Jett's POV
Ang sarap sa feeling pag silbihan yung taong mahal mo.
Ang sarap makita yung matatamis niyang ngiti na ako yung dahilan.
Mga dalawang araw sila Kuya sa bahay nung Eliza ba yun?
Basta yung girl friend daw ni Kuya Dave.
Kaya pinagkatiwala muna nila sa akin ang baby namin.
Dahil sumama rin si Kuya Zack para daw asarin si Kuya Dave dahil ang corny daw.
Infact, nakikita ko yung sarili ko kay kuya Zack.
Kasi ganyan din ako nung hindi ko pa nakikilala si Alvina.
Tinatawanan ko yung mga corny lines na naririnig ko.
Pero ngayon, kahit tawanan nila ko?
Wala akong pakialam, basta kinilig at napapasaya ko yung mahal ko.
See?
Ang corny na naman ng sinasabi ko, pero gaya ng sabi ko wala akong paki!
"Oy tulala ka ah, sinong iniisip mo?" -tanong niya.
Napangiti nalang ako ng mapagtantong siya yung iniisip ko.
"Sino pa ba?"-tanong ko.
Sinamaan niya ko ng tingin at tinaas pa yung kilay niya..
"Sino?"
Lumapit ako sakanya..
"Ikaw syempre wala namang iba.."
"Magkasama na tayo iniisip mo pa ko! Baliw ka na!"
Natawa naman ako..
Oo baliw talaga ako, lalo na sakanya!
"Eh kung iba kaya isipin ko?"
"Subukan mo lang.."
"Eto tina-try ko na."
Sinamaan niya ko ng tingin tas naunang maglakad.
What the?
"Sige na Jett, pasok na ko ah?"-tanong niya.
Ang galing mag palit ng mood, anoh?
Pero hindi niya ko maloloko dahil alam kong may tampo yan.
Oh, yung mata niya hindi mapakali.
Hindi makatingin sakin ng diretso.
Andito na kami sa room nya at pumunta ako sa pinto.
May prof na siya..
"Goodmorning ma'am! Pasensya na-late si Villanueva. Masyado kasing napasarap yung tulog niya dahil napadpad ako sa panaginip niya!"
Nagsitilian naman yung mga classmate nyang babae.
Ngayon lang ata nakakita ng pogi, tsk..
"Oh sige na, papasukin mo na siya! Nandito kayo sa paaralan kaya ipagpaliban nyo na muna ang pag-irog nyo sa isa't-isa.."-pagbibiro din ni ma'am.
Nakita ko sa schedule ni Yannah.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika ang tinuturo ng prof niya ngayon.
Kaya wag na kayong magtaka kung bakit masiyadong malalim ang tagalog niya.
"Lakas rin ng tama mo, ano? Bye na."
She was about to enter the room, when I grab her hand and gave her a peck on the lips..
Damn, addict na ako sa labi niya.
I'm sorry, I can't help it, tho.
"Aral maigi baby.."-is all I said and leave her astonished.
Naging instant tatay pa ako, lintek.
Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti ng makanakaw na naman ang ng halik. ♥
Bukod kasi sa gusto ko siyang halikan, ang cute cute niya sa tuwing nagugulat siya sa ginawa ko.
Mga dalawang segundo bago siya maka-recover hahaha.
Nawala sa isip kong nagtatampo siya..
Hays, nagtampo pa.
Wala naman akong ibang iisipin kundi siya lang.
Alvina's POV
Anak ng tinapa naman 'tong si Jett.
Papatayin ata ako sa kilig!
Kaso ang prof ko pa ang mukhang mas papatay sakin sa mga tingin nya.
"Ma'am pasensya na po sa sinabi niya, baliw po yun eh! Sorry po, I'm late."
"Walang bago Ms. Villanueva. Palagi ka namang nahuhuli sa klase. Pero totoo ba ang sinabi nya?"
What the hell?
Akala ko galit, pero may galit bang kinikilig? Baliw!
Naki-chismis pa siya, enoh?
"Naku ma'am. Magaling lang talaga mambola yun!"-sabi ko tsaka umupo sa tabi ni Lyra na nakangiti rin ng nakakaloko.
Eh kung isama ko kaya lagi si Jett sa tuwing ma le-late ako, para hindi ako mapagalitan?
Kaso pinag pa-pantasiyahan naman siya ng mga malalanding mata ng mga babae.
Nakakainis.
Kasama ko naman na lagi yun.
Oo, hatid sundo niya ako sa room.
Parang tatay ko yan eh.
Siya yung na trauma sa ginawa nung manyak na lalaki, imbes na ako.
Kapag hindi ako nasundo o nahatid niyan kung ano-ano na iisipin niya.
Baliw diba?
Pero syempre lab ko yan kahit baliw yan hahahaha.
"Hoy babae! Napasarap ang tulog huh?! Baka magulat nalang ako isang araw, bundat kana!"-Lyra.
"Ano ka ba Lyra? Ang pangit ng ginamit mong term.. Bundat? Saang lupalop ng bundok mo nakuha yan?"
"Ah basta, bundat o buntis parehas lang yan! Oh ano? Umayos ka Alvina, may pangarap pa tayo! Wag ka muna--"
"Alam ko naman yun, but he respect me so much Lyra. I know he can't do such thing to me, I trust him! Wag ka ngang paranoid diyan, isa ka pang baliw, kung ano-ano iniisip mo!"
"Oh sige na nga.. Basta ha?-- Major Ninang ako sa anak at sa kasal nyo!"
Minsan ang sarap nalang talaga niyang kaltukan, nakakabaliw siyang kausap!
Napapaligiran ako ng mga baliw, baka mamaya mabaliw na rin ako!
BINABASA MO ANG
"He Changed Me.." [Editing]
RomanceJett Blaze changed Yannah Alvina. He showed her what REAL LOVE is. So, she's starting to forget her past. "Never love anybody who treats you like you're ordinary.. You deserve to treat like a princess.."
!["He Changed Me.." [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/15774853-64-k512186.jpg)