I'VE BEEN quite for a long time after the waiting shed incident. Until now I'm amazed by his name. It suit him. It is like he is destined to name like that.
Gideon.
"Lady, nandito na po tayo." napatalon ako sa gulat dahil sa sinabi ni Mang Kanor. Ganoon na ba ako katulala hindi ko namalayan na nasa Mansion na ako ng magulang ko.
"Mabait po si Sir, Lady. May tiwala po ako sa kanya." napakunot ang noo sa sinabi niya kaya napatingin ako na naguguluhan pero tinawanan niya lang ako. "Si Sir Gideon po, Lady."
"H-hindi po...hindi po ba kayo natakot sa kanya?" tanong ko pero umiling lang siya. "Yung mga tattoo niya po..."
"Lady, siya po yung iniligtas niyo nung isang araw?" gulat na gulat si Mang Kanor kaya naman nagulat din ako.
"Siya ba yon!?" tanong ko pero nagulat lang ito sa tanong ko.
"Hindi niyo po namukhaaan?"
"Mang Kanor naman e! Nagbibiro lang po kayo di..." Bigla kong naalala yung mata niya at yung boses niya.
"Sabi sayo Lady." Pang-aasar niya kaya naman napanguso ako kaya natawa si Mang Kanor.
"Joie, Tay Joie po." Pag-iiba ko sa topic habang inaayos ang sarili ko bago ako pumasok.
"Noted, Nak! Pasok ka na, alam kong kanina ka pa nila hinihintay." masayang sambit niya kaya naman tumango ako.
"Tingin niyo po papayagan ni ako sa team building?" tanong ko habang sabay kaming naglalakad papasok.
"Hindi ko alam ang sagot d'yan, Nak. Alam mo naman na ang magulang mo lang ang makakasagot niyan pero ang sigurado ako ay kung ano ang magiging desisyon nila alam kong ito ang makakabuti sa iyo."
"Una na po ako, sabihin niyo po kay Nay dadaanan ko po siya mamaya para magpaturo ng bagong recipe."
"Sige Nak, sasabihin ko. Pahinga ka muna ha?"
"Noted!" Ngumiti ako sa kanya bago ako umalis para hanapin si Mommy dahil sa kanya dapat ako magpaalam.
-
ISANG ORAS ang lumipas simula nang umuwi ako, hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang harapin si Mommy para makapagpaalam. Hindi ko kaya lalo na alam ko ang sasabihin niya at magiging reaksyon tungkol dito.
"Sabihin mo na," Biglang may nagsalita sa tabi ko. Nasa kwarto ako, dito ako dumeretso pagkauwi ko.
"Alam mo naman pong hindi din ako papayagan, Kuya."
"Ipagpapaalam kita," niyakap niya ako. "Alam kong matagal mo ng gustong maranasan ito kaya aakuin ko ang responsibilidad, sasama ako as your guardian."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ano po ako bata?"
"Yes bata pa kayo ni Shila, I don't think matatanggap ko kapag nagka-boyfriend na kayo baka masapak ko sila."
"So brutal, Kuya!"
BINABASA MO ANG
The Art of Pretending
ChickLitI'm fine. The most commonly told lie. Used to hide how you really feel. You want people to believe you're fine even though you're dying inside and have nowhere to go. -Gideon