T.M 2: Hanna

95 11 36
                                    


"So, you’re blaming me? Sinasabi mo bang kasalanan ng buong basketball team kung bakit late ng natapos ang practice?"

"Hindi!” agad niyang tanggi. “Hindi!"

"Tama na nga! Bakit ba hindi ka pa umuuwi? Anong oras na, nandito ka pa! Mamaya, may mangyari sa’yo ako pa ang masisi!” singhal ko. “Please lang, Eyya, ‘wag mo akong pagmukhaing masama sa mga kaibigan at teammates ko."

"Hindi ko intensyon iyon, Xyrus!"

"Hindi mo intensyon, pero dahil sa sobrang bait mo, nagmumukha akong masamang tao."

"Sorry, hindi ko alam!"

Bumuga ako ng hangin sa sobrang inis. "Napakalayo ng ugali mo sa lahat ng mga naging ex ko. ‘Wag mo namang ipakita sa akin na nagkamali ako sa’yo."

Nakita ko ang nangingilid na luha ni Eyya. Alam kong nasaktan ko siya, pero wala ng paraan para mabawi ko pa ang mga sinabi ko. Walang time machine, kaya ‘wag na siyang umasang magiging tulad ulit kami nung unang beses kaming magkakilala. Imposible na ‘yon.

Hindi ko inintindi ang pag-iinarte niya. Ayokong makaramdam ng awa. Bahala siya sa buhay niya. Ginusto niya ako kaya maghirap siya sa pangit kong ugali. Hindi ako ang mag-aadjust para sa kanya.

"Xyrus, hindi mo ba naaalala? May usapan tayo ngayon," mahinang saad ni Eyya kasabay ng pagkahulog ng mga luha niya. Hindi ko alam kung bakit parang may humaplos sa puso ko nang makita ang pagbagsak no’n. "Pu-pumayag ka na magde-date ta-tayo ngayon!" humihikbi niyang sambit.

Umiwas ako ng tingin, dahil hindi ko siya magawang titigan nang matagal. Huminga ako nang malalim at mas tinigasan ang loob na humarap sa kanya. "Kailan ako pumayag?”

Tumalikod na ako at naglakad.

"Xyrus, please! ‘Wag mo naman akong tratuhin nang ganito." Humabol siya’t kumapit sa braso ko. "Alam mo naman na mahal na mahal kita, ‘di ba? Bakit ba nagkakaganyan ka?! Please, bumalik ka na katulad noong una!"

"Kung ayaw mong tratuhin kita nang ganyan, tigilan mo ang pag-iinarte. BITAW!"

Lumuwag ang pagkakakapit niya. Panay na ang pagpahid niya sa mga luha niyang hindi maubos-ubos.

"Xyrus, please!"

Lalo akong nakaramdam ng inis. "Pagod na ako, Eyya! Alam mo naman na maghapon ang practice namin tapos aartehan mo ako nang ganyan? Please lang, umuwi ka na. Hindi na kita maihahatid."

Tinalikuran ko siya’t naglakad na ulit.

Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita siya.

"Xyrus, bi-birthday k-ko ngayon,” garalgal ang boses niya na akala mo ay aping-api sa mga nangyayari.

Nahinto ako sa paglalakad kasabay ng pag-flashback sa utak ko nung araw na pumayag ako sa date.


"Xyrus, birthday ko sa 10. Date tayo, please?"

"Oo," saad ko, sabay yakap niya.


Napapikit na lang ako nang maalala ko 'yun. Kaya pala bigla niya akong niyakap noon. Naitulak ko pa nga siya nun sa pagkabigla, pero ang saya-saya niya pa rin, kaso nung mga oras na pumayag ako, may kausap ako sa cellphone. Naka-earphone din kasi ako no’n kaya akala niya siya ang kausap ko. Shit!

TIME MACHINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon