Jett's POV
"I think I loved her!"
"Ohh! And I think, Alvina's inlove too!"
Nagkatinginan naman kami nung isang kuya ni Alvina kasi biglang tumawa.
"Problema mo 'tol?"
"English kasi kayo ng english, nakakapanibago."
Yun naman pala, hahaha!
Nagulat naman ako, dahil bigla siyang tumingin sakin.
"Sandali nga, kanina pa tayo nag uusap ano ulit pangalan mo?"
"Jett Blaze Guevara."
"I'm Dave."
Siya yung pinakamatanda..
"Ako naman si Zackary, as you can see mas pogi ako sakanya."
Siya yung palabiro na talagang photocopy ni Alvina, hahaha.
"Nice to meet you guys.."
"Mas gusto kita kaysa kay Jay, you know?"-Kuya Dave.
Ang straight forward nila just like her..
"Ako din. Kasi alam mo yun? Feeling ko, hindi kayo tao ni Alvina."-Kuya Zack
Nagtaka naman ako, ano daw?
"BAGAY kayo!" -they both say in chorus.
Aww. I feel so welcomed, hahaha.
"Kaso hindi niya naman ako gusto eh, or shoud I say malabong magustuhan niya ko, kasi mahal na mahal nya si Jaylon."
"Alam mo Jett. Napapansin namin na sa isip niya nalang nakatatak na mahal niya yung ugok na yun. Malay mo sa araw araw na mag kasama kayo, eh nagugustuhan ka na nya. Binuksan mo yung mata niya para makita yung mga hindi niya nakikita dati. Yung mga ngiti nya, yung kilos niya, at tingin niya kapag nandiyan ka. Ibang iba eh. Hindi niya na din nakakasama si Jaylon dahil andyan kana."
Alvina's POV
Pababa na ako ng hagdan ng marinig kong nag i-speech ang aking magaling na Kuya Dave.
Akalain mo nga naman ang isang magandang tulad ko, ang topic nila ngayon.
Totoo ba 'to?
Mahal ko na kaya si Jett?
How about Jay?
Pinakinggan ko muna yung usapan nila.
"Hindi ko alam, pero ngayon ko lang naramdaman yung nararamdaman ko sa tuwing mag kasama kami ni Alvina. Nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Kahit na alam kong hindi ako ang lalaking mag papasaya sakanya. Kahit na may mahal na siyang iba. Yung feeling na gusto ko lagi siyang nasa tabi ko, lagi ko siyang kasama. Naiinis ako sa tuwing nalalaman kong nasasaktan siya dahil kay Jaylon."
My tears falling down.
Napahawak nalang ako sa bibig ko at naramdaman kong ang bilis ng tibok ng puso ko.
Naramdaman ko na 'to..
Naramdaman ko 'to nung minahal ko si Jaylon.
I'm unfair. I know that.
Hindi 'to pwede.
Ayokong maging unfair kay Jett lalo na kay Jaylon.
"Pumapag-ibig ah!" -Kuya Zack
Hindi mo talaga 'to maasahan sa seryosong usapan.
Si Kuya Dave pwede pang makausap yan ng matino e.
Magpapakita na sana ako sakanila, pero nahinto ako, at nakaramdam ng kirot sa dibdib ko ng may sinabi si Jett.
"Oo nga pala. Nakita ko si Jaylon kanina, may kahalikang babae. Hindi ko nalang sinabi kay Alvina, dahil masasaktan na naman siya, ayoko ng dagdagan yung sakit na nararamdaman niya.."
![](https://img.wattpad.com/cover/15774853-288-k512186.jpg)
BINABASA MO ANG
"He Changed Me.." [Editing]
RomanceJett Blaze changed Yannah Alvina. He showed her what REAL LOVE is. So, she's starting to forget her past. "Never love anybody who treats you like you're ordinary.. You deserve to treat like a princess.."