38th ♥

243 5 0
                                        

Dave's POV



"Ang sarap ng ice cream!" -pagbasag ko sa katahimikan.



Ano ba nangyari sa dalawa na 'to?



Kanina pa mukhang balisa.



Hindi pala mukhang balisa dahil--



BALISA TALAGA. -,-



"Oo nga e, ang sarap!"-Eliza



"Lintik naman oh! Ano ba nangyari?! May nakita ba kayong multo?"



"Hmm-- ahh-- hays." -Alvina.



Anong problema ng isang 'to?



Tinignan ko lang siya at naghintay ng isasagot nya.



"A-Ano kasi kuya-- para kasing ano-- parang totoo na kasi, na ano--"



"Na ano?!"-sabay na tanong namin ni Eliza.



"Pa-suspense naman masiyado Alvina!" -Eliza.



"Kailangan sabay?" -tanong niya at inirapan pa kami tsaka nagsalita ulit.



"Sana nga nakakita nalang kami ng multo kanina, kaysa sa nakita namin ni kuya Zack!"-sabi nya with matching usok sa ilong, bakit may usok? Tsk.



Mukhang alam ko na.



"Anong sabi nya?"-tanong ko.



"Pakinggan daw namin siya--"



"As if." -pag putol ni Alvina sa sinasabi ni Zack.



Nagpatuloy naman siya ulit.



"Sana raw mapatawad natin siya--"



"Mas lalong as if." -pagputol na naman ni Alvina.



"Gusto niya atang bumalik ulit sa buhay natin--"



"As if hayaan natin siya." -Alvina na naman.



"As if, as if, as if ka dyan. Asfakin kita dyan!" -Zack



"Anong asfakin?"-slow poke talaga 'tong bunso namin.



"Zafakin!"-sabay na bulyaw namin ni Zack sakanya.



"Teka nga. Sino ba kasi yang tinutukoy ninyo?" -tanong ng baby Eliza ko.



Tumingin naman siya sakin, with 'is it your mom?' Look.



Kaya naman tumango ako.



Umiling-iling naman siya.



"Alam nyo guys? Hangga't hindi nyo bini-bitawan yung sakit, ang bigat niyan sa dibdib. Kaya nga nandyan si move on eh. Learn to accept and move forward from the past!"



"Yeah, but it's not easy ate Eliza. Mahirap mag patawad hanggat nasasaktan ka pa!"



"Naiintindihan ko kayo kung hindi nyo pa siya kayang patawarin pero sana sooner or later, matutunan nyo pa rin siyang patawarin at mahalin, kasi kahit pag bali-baliktarin ang mundo siya pa rin ang mommy nyo. Siya ang dahilan kung bakit nandito kayo sa mundo ngayon. Time is gold. Swerte kayo kasi anytime pwede nyo pa siyang makasama. Ako hindi na."



"Yeah, she is still our mom. Pero ni-minsan ba naging ina siya sa amin? She left us and she is the reason why our daddy is dead. Siya ang dahilan kung bakit nangungulila kaming lahat. Sana nga siya nalang ang nawala. At wait swerte? Mas ma-swerte ka samin ate Eliza, alam mo kung bakit?"-she asked.



Lahat kami naka-focus sa sunod niyang sasabihin.



"Oo nga't hindi mo na makakasama ulit ang mom mo. Pero atleast naramdaman mo yung pagmamahal niya sayo nung nabubuhay pa siya. Hindi ka niya iniwan ate Eliza, buhay na buhay siya diyan *turo sa dibdib ni Eliza.* at mananatili siyang buhay diyan." 



No doubt, this girl is my sister.



"Eh si mom? She has a choice to stay with us but she chose to leave. Matagal na siyang wala sa buhay namin. Nasanay na rin kaming wala siya, kaya hindi niya na kailangan pang bumalik ngayon."



Tumayo siya at umakyat na sa taas.



Naiintindihan ko yung point nilang dalawa.



"Hindi nya pa rin nakakalimutan yung mga ginawa ng mommy namin dati, andun pa rin yung sakit habang binitawan niya yung mga salita na yun. Hindi ko siya masisi dahil nasaktan talaga siya. Naiintindihan ko yung kapatid ko, pero naiintindihan rin kita Eliza. Hayaan mo pagdating ng araw kapatawaran pa rin naman ang mananaig samin."-sabi ko kay Eliza to brighten up her mood, kasi baka isipin nya na mali yung mga sinabi nya kay Alvina.



At nagiging emotional na naman siya.



Buntis eh..



Sinalungat rin kasi lahat nung bata, yung sinabi niya hahaha.



"I know mahal na mahal nya ang mommy nya. Masiyado lang napupuno ng galit ang puso nya. Kaya nga ang sabi ko, try nya lang alisin yung galit na yun. Pero naiintindihan ko naman kung hindi nya pa kaya for now. Tama siya baby, hindi naman talaga madaling mag patawad lalo na pag nasasaktan. I'm sorry, my bad."



"Sshh. Hindi naman galit si Alvina. Badmood lang talaga siya dahil sa nangyari."



"Dahil sa sinabi ko."



"No, don't worry too much. That's not good for our child."



Okay, here we go again..



Handle my girl with her tantrums.



Wish me luck.

"He Changed Me.." [Editing]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon