Napalingon ako sa pwesto ni Eleven dahil parang abala siya sa kaniyang ginagawa. Nakita kong binitawan niya ‘yung libro at inilagay 'yon sa dulo ng bookshelf. Kumuha siya ng bagong libro na nakahilera rin sa lagayang iyon.Napangiti ako pero bigla namang napalingon sa akin si Eleven kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kaniya. Nahalata niya kaya na may plano akong kunin ‘yung libro?
Dahan-dahan ko ulit inilingon ang mukha ko sa kaniya pero nakatingin siya sa libro na hawak niya. Nang makumpirma ko na hindi naman siya nag-isip ng kung ano, ibinalik ko na ang mata ko sa screen.
Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong nanonood ng alaala ni Eyya, pero kahit isang bagay, wala pa rin akong nakikita. Tama, napakaimposible talaga ng gusto niyang mangyari, o baka wala naman talagang tatlong bagay. Baka pinapaasa niya lang talaga ako.
Nang maisip ko ‘yon, nakaramdam ako ng sobrang pagkaasar. Paano kung kalokohan lang 'tong ginagawa ko?
Nilingon ko ulit si Eleven pero bigla siyang nawala sa pwesto niya.
"Teka, asan na ‘yon?'
Hindi ko na inisip kung saan siya nagpunta. Ang nasa isip ko lang ay kung paano ko makukuha ‘yung libro.
Tumayo ako para lumapit dun sa table niya at nakita ko ang mga kalat-kalat na papel na akala mo résumé ng mga aplikante sa isang job interview.
Para saan kaya ang mga ‘to?
Napalingon ako sa bookshelf na pinaglagyan ni Eleven ng libro at dun ay dahan-dahan akong lumapit pero napakunot-noo ako at nanlumo. Pare-pareho ang cover nung mga libro. Hindi ko tuloy alam kung ano dun ‘yung aklat na palagi niyang dala.
Gusto kong magmura nang paulit-ulit. Nababadtrip na talaga ako sa kalokohan na 'to.
Tumigil ako at pumikit upang alalahanin ‘yung ginawa ni Eleven kanina. Sa naaalala ko...
Ngumiti ako ng mag-sink in na sa isipan ko kung paano inilagay ni Eleven ‘yung libro sa shelf. Naglakad ako patungo sa hangganan ng lagayan nitong mga libro at dun ay lalong lumapad ang ngiti sa labi ko nang makitang umiilaw ang aklat na iyon na para bang kinakausap ako at tinatawag.
Para bang inuudyukan ako nitong kunin siya at buksan. Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko upang kunin ang libro na iyon. Nang mahawakan ko na ito, dun ko napagtanto na hindi siya mabigat. Para itong plastic bag na walang laman. Napakagaan, pero ang kapal-kapal namang tingnan.
Ang itsura ng libro ay sobrang kakaiba. Punong-puno ito ng orasang maliliit. Umiikot ang mga kamay nito na para bang may iba’t ibang pangyayaring nagaganap sa loob ng librong 'yon.
Kahit ang ibang libro sa wooden shelf ay nakaka-curious buksan, tila ba may kaniya-kaniya itong gamit, pero hindi ako pwedeng magtagal sa pag-iisip at lalong hindi ako pwedeng magpatangay sa mga nakikita. Baka malimutan ko ang tunay kong pakay.
Nilingon ko ulit ang librong hawak ko saka ngumiti. "Maibabalik na rin kita, Eyya. Mabubuhay ka na. Magagawa ko ng baguhin ang nakaraan."
Pagbukas ko ng libro, bigla na lang itong nagliwanag kaya naman nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha. Sobrang liwanag, subalit hindi nakakasilaw. Para nitong inaaliw ang mga mata ko gamit ang makikintab na alikabok na tila pinong ginto na nagsasayaw sa liwanag.
Hindi ko maintindihan, pero para talagang tinatawag ako ng librong ito. Blangko lang ang unang pahina nito kaya agad kong inilipat hanggang sa bumungad sa akin ang content ng libro. Ang lalaki ng sulat. Hindi ka maduduling na basahin ang nilalaman. Para bang nakasuot ka ng salaming punong-puno ng grado. Napakalinaw ng mga letra at napakaganda ng kaligrapiya. Ang bawat pahina ay kulay kape na animo'y hindi naluma ng panahon. Maganda pa rin ang itsura. Alagang-alaga ang bagay na ito o marahil dahil sa mahikang bumabalot dito.
Teka, hindi ito ang oras para mamangha. Dapat kong mahanap ang sagot sa tanong ko. Mabilis kong hinanap ‘yung pahinang sasagot sa ninanais kong mangyari. Marami akong hindi maintindihan na mahirap sagutin, katulad na lang nito: parang alam ko kung saan ko makikita ang sagot sa mga tanong ko? Haist! Wala ng panahon para mag-isip at magpaliwanag.
Natigilan ako nang makita ang mga numero. Ngayon ko lang napansin na magulo ang mga numero sa aklat na ito. Iba't iba rin ang letrang kasama ng mga numero. Ngunit hindi ko na iyon pinansin dahil baka dumating na si Eleven. Dali-dali ko ng binuklat at bumungad sa akin mga katagang ito: Don't try to change the past!
Napakunot-noo ako at agad kong inilipat ang pahina.
Sa sunod na pahina, nakita ko na agad ang sagot sa mga katanungan ko.
"How to break the rule?"
Go to the next page…
Reminders. You should know the following—
Hindi ko na binasa pa ang kasunod dahil iniisip ko na sayang sa oras kaya inilipat ko na agad 'yon sa kasunod na pahina.
If you’re done reading the reminders, and have finally decided...
Go to the next page.
Inis kong inilipat ang pahina. Dumikit ang isang page kaya lalong tumagal! Nape-peste na ako! Bakit ba napakaraming kaartehan nitong librong ‘to? 'Di na lang pagsama-samahin sa iisang pahina para madaling intindihin at matapos na itong lahat!
Now, sign in using your right hand and think of the memories you want to go back to.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ito na ang pinakahinihintay kong pahina. Merong naka-drawing na right hand. Sinasabi sa guidelines na ipatong ko ang kamay ko roon at isipin ang alaalang gusto ko para makabalik na ‘ko.
Iniangat ko na ang kamay ko nang makita ko si Eleven sa harapan ko.
"Xyrus!" bulalas niya. Nakatingin siya sa aklat na hawak ko. "Anong ginagawa mo?!"
"Kung ayaw mo akong ibalik sa nakaraan, ako na lang ang magbabalik sa sarili ko sa nakaraan, T.K112714."
"Xyrus, pinagsabihan na kita, pero hindi ka nakinig! Sana lang dalhin ka ng desisyon mo sa tama at hindi mo pagsisihan--"
Hanggang dun na lang ang narinig ko kay Eleven. Nang mailapat ko na ang kamay ko rito, lumawak ang liwanag nito. Pakiramdam ko, hinigop ako ng libro papasok sa kanyang kaloob-looban. Para akong kuryenteng dumaraan sa kable. Malinaw sa paningin ko ang mga bulang lumulutang habang may mga alaala silang dala-dala.
Mga alaala? Hindi ko alam kung sa'kin ba 'to o kay Eyya.
Kakaiba ang pakiramdam ko, para akong nasa malamig at mainit na lugar. Hindi ko maintindihan. Para akong nakalutang sa mabagal at mabilis na hangin. Hindi ko maipaliwanag, magulo!
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na alam kung anong nangyayari hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagbagsak ko sa isang matigas na bagay.
To be Continued...
BINABASA MO ANG
TIME MACHINE
FantasiMaraming proseso ang pagdaraanan nito. Kung handa ang utak mo... tara, samahan mo akong tapusin ang paglalakbay ng ating bida, ngunit kung hihinto ka rin sa kalagitnaan, huwag mo ng simulan. Dalawa lang ang puwede mong pagpilian, magpatuloy o humint...