Iminulat ko ang mga mata ko at dun ko naramdaman ang pananakit ng buo kong katawan dahil sa sementong pinaglaglagan ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at inisip kung ano ang nangyari.Teka—Nakabalik na ba ako sa nakaraan?
Luminga-linga ako sa paligid, ngunit hindi ko maisip kung ano o kung saang bahagi ng alaala ako nahulog. Sa akin nga ba ang alaala na ito o kay Eyya?
Habang malalim ang aking pag-iisip, napatingin ako sa batang babae na nasa harapan ko. Ngumiti ito habang inaabot sa akin ang isang maliit na libro. Ang cute niya, para siyang buhay na manika dahil sa ganda at amo ng mukha niya.
Kinuha ko ang hawak niya. "Bata, anong pangalan mo?" tanong ko. Imbis na sumagot ay ngumiti lang uli siya. My eyes widened when I opened the book. I just realized this is the book I was holding a few minutes ago.
Bakit ang malaking libro kanina, ngayon ay naging kasing laki na lamang ng karaniwang notebook? Pati ang mga orasan nito ay huminto na rin sa pag-ikot. Lahat ng mahabang kamay ay nakatutok sa 2 at ang maikling kamay ay sa 7. Ito ba ang oras ng pagdating ko rito?
Agad kong ibinaba ang hawak ko para tingnan ang batang babaeng nasa paahan ko, pero napangiwi ako at napalunok. Nagtataka akong tumingin sa paligid, biglang nawala ‘yung batang babae.
Nasaan na 'yon? Ibinalik ko ang aking mga mata sa libro.
I heard someone calling my name from behind. "Xyrus, nandiyan ka lang pala!"
Napalingon ako dun sa babaeng sumigaw sa pangalan ko.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala ang babaeng 'to.
Nakangiti siyang lumapit. Pilit kong iniisip kung nakilala ko na ba siya noon ngunit hindi ko matandaan. Alaala ko ba talaga 'to o kay Eyya? Dapat si Eyya ang kasama ko at hindi ang babaeng 'to. I don't have time for her.
"Ano, tititigan mo lang ako, ha? Let's go!" aniya, saka yumakap sa braso ko. Agad kong inalis ang braso ko sa pagkakayapos niya at sinamaan siya ng tingin.
Naiirita ako sa pagpapa-cute niya.
"Who are you?"
Lalo akong sumimangot sa pagtawa niya. Bwisit! Wala akong oras sa kaniya.
Asan ba kasi si Eyya?!
Panay ang libot ng mata ko sa paligid, hanggang sa mamataan ko si Eyya na naglalakad at may kasamang lalaki. Nabuhayan ako ng loob na makita siyang buhay at masaya, pero sino iyong kasama niya?
Narinig kong may nagsasalita sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Kailangan kong mahabol si Eyya. Aalis na sana ako nang may humawak sa damit ko. Dahil sa pagkakahila niya, muntik ng mapunit ang t-shirt ko.
Inis ko siyang nilingon at muntik ko na rin siyang mamura, buti na lang at napigilan ko. "Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" singhal ko sa mukha niya.
"Are you still mad?" Sinamaan ko lang siya ng tingin. Wala akong pakialam kahit namumutla na siya at parang mauubusan ng dugo. May kailangan akong gawin. Wala akong panahong tumulong sa ibang tao.
"Bitiwan mo nga ako!" bulyaw ko saka marahas na tinanggal ang pagkakahawak niya sa damit ko. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pero wala na akong pakialam.
"Sorry na kasi!"
"Miss, pwede ba, h‘wag kang makulit? May hinahanap ako."
Lalo akong nakaramdam ng inis dahil hindi ko na alam kung saan hahanapin si Eyya.
Damn it! How can I find Eyya?! Where am I?!
Nanlumo ako at inis na ginulo ang buhok ko. Nilingon ko ‘yung babae. Dahil sa sobrang inis ko, gusto ko siyang sisihin, pero hindi ko maintindihan kung bakit nakaramdam ako ng awa sa kaniya nang makita ko ang itsura niya ngayon.
Kainis! Kailangan kong mahanap si Eyya. Hindi ako pwedeng maawa ngayon. Kailangan kong mahanap si Eyya, dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa lugar na ito! Kailangan ko siyang mailigtas!
Tinalikuran ko ‘yung babae at muling luminga sa paligid. Natigilan ako nang maramdaman ulit ang pagkapit niya sa braso ko. "Xy-rus, h’wag ka ng maga-galit! Nahi-hirapan na akong hu--"
Halata sa boses niyang nahihirapan na siyang magsalita kaya naman nilingon ko na siya... ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang mapaluhod sa paahan ko.
Hirap na hirap siyang huminga habang nakakapit sa kaniyang dibdib.
"Anong nangyayari sa’yo? Ayos ka lang ba?! Miss?!" natataranta kong tanong.
Kitang-kita ko ang sobra niyang panlalambot hanggang sa dahan-dahan na siyang bumagsak; agad akong umalalay.
Kinapitan niya ako sa braso nang mahigpit. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman ko nang mapansing nag-iiba na ang kulay ng balat niya. Namumutla na siya at pinagpapawisan nang todo dahil siguro sa sobrang sakit na nararamdaman niya sa kaniyang dibdib.
"Hanna!” bulalas ko. “Hanna!" Nagmamadali ko siyang binuhat nang pangkasal.
Nalilito man, wala na akong oras para magtanong sa sarili ko. Kailangan ko munang mailigtas si Hanna. Agad kong pinara ang taxi na kadaraan lang.
NANG MAKARATING sa ospital, agad na umalalay ang mga nurse sa'kin at inihiga si Hanna sa stretcher.
Nalilito ako. Bakit?!
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ako makapaniwala sa nararamdaman ko ngayon. May kakaiba. Hindi ko maipaliwanag ang sobrang pag-aalala ng puso ko para sa babaeng iyon.
Bakit ko siya kilala? Sino ba siya? Bakit tinawag ko siya sa pangalan niya?
Matapos ang halos tatlumpung minuto na paghihintay, lumabas din ang doctor. Ipinaliwanag niya ang lagay ni Hanna. Kung hindi raw siya naagapan, mas malala pa ang inabot niya. Ngayon daw ay okay na siya at malayo na sa panganib. Lumuwag ang paghinga ko nang marinig ang mga iyon.
Nagpaalala pa rin ang doctor. Iwasan pa rin daw na ma-stress si Hanna. Ibinilin niya uli ang mga bawal. Puro tango lang ang sagot ko kahit hindi ko masyadong naiintindihan.
Napalingon ako sa pinto malapit sa kinauupuan ko. Katabi nito ang kwarto ni Hanna.
Si Hanna Jean Mendoza ay may sakit sa puso. Siya rin ay kababata ko. Ang gulo! Oo, nakakagago talaga ang nangyayari sa'kin. Anong kinalaman ni Hanna at nakilala ko siya rito sa kinasadlakan ko? Litong-lito na ako. Dalawang alaala na ang nasa utak ko ngayon. Ang alaala ni Eyya at ang babaeng si Hanna.
Paano? Hindi ko rin alam. Basta, bigla na lang nag-popped up 'yon sa utak ko.
Gusto ko ng iuntog ang ulo ko dahil gulong-gulo na talaga ako. Kung magulo nung una, dahil nakatagpo ako ng timekeeper na nagsasabing pwede akong makabalik sa past, pero humirit na bawal baguhin ang nakaraan—nonsense, para saan ang time machine kung ganun?—At ngayon, mapapamura ka na lang talaga sa sobrang bwisit.
Mas magulo na ngayon, lalo't dalawang alaala na ang nasa utak ko. Dalawang babae na magkaiba ng kinahinatnan pero parehong laman ng utak ko. Naghahalo ang mga alaala sa isip ko na para bang iisa lang ang mga iyon.
Napalingon na lang ako sa gilid ko. Nakita ko na naman ‘yung aklat sa tabi ko. Hinawakan ko 'yon at binuklat. Nagmamaktol ko iyong hinagis nang muling maguluhan sa mga numero ng libro. Pakiramdam ko, pinaglalaruan ako ng mundo. Ginagawa nila akong laruan. Akala ba nila papayag lang ako? Hindi! Hindi ako magpapatalo!
Ibabalik ko pa rin si Eyya! Parehas kaming makakabalik! Ipinikit ko saglit ang aking mga mata para makapag-isip. Nang iminulat ko iyon, napalingon ako sa dumampot ng librong ibinalibag ko.
To be Continued…
BINABASA MO ANG
TIME MACHINE
FantasyMaraming proseso ang pagdaraanan nito. Kung handa ang utak mo... tara, samahan mo akong tapusin ang paglalakbay ng ating bida, ngunit kung hihinto ka rin sa kalagitnaan, huwag mo ng simulan. Dalawa lang ang puwede mong pagpilian, magpatuloy o humint...