"Sa mundong ibabaw, ang nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap ay magkakarugtong. At kada segundong lumilipas, meron kang milyon-milyong existence na pwedeng mabuo oras na pakialaman mo ang nakaraan."Kumunot ang noo ko. "Hindi ko maintindihan."
"Because you are a human, Xyrus,” she emphasized. “Hindi abot ng isip mo ang mundo namin, dahil para sa ibang tao, isa lang imahinasyon ang mundong ito. Maswerte ka dahil nabigyan ka ng pagkakataong mabalikan ang nakalipas, para sa susunod, alam mo na ang pagkakamali mo; hindi ka na magkakamali at magsisisi."
Asar akong ngumisi. "Ginagago mo ba ako?!” Nakipagtitigan akong maigi upang ipaintindi sa kanya kung ano ang nais kong mangyari. “Ang gusto ko, baguhin ang pagkakamaling ginawa ko. Ang gusto ko, MABUHAY SI EYYA!"
"Kaya nga nandito ka…” pagduduldulan niya sa’kin. “Nandito ka para maibalik siya, pero sa paraang hindi mo kakailanganing baguhin ang nakaraan."
Kumunot na naman ang noo ko… "Ibig sabihin, puwede siyang mabuhay?"
"Pwede, pero, kailangan mong matagpuan ang tatlong bagay sa alaala ni Eyya."
"Anong tatlong bagay?"
"No one knows, only your heart does."
Napahilamos na lang ako ng mukha sa gulo ng sinasabi ng babaeng ito, para bang ginagawa niya akong ulol dahil lang sa kagustuhan kong balikan ang nakaraan.
"Eyya, may nagpapabigay sa'yo."
Isang boquet of roses ang inabot ng babae kay Eyya.
"Kanino raw galing?"
"Galing kay Roi!" nakangiting tugon ng kausap niya.
Tiningnan naman ni Eyya ang card na nakalagay sa bulaklak.
"Roi Klentt Matteo…"
Dumiin ang pagkakatiklop ko sa aking kamao nang malaman na kay Roi galing iyong bulaklak. Ibig sabihin pala, nagbalak talaga siyang ligawan si Eyya bago pa maging kami… Naalala ko na si Eyya pala ‘yung babaeng madalas niyang kinukwento sa akin na nagpatibok ng kaniyang puso, pero bakit hindi niya sinabi ang bagay na iyon sa akin at umarte lang siyang normal ang lahat?
"May nalaman ka na naman na hindi mo alam. ‘Yan ang maganda kapag nabibigyan ng pagkakataon."
Tumingin lang ako kay Eleven pagkatapos ay naupo na lang ako, at ipinagpatuloy ang panonood ng mga alaala ni Eyya.
"Si CX! Gagawa ako ng paraan para malapitan ko siya!"
Nagmamadaling umikot sa corridor si Eyya. Nang makalapit, pasimple itong nagdahan-dahan sa paglakad para mapansin siya ni Xyrus.
Nang magkasulubong ang landas nila sa iisang daan, natigilan si Xyrus; matamis niyang nginitian si Eyya. Pawang puno ng saya ang mga mata ng dalawa.
"'Yan ‘yung mga panahong hindi pa kami at hindi ko pa nakikita kay Eyya ang mama ko," mahina kong saad sa sarili ko.
Umupo si Eleven sa tabi ko. "Alam mo, hindi ko maintindihan kayong mga tao. Gumagawa kayo ng mga bagay na pagsisisihan niyo sa huli, tapos, gugustuhin niyong bumalik sa nakaraan na akala niyo ganun lang kadali ang lahat. ‘Yung mga nangyayari sa inyo ngayon... 'yan ang resulta ng mga desisyon niyo sa nakaraan na ipinagpapatuloy ng kasalukuyan."
BINABASA MO ANG
TIME MACHINE
FantasyMaraming proseso ang pagdaraanan nito. Kung handa ang utak mo... tara, samahan mo akong tapusin ang paglalakbay ng ating bida, ngunit kung hihinto ka rin sa kalagitnaan, huwag mo ng simulan. Dalawa lang ang puwede mong pagpilian, magpatuloy o humint...