ISANG ORAS akong naunang nagising sa alarm clock ko kaya naman may oras akong ikondisyon ang sarili ko. Kailangan kong maging matatag dahil alam kong mahaba-haba ang araw na ito.
Five o'clock in the morning I get up to prepare for my morning rituals. This is what I'm doing this past seventeen years of my life.
Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin pagkalabas ko palang ng kwarto. "Good Morning!"
"Melanie? Good Morning! You're so early!" Natawa siya sa naging reaksyon ko. She just shrugged then walk away.
Mas pinagtaka ko ay habang papunta ako sa kitchen may nakakasalubong ako at niyayakap nila ako. "What was that?" bulong ko habang hinahanda ang lunch niya.
Kailangan kong magbaon dahil bibisita daw ako sa school kung saan magkakaroon ng partnership ang school ko.
Kagaya ng laging nangyayari mas nauuna akong umalis sa mga kaibigan ko dahil marami akong dapat asikasuhin.
Minsan nakakapagod na pero sino ako para umayaw kapag napagod. Kahit na minsan hindi ko na gusto ang mga nangyayari sa akin, nagpapasalamat pa rin ako na nangyari iyon dahil may natutunan ako.
"Manong ang weird ng mga tao sa bahay, ano pong meron?" tanong ko habang papasok sa kotse dahil hindi ko na talaga maiwasan. They are all weird.
"Narinig ko po kasi na kagabi na ikaw na lang daw po lagi ang umaako ng mga kasalanan kahit na hindi niyo naman po talag iyon responsibilidad. Medyo nagi-guilty na po yata sila at mas lalo po silang naguilty noong umuwi kayo kahapon na halatang pagod."
Natahimik ako sa narinig ko. Naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Si weirdong lalaki.
"Kuya Kanor, hintayin niyo po ako dito we will go to St. Augustine International School." pag-iiba ko sa pinaguusapan namin.
"Ms. Sheryl texted me na she's there, for us to start our partnership." pagpapatuloy ko habang nakatingin sa phone ko dahil binabasa ko ang instruction ni Ms. sa akin.
Hindi ko na siya hinintay makasagot dahil mabilis akong lumabas sa kotse at tumakbo papunta sa opisina ng Principal. Wala na din akong binati kahit na isang estudyante dahil sa pagmamdali kong makuha ang papeles.
"I'm sorry!" Sigaw ko nang may naramdaman akong natamaan ko sa pagmamadali.
"Good Morning Madam Principal, Ms. She said..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inilagay na niya ang papeles sa harapan ko.
"I'm going to trust you with these projects. I know you will do everything to make it perfect." I stunned because of what she said but smile after seconds. "It's my pleasure to be part of this event, Madam." sabi ko na lang sabay yuko na para magpaalam.
"You are excuse to all your class today."
"Thank you po."
Nginitian niya lang ako kaya naman mabilis na akong lumabas sa opisina pero pagkalabas na pagkalabas ko palang ng pinto may humila na sa kamay ko at dahil sa gulat ko mabilis kong binawe ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Art of Pretending
ChickLitI'm fine. The most commonly told lie. Used to hide how you really feel. You want people to believe you're fine even though you're dying inside and have nowhere to go. -Gideon