PASUKAN na naman. Second semester, finals malapit na akong mag-grade twelve at malapit na ding matapos ang seniors namin. Ma-mimiss ko sila lalo na yung pagiging istrikto nila sa amin.
"Nakapagprepare ka na for college entrance exams?" Napatingin ako kay Melanie.
Tumango ako sa kanya habang hindi siya tinitignan dahil inaasikaso ko na ang mga papers for reporting ng student council na pinapaasikaso ni President. Kakapasok palang namin pero yun na agad ang pinagawa sa amin para daw kapag declaration of the funds hindi na daw magkakagulo.
"Saan kaya ako papasok?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya at nang ma-realize niya ang sinabi niya nanlaki ang mata niya dahil matagal ko na silang sinasabihan tungkol sa college, alam ko naman matagal pa yon pero mabilis lang ang panahon.
"May mga campuses naman na ako sa bucket list ko pero hindi kasing bongga ng sayo."
"Hindi naman pabonggahan yan ng school as long as masaya ka sa pinapasukan mo at gusto mo ito makakapagenjoy ka na marami ka pang matutunan."
"Daming time, tapos na pinapagawa ko?" Tanong ng kakapasok pa lang na si President Cyrus. Nung nagpunta siya sa hospital naging friendly na siya sa akin at sa mga kaibigan ko.
"Patapos na po. Daming time baka gusto mong tumulong?" sarkastiko namang tanong ni Melanie kaya matawa si Cyrus.
"Let's go, treat ko na lang kayo ng lunch!"
Tatanggi pa sana ako pero mabilis akong nahila ni Melanie. "Libre yarn bawal umayaw."
N
asa unahan namin si Cyrus, kami namang dalawa nasa likuran niya at noong napahinto ito napahinto na din ako sabay hila kay Melanie na hindi huminto kaya muntik na siyang mauntog sa likuran ni President.
Tatanungin na sana namin siya anong nangyari kaya lang sinundan ko na lang siya ng tingin, nakita ko si Mary Lou na walang kaarte-arte sa katawan mag-isa sa lamesa hindi katulad ng dati na sobrang ayos niya at dami niyang kasama. Nakita kong napakuyom ang palad ni Cyrus. Napasinghap naman kaming dalawa ni Melanie nang may dumaan sa likuran ni Lou sabay buhos ng nasa tray mabuti na lang naagapan ko.
"Continue that and we will meet at the guidance." Pagbabanta ko kaya naman nataranta siya kaya sa kanya nabuhos ang dapat ibubuhos niya kay Mary Lou.
"Punta ka na don, I will order for you!" Nagulat ako sa pagbulong ni Melanie dahil may kasamang kurot.
Uupo na sana ako sa tabi niya nang may nanghila sa akin kaya napalayo ako. "This is my seat, thanks." Haisley said while smiling.
"Oops, this is mine." It was Amaranth who said that. At nagtuloy-tuloy pa ang mga kaibigan ko sa pag-upo kaya naman nasa harapan lang ni Lou ako naupo.
BINABASA MO ANG
The Art of Pretending
ChickLitI'm fine. The most commonly told lie. Used to hide how you really feel. You want people to believe you're fine even though you're dying inside and have nowhere to go. -Gideon