28th ♥

253 6 0
                                        

Dave's POV



Nice, thanks sa ‘POV Ms. Author! ♡



Minsan mapapaisip nalang talaga ako, bakit kaya minsan akong naging tanga?



Pinakawalan ko pa yung babaeng mahal ko dahil lang sa takot ko na hindi magampanan ang responsibilidad ko sakanya.



Siya yung tipo ng babae na dapat hindi na pinapakawalan.



Lalo na ngayong may lalaking umaaligid sakanya.



Hindi nga siya natakot na ibigay yung tiwala niya sakin tapos iiwan ko pa?



Tsk..



"Yan ang mahirap pag nagmamahal, nagiging tanga. Masakit na nga, tinitignan pa rin!"-sabi ni Zack habang nakatingin din sa tinitignan ko..



Si Eliza..



Masayang nakikpag-usap sa lalaking alien na ewan ko ba kung saang lupalop ng mundo niya nakilala yan.



‘Selos ka lang eh..’



Why would I be? I'm more handsome and I know Eliza loves me..



My Princess Elizabeth, I missed her!



At hindi ako nagseselos..



Naiinis ako..



Dahil ako gustong gusto ko siya makasama pero hindi ko magawa.



Pero itong lalaki na ‘to?



Hindi lang basta nakakasama, nakakausap niya pa.



That Jerk!



Mahal ko siya, ayokong may kasama siyang iba.



Tama si Alvina..



*..Flashback..*



"Kuya alam mo? Kung pinapakita mo sa amin na wala kang paki sakanya para lang masabi mong hindi ka tanga sa pag ibig? Wag mong gawin yan. Kasi sa pagmamahal, karugtong nyan ang masaktan, at maging tanga, MINSAN!"



"Alam naming sobrang attracted ka kay ate Eliza! Kaya wag ka mag patay malisiya na wala kang paki sakanya dahil action speaks louder than words! Mahal mo siya diba? Kung mahal mo siya wag mong sukuan, ipaglaban mo! Kahit pa anong sabihin o iparamdam niya sayo.. Kapag nakita niyang desidido ka talaga sakanya, lalambot din ang puso niya sayo! Nakuha mo nga siya dati eh ngayon pa kaya na natutunan ka na rin niyang mahalin?



"Kuya, alam ko mahal ka ni ate Eliza. Alam ko ring masakit para sakanya na iwan mo siya! Ramdam ko yun, babae rin ako.. Kaya kung ayaw mong may pagsisihan sa huli? Gumawa ka ng paraan para maibalik yung babaeng nagpapasaya sayo.."



Expert na masyado ‘tong bunso ko.



In all fairness, tagos sa dibdib ko.



Ginulo ko naman yung buhok nya.



"Hahaha, natakot lang ako, baka kasi--"



"Baka ano? Baka hindi mo magampanan yung pagiging boy friend sakanya at pagiging ama mo sa magiging anak nyo? Eh sa ginawa mong pag-iwan nagampanan mo ba yung responsibilidad mo sakanila? HINDI KUYA! Tumakas ka, tinakbuhan mo yung problema mo! Kaya kung ako sayo, susuyuin ko na si ate Eliza mangangakong hindi na sila iiwan, magiging mabuting ama at girlfriend sakanya.."



Wow!



Saan ba siya nakakakuha ng hugot?



"Hindi ako nagsisi na sinabi ko sayo! Malamang kung kay Zack ko sinabi pinagtawanan pa ako ng mokong na yun, tumatanda ng paurong yung kapatid natin bunso.."



"Hindi kasi siya maka-relate, hayaan mo Kuya pag siya ang nag ka-lovelife tayo ang hahalakhak sakanya!"



*..End of Flashback..*



"What the hell are you doing here?"



Bumalik na naman siya sa pagiging bossy at ubod ng taray niya.



Anyways that's because of me it's my fault, I understand her..



"Do you hear me?"



"Eliza please.. I'm so sorry--"



I paused when she laughed bitterly..



"What? Sorry? Oh, c'mon Dave.. mababalik ba ng sorry mo lahat? You do not know what I felt when you leave me! Tapos ngayon babalik ka? Para ano? Para humingi ng sorry at para saktan na naman ako?"



Parang tinutusok yung puso ko makita siyang umiiyak.



"Alam ko nasaktan kita Eliza. But please believe it or not I regret it all. Just give me a second chance to prove myself again, give me a second chance and I'll don't waste it. I'll never hurt you again. I love you Eliza, I will always do. So, Please?"



"It's not easy to forget all the pain you gave to me, Dave. Maybe we are not really for each other. Kung mahal mo ko, hindi mo ko iiwan dahil alam mong masasaktan ako!" -sabi nya na nagpaluha talaga sakin.



"No! Please! Give me a chance to be the father of our child Eliza--"



"Sana naisip mo yan bago mo kami iniwan! Sana inisip mo na magkakaroon ka ng anak sakin bago ka umalis! Tapos ngayon gusto mong mag paka-ama? Dave I don't think you deserve it. You don't have the strength to fight for me so why would I give you a chance?"



Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig!



Naumpog sa katotohanan!



Daig ko pa ata sinaksak ng sampung beses dahil sa sakit.



"Hon, what's happening here?"-tanong ng lalaki na biglang sumulpot.



"Sino sila?" -tanong niya ulit, nag punas naman ng luha si Eliza nang palihim.



"Meet my friends Zackary and Dave.."



..Friends?..



"Nice to meet you mga ‘bro!"



"Hmm. Dave he's Carlos my Boy friend."



..Boy friend..



May kapalit agad.



Ganun ba ko kadaling palitan?



Hinihintay naman nung Carlos na kamayan ko siya.



Gago ba siya?



As if kamayan ko yan.



Kaya umalis na lang ako!

"He Changed Me.." [Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon