7th ♥

368 8 0
                                        

Alvina's POV



Anong nakain nitong si Lyra at gusto raw sumabay sakin? -,-



"Hmm. Alvina?"



"Yes?"



Andito kami sa Canteen kumakain syempre.



"Haba ng hair mo ha?" -sagot niya kaya naman napaubo ako.



"Wait, okay ka lang?"



"Ano ba kasing pinagsasabi mo, Lyra?" -tanong ko.



"The guy who is wearing a jersey 10.. you know? I'm just curious! Parang ang close close nyo na! Ngayon lang ulit kita nakitang nakipag-kaibigan sa ibang lalaki. Simula nung naging kayo ni Jay!"



"Ah, si Jett? Hmm.."



"Hindi pa sigurado te?" -tanong niya na ikinatawa ko.



Tahimik lang kaming kumakain ng magsalita ulit siya.



"Oo nga pala.. Anong balita sa inyo ni Jaylon? Kayo pa ba? Diba mag-iisang taon na kayo?" -sunod sunod nyang tanong.



"Simula nung pumunta siya sa room at hindi ako ang hinanap nya, nawalan nako ng gana. Simula nun wala na akong balita sakanya. At kung kami pa? Ewan ko Lyra."



"Really?! You mean? Hindi mo na siya pinupuntahan?" -hindi makapaniwalang tanong niya.



"Ganun na nga."



"Eh nung time na wala tayong prof ang sabi mo nagugutom ka, aminin mo, hindi ka bumili ng pagkain nuh? Kasi kakatapos lang ng vacant time natin nun!"



Tanda nya pa talaga ah?



"Oo na, aamin nako. Hindi talaga ako bumili ng pagkain!"



"Saan ka naman pumunta nun? Bakit ang tagal mong buma--"



"I'm with Jett that time."



Nanlaki naman yung mata niya at tinakpan ang bibig niya na para bang kinikilig.



Gaga talaga.



"Wala na akong balita kay Jaylon. Hindi ko alam pero kaya ko pala yun? Kaya ko palang hindi siya makita ng isang araw. Kaya ko palang hindi siya makausap. Simula nung araw na may hinanap siyang babae at hindi ako? Narealize kong ang shunga ko pala talaga?"



"Shunga ka na talaga friend! Buti nga narealize mo na eh! Atsaka kaya mo naman talaga yun, ayaw mo lang. Kasi iniisip mo masasaktan ka."



"Alam mo Lyra, natuwa ako nung nalaman kong pumunta siya sa room, pero nung nalaman kong hindi ako ang hinanap nya? Sobrang nadismaya ako! Yung tipong sana hindi ko nalang nalaman na pumunta siya! Ang sakit pala talaga! Alam kong ang babaw ng issue na kinagagalit ko pero mababaw na kung mababaw dahil masakit talaga!"



"Hindi ka mababaw Alvina! Alam mo nagpapasalamat ako at hindi ikaw ang hinanap nya sa room nung araw na yun!"



''Gaga ka talaga, bakit naman?!"



"Kasi narealize mo na shunga ka! Na nagpapaka-shunga ka kakahabol sakanya!"



"Baliw, alam ko naman ng antanga ko nun, pero nagbubulag-bulagan pa rin ako!"



"Anyways, ang galing nuh? Dumating si fafa Jett sa buhay mo?"-tanong niya na kumikislap pa ang mata, tsk!



Harot talaga ng isang 'to kahit kailan.



"Yeah. Siya yung nagpatahan sakin sa pag-iyak nung time na ansikip sikip na ng dibdib ko."



"Lahat ng sama ng loob ko pinalabas nya sakin para gumaan."



"Tapos alam mo Lyra.. Ang gaan gaan ng loob ko sakanya. Yung tipong wala akong naging pagdadalawang isip na mag open-up sakanya sa lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil feeling ko mapagkakatiwalaan talaga siya at hindi niya ako huhusgahan."



Tumango-tango naman siya at ngumiti ng nakakaloko.



"Yung Jett na akala kong hindi ngumingiti, ngumingiti pala. Akala ko hindi tumatawa-tumatawa pala. Akala ko walang galang meron pala. Mukhang gentledog, pero gentleman. Basta marami pa. Gusto ko pa siyang makilala ng lubos!"



"Hindi ko alam friend pero mas gusto ko siya, kasi ang layo niya sa boylet mong wapakels sa nararamdaman mo.. Thanks to fafa Jett talaga dahil binuksan niya ang mata mo. Para makita ang kagagahan mo kay Jaylon, tsk!"



"Gaga ka talaga!"



"So, let's go?" -tanong niya, kaya tumango nako.



May last subject pa kami.



Aral now .. Landi later!

"He Changed Me.." [Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon