6th ♥

435 8 0
                                    

Jett's POV



Ano 'tong nararamdaman ko?



Tsk! Hindi 'to pwede.



Oo totoo, yung sinabi ko kanina eh.



Mahal ko na siya.



Gusto ko siya yung kasama ko sa lahat ng oras.



Kahit kausap ko lang siya, masaya nako.



Ang corny man pakinggan pero eto yung nararamdaman ko eh.



Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang 'to naramdaman!



"Ang alin?" -tanong niya.



"Huh?" -tanong ko rin.



"Yung ngayon mo lang naramdaman?"



"Nababasa mo ba nasa isip ko?" -tanong ko ulit.



"Eh kakasabi mo lang eh!"



Damn, she's mimicking my voice.



‘Ngayon ko lang 'to naramdaman.’



Sandali, sinabi ko ba talaga yun?



"Hahaha yiiii.. Iniisip nya yung mahal nya!" -tukso niya at tinusok tusok pa yung tagiliran ko.



"Anong pinagsasabi mo? Tara na nga!"



Hinila ko na siya, mamaya mapaamin pa ko.



Masyadong madaldal ang dila ko.



Iba ang nararamdaman ko kapag siya ang kausap at kasama ko!



Ibang-iba, hindi ko 'to nararamdaman sa ibang babae, tanging siya lang.



Masiya mang mabilis but-- is this feeling called ‘Love?



"Tignan mo 'to yayayain ako, tapos mag sesenti sa tabi, dyan ka na nga!"



"Panira moment ka palagi!" -sabi ko at hinabol siya syempre.



Umakbay ako sakanya, mukhang wala naman siyang balak alisin yun.



So, hindi ko na tinanggal..



Siguro friendly akbay lang 'to para sakanya, tsk!



Kinain na siya ng sistema ni Jaylon.



Mas pogi naman ako at mas magaling pa basketball.



Weak.



Lahat ng makasalubong namin nakatingin, minsan tinitignan ng masama si Yannah.



Hanga ako sakanya hindi manlang halata sa mukha nyang naapektuhan siya--



"Hoy? Hindi mo ba nakikita mga titig nila sakin? Baka gusto mo ng alisin yang kamay mo diba?"



Pero sa loob loob pala niya naapektuhan siya.



Tinatanggal nya na yung kamay ko kaya hinawakan ko yung kamay niya.



"Don't mind them, it's none of our business!"



***



Nakarating na kami sa room nya.



"He Changed Me.." [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon