Dave's POV
"Umuwi kana satin Zack."
"Pero kuya--"
"SABI KO UMUWI KA MUNA, HAYAAN MO MUNA KO."
Nataranta naman siya at agad na umalis rin.
Hindi pa rin ako makapaniwala, may pinalit na siya sakin?
Fvck.
Inaasahan ko naman na talaga, lahat ng yun masasabi niya pero mas masakit kapag sakanya na mismo nanggaling.
Kung minamalas nga naman, umulan pa..
Pero okay lang, much better..
Dinamayan ako ng ulan..
Hinayaan kong mabasa ako..
Ngayon nag sisimula nakong macurious sa sinabi ni Alvina.
Ipaglaban?
Wag sukuan?
Paano?
Paano ko ipaglalaban yung taong may iba nang ipinaglalaban ngayon?
Paano ko hindi susukuan yung taong sumuko na sakin?
Alam kong masakit yung ginawa ko pero bakit nakahanap siya agad ng iba?
Bakit?
Bakit hindi niya ko hinintay?
Babalik naman ako eh..
Mahal niya ba talaga ko?
Ayokong pagdudahan yung nararamdaman niya sakin pero ang hirap.
Naglakad-lakad ako sa gitna ng malakas na ulan.
Naglalakad lang ako ng mahagip ng mata ko si Eliza.
Napakurap pa ako, akala ko namamalikmata lang ako dahil nanlalabo na rin yung paningin ko, pero hindi.
Siya talaga yun, hindi ako pwedeng magkamali.
Nakaupo siya sa isang bench.
Nandito lang kami hindi kalayuan sa clubhouse ng subdiv nila.
Lumapit ako sakanya.
Napatingin naman siya sakin, at napaiwas agad.
Hinubad ko yung Jacket ko at pinatong sa balikat niya.
Bakit siya hinahayaan ni Carlos dito?
"Hindi ko kailangan nyan."-malamig pa sa ulan na sabi niya at walang ka-emosyon emosyon.
"Giniginaw kana Eliza. Bakit hinahayaan ka ni Carlos dito mag-isa? Buntis ka nakakasama yan para--"
"Eh ano kung ginaginaw o nakakasama 'to sa pagbubuntis ko? Anong pakialam mo? Nung nasaktan ba ako ng sobra nandito ka? Wala. Dave bakit mo ko iniwan kung kailan, kailangang-kailangan kita? Saan ba ko nagkulang sayo? Minahal kita, binigay ko lahat! Nagtiwala ako sayo, dahil nangako ka, Dave! Ikaw lang yung minahal ko ng ganito kasi- *sob* akala ko hindi mo ko iiwan pero--"
"Eliza look, I'm sorry. Maling-mali yung ginawa ko sayo! Sorry naging gago ako! Sorry iniwan kita. Kinain ako ng takot ko na baka may pagsisihan ka sa huli, natakot ako na baka hindi ako maging sapat, natatakot ako baka hindi ako maging mabuting ama. Kaso nung lumayo ako mas napagtanto kong hindi ko kaya Eliza! Ayokong mawala ka ulit, lalo na ngayon magkaka-anak na tayo.."
BINABASA MO ANG
"He Changed Me.." [Editing]
RomanceJett Blaze changed Yannah Alvina. He showed her what REAL LOVE is. So, she's starting to forget her past. "Never love anybody who treats you like you're ordinary.. You deserve to treat like a princess.."
!["He Changed Me.." [Editing]](https://img.wattpad.com/cover/15774853-64-k512186.jpg)