36th ♥

258 6 0
                                    

Unknown's POV



"So, Alvina Yannah know me? Nice, she's really is a smart girl huh? Can I show myself up?"



"This is not the right time yet, just wait."



"How will I know if the time is right?"



"You will know it, eventually."



"I can't wait to see Jett's expression. If he will see again the only girl, he kept for a long time ago."



Alvina's POV



I can't wait to go home.



We are just waiting for the Bell, so that we can go out.



*KRIIIING*



"YEHEY!"



Sigawan nila at nag si-talunan pa na parang mga nakawala sa preso.



"Mukhang excited umuwi ah?" -Lyra habang naglalakad kami palabas sa gate.



"Hindi naman masiyado. Si ate Eliza kasi naglilihi nang mga pagkain nitong mga nakaraang araw. Tapos ngayon naman naisipan nilang bumili ng gamit ni baby, then kasama ako."



"Ah kaya naman pala! Ang bilis duma-moves ni kuya Dave ah? Hindi na pinakawalan si ate Eliza."-biro niya.



"Syempre sa ganda ba naman nun, hindi malabong maraming magkagusto. Kaya hindi na talaga niya pinakawalan."



At dahil dun nagtawanan na kami.



Siguro hindi ko muna masiyadong ipapahalatang apektado ko sa nangyari.



Kahit apektadong apektado talaga ko dun sa pagtrato ni Jett sakin!



Pero mas maganda ng sarilinin ko nalang yung sakit, ayokong idamay yung mga masayang taong nasa paligid ko ng dahil lang sa ka-dramahan ko.



Mag co-commute lang pala muna ako ngayon.



Kaya nag paalam na ako kay Lyra.



Siya naman sumakay na ng Car niya.



Gusto nga ako isabay nalang kaso tumanggi akk.



Gusto ko rin naman mag commute, minsan.



Nagpara ako ng tricycle at sinabi ko na rin kay manong driver kung saan ako bababa.



Hindi ko na sasabihin mahirap na baka puntahan nyo pa kami, bwhahaha.



"Antagal mo naman!!" -bungad ni ate Eliza.



"Sorry naman. Inantay pa kaya namin magbell, dahil hindi kami pwedeng lumabas pag hindi pa dismissal, parang hindi ka naman dumaan sa pag-aaral."



Binatukan niya naman ako, kaya tinaasan ko siya ng kilay.



"Ang ibig kong sabihin, nag commute ka pa kasi. Kung dinaanan ka na lang sana namin, less hassle pa!"



"Eh gusto ko mag commute eh bakit ba?"-tanong ko sabay pasok sa backseat.



Pumasok na rin sila at tinignan ako.



Imagine that?



Nasa harap sila tapos nag effort pa sila lumingon dito.



"He Changed Me.." [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon