou na halata mong kakagising lang dahil inaantok pa siya.
"I....yes I'm fine!" Pagpapasigla ko sa boses ko para hindi na mataranta si Mary, mahirap na medyo may pagka-oa ang babaeng ito.
"Osya, magready ka na mamamasyal muna tayo."
Aalis na sana siya kaya lang bigla niya akong binalikan. "Don't forget to wear your swimsuit." nakangising sabi niya na may kasama pang pagkindat kaya napailing ako.
-
"WHAT DO you think?" Umiling ako kaya naman napasimangot siya.
"Maganda kaya!"
"Kung maganda naman pala bakit mo pa ako tinatanong?" Natatawa ako sa kanya dahil kanina pa siya nagrereklamo dahil lahat na lang ng kunin niya hindi maganda sa paningin ko.
"Ganda kaya ng taste mo!"
Hindi ko na lang siya pinansin dahil naglibot-libot na lang ako sa isang boutique. Napagpasyahan kasi naming libutin ang resort kaya naman napadpad kami sa isang street na maraming mga stalls, boutique, and many more.
Lumabas na lang muna ako para maglibot sa buong resort. Hindi na ako nagpaalam dahil nakita naman ako ni Cy na lumabas dahil nasa labas lang siya at ayaw samahan si Mary.
Nararamdaman kong may maling nangyayari sa akin simula pa umpisa, hindi ko alam kung ano o kung meron talaga. Sobra akong kinakabahan pero bigla ko na lang nakalimutan dahil sa nakikita ko sa paligid. Ang ganda ng buhangin, puting-puti at kulay asul ang dagat. Maraming puno kaya naman sobrang refreshing ng paligid. Kaunti lang ang tao kaya makakapagpahinga ka talaga dito.
"Babs, Joie!" Mabilis kong hinanap ang boses dahil alam na alam ko kung sino ang nagmamay-ari nito.
"Babs!" sigaw ko sabay takbo sa kanya at talon kaya naman mabilis niya ako sinalo.
"Careful!" sigaw niya dahil sa gulat sa ginawa ko.
"Sorry. Na-miss kita. Mabuti na lang nandito ka na." bulong ko sa kanya habang nakakarga pa rin ako at inaamoy-amoy siya.
"I'm sorry. Alam kong ilang beses ko ng hindi tinutupad ang pangako kong hindi kita iiwan pero hindi..." pinutol ko ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
"I miss you so much." bulong ko nang maglayo ang mga labi namin at ngayon ay magkadikit na ang mga noo namin.
"I have a surprise for you." Pagbabalita niya kaya naman natuwa ako at napatalon kaya lang nakalimutan kong buhat niya ako at ang ending ay nawalan siya ng balanse kaya naman napahiga kami sa buhangin. Nasa ibabaw niya ako pero bigla niyang pinagpalit ang posisyon namin sabay nakaw ng halik.
BINABASA MO ANG
The Art of Pretending
ChickLitI'm fine. The most commonly told lie. Used to hide how you really feel. You want people to believe you're fine even though you're dying inside and have nowhere to go. -Gideon