chapter twenty-two

0 0 0
                                    

ILANG BESES akong napahinga ng malalim habang nakatingin sa mga librong kailangan basahin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


ILANG BESES akong napahinga ng malalim habang nakatingin sa mga librong kailangan basahin. Gustong-gusto kong magbasa pero may pagkakataon kasing tinatamad ako kaya lang kailangan kaya pipilitin mo ang sarili mo para matapos at magkaroon ka ng maraming oras para maging tamad.

"Problema mo din ba kung anong gift mo kay Gideon?" tanong ni Mary sabay upo sa tabi ko. Nasa office ako ngayon dahil vacant para ayusin ulit ang mga paper para sa gaganapin na welcome party for the freshmen.

"Excuses?"

"Dadaan ka?" Napataas ng kilay si Mary nang makita niyang seryoso ang mukha ko. Napanganga siya. "Hindi mo alam?"

"Nope? Wala akong alam tungkol sa kanya."

"Hindi ba nag-uusap naman kayo?" Umiling ako. "Yeah and pigs can fly." Dagdag niya kaya naguluhan ako.

"Connect?"

"Wala lang gusto kong sabihin yon matagal na kaya lang walang opportunity." Natatawang paliwanag niya.

Tumayo ako sabay harap sa kanya. "Why are talking to me now?" Mahinahong tanong ko kaya napahinto siya at napangiti ng pilit.

Two weeks after we went to Tagaytay hindi nila ako kinausap. Si Cyrus na kapag may pinapagawa ay sinasabi pa niya sa iba para masabi sa akin. Si Mary Lou na umiiwas kapag nagkakasalubong kami. At si Gideon na ni hi, hello wala akong natanggap.

"Processing kasi yung sinabi mo sa akin. Sorry."

"It's fine!"

"So nung na-hospital ka ay may possibility na ano..."

"Mamatay ako?" Umiwas siya ng tingin kaya natawa ako. "Hindi mo naman kasalanan yon, naging pabaya din ako kaya naging ganoon ang kinalabasan."

Hinawakan niya ako sa braso at nagdabog kaya napatingin sa amin ang mga naglalakad. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin sila sanay na nag-uusap kami na sobrang dikit kaya maraming kumakalat na chismis.

"Hindi mo nga kasalanan, wala kang kasalanan. Kumusta si Tita?" Pag-iiba ko sa topic.

Noong isang araw kasi ay binisita namin siya, ipinaliwanag namin sa kanya na huwag siyang mag-alala sa bayarin sa Hospital dahil may mga foundation na pwedeng hingin ng tulong. Wala si Mary Lou dahil naghahanap daw siya ng part time job na hindi naman talaga kailangan pero mapilit siya, sa bakasyon lang naman daw niya gagawin yon.

"Pumunta pala kayo doon hindi kayo nagsasabi."

"Kasi hindi mo nga ako kinakausap kaya paano ko masasabi?"

Tumawa siya. "Bawi ako. Bili tayo ng regalo kay Gideon. Gagawin yung party sa resort nila pero tayo-tayo lang naman."

"I d-don't... k-know?" tanging nasagot ko pero hindi niya ito pinansin dahil hinila na lang niya ako kung saan.

-

SATURDAY. It's Gideon birthday. Four o'clock in the morning, medyo malayo ang resort na pupuntahan namin kaya kailangan naming maagang magbyahe.

The Art of PretendingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon